23/05/2026
Brgy. San Mariano, San Antonio, Nueva Ecija
Muli pong nagsama-sama ang ating komunidad sa isang matagumpay na clean-up drive na pinangunahan ng Sangguniang Barangay, katuwang ang masisipag na , mga Barangay Tanod, at Barangay Health Workers (BHW) ng San Mariano
Ang sama-samang pagkilos na ito ay bahagi ng ating patuloy na kampanya para sa kalinisan at kaayusan ng ating barangay.
Sa patuloy nating pagsisikap, hinihikayat po ang bawat isa na panatilihin ang kalinisan sa ating kapaligiran. Ugaliin po nating magsagawa ng tamang segregasyon at pagtatapon ng basura sa wastong tapunan. Ang disiplina at responsableng pagkilos ng bawat mamamayan ay susi sa isang maayos at malusog na komunidad.
Sama-sama nating pangalagaan ang ating Barangay San Mariano β tungo sa isang malinis, maayos, at kaaya-ayang pamayanan para sa lahat.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!