08/04/2026
https://www.facebook.com/share/p/1HXV1vKX9z/?mibextid=wwXIfr
Dahil sa epekto ng patuloy na tensyon sa pagitan ng mga rehiyon at bilang pagtalima sa umiiral na pambansang kautusan, ang Lokal na Pamahalaan ay may ipapabatid na pagbabago sa kinaugaliang pagdiriwang ng city fiesta ngayong taon at mga direktiba kaugnay ng mga programa at kapistahan sa ating mga barangay bilang bahagi ng ating pagsusumikap na maibsan ang sitwasyon at bigyang prayoridad ang mga inisyatibong makakapagpabuti sa kalagayan ng bawat isa.
MANGO BAMBOO FESTIVAL 2026; Mula sa orihinal na nakaplanong dalawampu’t dalawang programa, ay anim na lamang ang matutuloy sa mga ito. Kabilang na diyan ang
1. Ms. San Carlos City 2026
2. Opening Parade and Mangga-wayan Streetdancing
3. Mass Wedding
4. Agew na Kalangwaran
5. Bamboohan ed Baley 2026
6. Grand Ball and Coronation Night.
Ang pagkansela sa labing anim na programa ng Mango Bamboo Festival 2026 ay pagtalima sa direktiba ng Malacañang upang makatipid ang gobyerno sa enerhiya na naglalayong makabawas ng nasa 70% sa kabuuang konsumo sa kuryente at korudo kumpara kung ito ay itutuloy. Nais din gawin ng Lokal na Pamahalaan na mas maging makabuluhan ang kanselasyong ito sa pamamagitan ng pagawa ng mga programang tatalima sa pangangailangan ng ating siyudad bilang paghahanda sa nagbabadyang mas matinding hinaharap ng ating bansa.
Sa kabila ng ilang pagbabago, nananatili pa rin ang ating hangaring bigyang-halaga ang diwa ng mga tradisyong ito. Kung kaya’t ang mga piling aktibidad na parte na ng ating tradisyon at mga aktibidad na nangangailangan sa pagtupad sa mga legal na pananagutan na nakapaloob sa ilang mga kasunduang nilakdaan ng Lokal na Pamahalaan bago pa man din ang deklarasyon ng “State of National Energy Emergency”, Executive Order No. 110, s. 2026. ay itutuloy.
Postponement of Barangay-Sancationed Non-Essential and Extravagant Events; Nakasaad din sa inilabas na utos ng Lokal na Pamahalaan ang pansamantalang pag postpone sa mga programa sa barangay kabilang na ang mga magarbong selebrasyon ng piyesta, mga liga (basketball, volleyball atbp.) at iba pang mga non-essential programs upang makatipid din ang mga barangay sa enerhiya, kurudo at pondo. Ang direktibang ito sa mga barangay ay pansamantala lamang at maaring mabago base sa sitwasyon natin sa pagdaan ng mga buwan sa pamamagitan ng pahintulot ng LGU o pagkansela ng utos na ito.
Para naman sa Lokal na Pamahalaan, ang REDUCED FIESTA na magaganap hanggang Abril 18 marahil ang huling malakihang progama na gaganapin para taong ito at lubos na tutuon sa ibang mga programang makakatulong para sa ating mga kababayan.
Hinihingi namin ang pang-unawa, suporta at pakikiisa ng mga minamahal naming mga kababayan sa pagkakataong ito. Bilang iisang komunidad tayo’y magkaisa at magdasal para sa kaligtasan ng bawat isa at sa kapayapaang ninanais ng buong mundo.
Maraming salamat po at nawa’y patuloy tayong magtulungan at magkaisa para sa mapayapa at maayos na bukas.