12/06/2026
Awareness campaign: OSAEC, CSAEM and Anti Bullying Campaign for Senior High School students of General Tinio.
Naging matagumpay ang 2-day Anti- Bullying Campaign ng Municipal Action Team ng General Tinio kasama ang MSWDO, PNP at Pru-Life UK.
Naidiscuss ng MSWDO staff sa pangunguna ng MSWD Officer Ms. Cecil Flor Padolina at ng iba pang staff ang Anti- Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at Anti Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act. Naibahagi naman ng PNP at mga Municipal Links ang Anti-Bullying Act sa mga eskwelahan ng Lino P. Bernardo NHS, Leonor M. Bautista NHS, Rio Chico NHS, Pagtalunan NHS, at General Tinio National High School.
Nagbahagi rin ng kaalaman ang partner agency mula sa Pru-Life UK ng Financial Literacy sa General Tinio NHS kasabay ng programa at naghandog ng meryenda ng mga studyante.
Layunin ng programa na magkaroon ng malawak na kaalaman ang mga batang mag aaral sa mga batas na magpoprotekta sa kanila.
Lubos na nagpapasalamat ang Municipal Action Team ng General Tinio dahil ito ay naging posible dahil sa supprta ng ating punong Lungsod na si Mayor Sherry Bolisay na personal na nagpaabot ng pagbati at meryenda sa mga nasabing eskwelahan. Sa Suporta ng MSWDO sa pangunguna ni Ms. Cecil Flor Padolina.