San Antonio Zambales - Public Information

San Antonio Zambales - Public Information UPDATES and EVENTS in San Antonio Zambales. Managed by the Office of the Mayor. June 30 2025 - 2028

πŸŽ“ EDUCATIONAL ASSISTANCE | SAN NICOLAS ELEMENTARY SCHOOLIsinagawa ngayong araw sa San Nicolas Elementary School ang pama...
08/09/2026

πŸŽ“ EDUCATIONAL ASSISTANCE | SAN NICOLAS ELEMENTARY SCHOOL

Isinagawa ngayong araw sa San Nicolas Elementary School ang pamamahagi ng Educational Assistance para sa mga kwalipikadong mag-aaral mula sa Bayan ng San Antonio, Zambales.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan na makatulong sa mga mag-aaral at kanilang mga pamilya upang maibsan ang gastusin sa pag-aaral at masuportahan ang kanilang pag-abot sa mga pangarap.

Pinangunahan ang aktibidad nina Hon. Mayor Arvin Rolly D. Antipolo, M.D., Hon. Vice Mayor Atty. Jojo Bactad, kasama ang mga Sangguniang Bayan Members, katuwang ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan sa maayos na pagpapatupad ng programa.

Patuloy ang Serbisyong Antipolo sa paghahatid ng mga programang nakatuon sa kapakanan, edukasyon, at kinabukasan ng kabataan ng United San Antonio.πŸ‡΅πŸ‡­

Edukasyon ang susi sa mas magandang kinabukasan. Sama-sama nating suportahan ang ating mga kabataan!





πŸŽ“ EDUCATIONAL ASSISTANCE PARA SA MGA MAG-AARAL NG SAN MIGUEL ELEMENTARY SCHOOL AT SAN NICOLAS ELEMENTARY SCHOOL Isinagaw...
08/09/2026

πŸŽ“ EDUCATIONAL ASSISTANCE PARA SA MGA MAG-AARAL NG SAN MIGUEL ELEMENTARY SCHOOL AT SAN NICOLAS ELEMENTARY SCHOOL

Isinagawa ngayong araw ang Educational Assistance para sa mga mag-aaral ng San Miguel Elementary School at San Nicolas Elementary School bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng San Antonio na masuportahan ang pangangailangan ng ating mga kabataan sa kanilang pag-aaral.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ni Hon. Mayor Arvin Rolly D. Antipolo, M.D, kasama si Hon. Vice Mayor Atty. Joseph Jonathan Bactad at ang mga Sangguniang Bayan Members, na patuloy na nagsusulong ng mga programang nagbibigay ng konkretong suporta at oportunidad para sa bawat mag-aaral.

Ang programang ito ay patunay ng patuloy na malasakit at pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan para sa kapakanan at kinabukasan ng kabataan ng San Antonio, Zambales.

πŸ“š Edukasyon ang susi sa mas magandang kinabukasan. Patuloy nating susuportahan ang ating mga kabataan sa bawat hakbang tungo sa kanilang mga pangarap.

Serbisyong Antipolo, United San Antonio!πŸ‡΅πŸ‡­






❀️TAOS-PUSONG PASASALAMAT ❀️Ang Hon. Mayor Arvin Rolly D. Antipolo at ang buong Bayan ng San Antonio, Zambales ay nagpap...
08/09/2026

❀️TAOS-PUSONG PASASALAMAT ❀️

Ang Hon. Mayor Arvin Rolly D. Antipolo at ang buong Bayan ng San Antonio, Zambales ay nagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat kay Ms. Almira De Guzman Estrada sa kanyang makabuluhang paggunita sa kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng biyaya at pagtulong sa ating mga kababayan.

Sa pamamagitan ng kanyang β€œAbot Tulong” Program, naging bahagi ang Tau Gamma Phi – San Miguel Chapter Triskelion San Antonio Municipal Council sa isang napakagandang adhikainβ€”ang pamamahagi ng mga food packs para sa ating mga masisipag na fish vendors at tricycle drivers na araw-araw na nagsisikap para sa kanilang pamilya at komunidad.

Ang ganitong uri ng kabutihan ay higit pa sa isang simpleng handog. Ito ay pagpapakita ng malasakit, pagkakaisa, at tunay na pagmamahal sa kapwa.

