08/04/2026
๐ข OPISYAL NA PAHAYAG: PAGPAPALIBAN NG MISS QUINTONG 2026
Isang mapagpalang araw sa ating lahat, mga kabataang Quintonians!
Kami, ang inyong Sangguniang Kabataan ng Quintong, ay kaisa ng ating lokal at pambansang pamahalaan sa pagharap sa kasalukuyang krisis sa enerhiya. Dahil dito, nais naming ipabatid ang pansamantalang POSTPONEMENT o pagpapaliban ng lahat ng aktibidad kaugnay ng MISS QUINTONG 2026.
Ang hakbang na ito ay bilang pagsunod sa Executive Order No. 110 (Declaration of State of National Energy Emergency) at sa Executive Order No. 048-2026, s. 2026 na inilabas ng ating mahal na Lungsod ng San Carlos.
โจ PAALALA: HINDI PO ITO KANSELADO
Nais naming linawin na ang Miss Quintong 2026 ay HINDI KANSELADO. Ang ating paghahanda ay panandalian lamang nating ititigil bilang pakikiisa sa pagtitipid ng kuryente. Sa ngayon ay wala pang tiyak na petsa kung kailan ito itutuloy, ngunit makakaasa kayo na agad kaming maglalabas ng anunsyo kapag bumalik na sa normal ang ating sitwasyon sa enerhiya.
๐ก TAWAG PARA SA PAGKAKAISA
Sa gitna ng krisis na ito, kami ay mapagkumbabang lumalapit sa bawat kabataan at pamilya sa ating barangay na maging matalino sa paggamit ng kuryente. Ang simpleng pagpapatay ng ilaw o appliances na hindi ginagamit ay malaking tulong upang maibsan ang kakulangan sa supply ng enerhiya sa ating lungsod.
Maraming salamat sa inyong malawak na pag-unawa. Ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ang ating prayoridad. Manatili tayong ligtas at laging maging handa.
Maraming salamat po.
Matapat na sumasainyo,
THE SK OFFICIALS OF QUINTONG
Administrative Year 2023-2026