Maraming salamat, Ms. Almira, sa pagpiling ibahagi ang inyong biyaya sa ating mga kababayan. Nawa'y patuloy kayong pagpalain upang maging daluyan pa ng tulong at pag-asa sa mas marami pang nangangailangan.

Kaisa ninyo ang Bayan ng San Antonio sa pagsusulong ng isang komunidad na may malasakit at bayanihan.

Mula sa aming puso, maraming salamat at m Belated Happy Birthday Ms. Almira! πŸŽ‚

Mabuhay ang Bayanihan!
Mabuhay ang San Antonio! πŸ‡΅πŸ‡­
United San Antonio

Photo Credit: Sir Jef Maycong

πŸŽ‰ CONGRATULATIONS, SIR JAYSON DELGADO! πŸŽ‰Si Hon. Mayor Dok Arvin Antipolo at ang buong Bayan ng San Antonio, Zambales ay ...
08/09/2026

πŸŽ‰ CONGRATULATIONS, SIR JAYSON DELGADO! πŸŽ‰

Si Hon. Mayor Dok Arvin Antipolo at ang buong Bayan ng San Antonio, Zambales ay buong pusong nagpapaabot ng pagbati kay Sir Jayson Delgado ng T. R. Yangco Catholic Educational Institute, Inc. sa kanyang pagkakahalal bilang Bagong Pangulo ng ZAMPRISA (Zambales Private Schools Association).

Ang pagkakahalal na ito ay isang patunay ng inyong kahusayan, dedikasyon, integridad, at malasakit sa edukasyon, gayundin sa patuloy na pagsusulong ng kalidad at makabuluhang edukasyon para sa mga kabataan ng Zambales.

Nawa'y maging inspirasyon at gabay ang inyong pamumuno sa lahat ng pribadong institusyong pang-edukasyon sa lalawigan. Nawa'y maging matagumpay ang inyong panunungkulan at magbunga ito ng higit pang mga oportunidad at positibong pagbabago sa sektor ng edukasyon.

Muli, taos-pusong pagbati, Sir Jayson Delgado!

Ang Bayan ng San Antonio, Zambales ay kaisa ninyo sa pagtataguyod ng isang mas matatag, makabuluhan, at de-kalidad na edukasyon para sa ating mga kabataan.

Congratulations, Sir Jayson! Mabuhay ang ZAMPRISA! Mabuhay ang Edukasyon! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ“š

β€” Hon. Mayor Arvin Rolly D. Antipolo, MD

πŸŽ“ MALIGAYANG PAGBATI SA MGA GRADUATES AT PASSERS NG SAN ANTONIO, ZAMBALES!πŸŽ“ Buong pagmamalaki at taos-pusong pagbati sa ...
07/09/2026

πŸŽ“ MALIGAYANG PAGBATI SA MGA GRADUATES AT PASSERS NG SAN ANTONIO, ZAMBALES!πŸŽ“

Buong pagmamalaki at taos-pusong pagbati sa lahat ng ating mga kababayan mula sa San Antonio, Zambales na matagumpay na nakapagtapos ng kanilang pag-aaral at sa mga pumasa sa kanilang board, licensure, at iba pang qualifying examinations!*πŸ‘πŸŽ‰

Ang inyong tagumpay ay hindi lamang bunga ng inyong talino at kakayahan, kundi patunay rin ng *lsipag, tiyaga, sakripisyo, at determinasyon. Kayo ay inspirasyon sa inyong pamilya, mga g**o, kaibigan, at sa buong pamayanan.

🌟 β€œAng tagumpay ay hindi nasusukat sa bilis ng iyong pag-abot sa pangarap, kundi sa tapang mong magpatuloy kahit maraming pagsubok.”

Tandaan ninyo: ang pagtatapos ay hindi katapusan, kundi simula ng mas malaki at mas makabuluhang paglalakbay.Dalhin ninyo saan man kayo mapunta ang mabuting puso, tamang pagpapahalaga, at pagmamahal sa ating bayan.

❀️Mula sa Tanggapan ni Hon. Mayor Dok Arvin Antipolo, ipinagmamalaki namin kayo. Nawa'y maging inspirasyon ang inyong tagumpay sa mga kabataang nangangarap ding makamit ang kanilang mga mithiin.

Patuloy kayong mangarap. Patuloy kayong magsikap. At higit sa lahat, huwag kalimutang bumalik at maglingkod sa bayang humubog sa inyong pagkatao.

✨ β€œYour success today is proof that your dreams are worth fighting for. Keep moving forward, keep believing, and make San Antonio proud!”

CONGRATULATIONS, MGA KABABAYAN!πŸŽ“πŸ†\
Mabuhay ang mga bagong graduates at passers ng San Antonio!πŸ‡΅πŸ‡­β€οΈ

HON. ARVIN ROLLY D L. ANTIPOLO, MD
_Municipal Mayor_
San Antonio, Zambales







Heavy Rainfall Warning No. 3  Weather System: Southwest Monsoon (Habagat)Issued at: 2:00 PM, 07 September 2026(Monday)RE...
07/09/2026

Heavy Rainfall Warning No. 3
Weather System: Southwest Monsoon (Habagat)
Issued at: 2:00 PM, 07 September 2026(Monday)

RED WARNING LEVEL: Zambales(San Antonio, Subic, Castillejos, San Narciso, San Felipe, Olongapo, Cabangan, San Marcelino),

Alerto San Antonio
Serbisyong Antipolo
United San Antonio

πŸ“š SAN ANTONIO EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM Ang Pamahalaang Bayan ng San Antonio, Zambales, sa pangunguna ni Municipal ...
07/09/2026

πŸ“š SAN ANTONIO EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM

Ang Pamahalaang Bayan ng San Antonio, Zambales, sa pangunguna ni Municipal Mayor Dok Arvin Antipolo, ay magsasagawa ng Educational Assistance Program para sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6

Bawat kwalipikadong mag-aaral ay makatatanggap ng β‚±500 na educational assistance bilang suporta sa kanilang mga pangangailangang pang-edukasyon.

πŸ“… Martes, Setyembre 8, 2026

πŸ“ San Miguel Elementary School
πŸ•— 8:00 AM

πŸ“ San Nicolas Elementary School
πŸ•˜ 9:00 AM

Layunin ng programang ito na makatulong sa mga mag-aaral at kanilang mga pamilya sa pagtugon sa mga gastusin sa pag-aaral at mahikayat ang bawat bata na ipagpatuloy ang kanilang edukasyon.

β€œGusto Ko Healthy Ka!”
Serbisyong Antipolo
United San Antonio

Para sa karagdagang impormasyon at mga kinakailangang dokumento, mangyaring makipag-ugnayan sa kinauukulang tanggapan o paaralan.

Hon.Arvin Rolly D. Antipolo, MD
_Municipal Mayor_
San Antonio, Zambales

πŸ‡΅πŸ‡­ 1st Leg ng Trilogy Run for the West Philippine Sea, Matagumpay na Idinaos sa Quezon City At Nilahukan ng Geo Lands Re...
07/09/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ 1st Leg ng Trilogy Run for the West Philippine Sea, Matagumpay na Idinaos sa Quezon City At Nilahukan ng Geo Lands Realty from San Antonio Zambales.

Matagumpay na isinagawa kahapon sa Quezon City ang 1st Leg ng Trilogy Run for the West Philippine Sea, isang makabuluhang programa na naglalayong palakasin ang pagkakaisa at pagmamahal sa bayan, gayundin ang pagpapahayag ng ating suporta sa West Philippine Sea.

Ang matagumpay na unang leg ay nagsilbing simula ng isang makabuluhang serye ng mga gawain na nagbubuklod sa ating mga kababayan para sa isang layuninβ€”ang ipakita ang ating pagkakaisa, pagiging makabayan, at malasakit sa ating bansa. πŸ‡΅πŸ‡­

At ang magandang balita: ang susunod na leg ay gaganapin mismo dito sa ating bayan ng San Antonio, Zambales! ❀️

Bilang isang bayang malapit sa West Philippine Sea, magiging espesyal at makabuluhan ang pagdaraos ng susunod na leg dito sa ating lugar. Inaanyayahan ang lahat na makiisa, makilahok, at maging bahagi ng makasaysayang pagtitipon na ito.

Mula Quezon City, tutungo naman ang Trilogy Run sa San Antonio, Zambales!

Tayo ay magkaisa, tumakbo para sa bayan, at ipakita ang ating pagmamahal sa Pilipinas. πŸ‡΅πŸ‡­

RUN FOR THE WEST PHILIPPINE SEA!
Mabuhay ang Pilipinas! πŸ‡΅πŸ‡­
Mabuhay ang San Antonio, Zambales!

Address

Brgy Rizal
San Antonio
2206

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Antonio Zambales - Public Information posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share