10/11/2025
πππππ πππππ πππ-πππππππ πππππ ππππππππ πππ ππ
π ππ ππππππ ππ πππππππ ππ ππππππππππππ ππ ππππππ
πππππ ππ ππππ. πππππ, πππ ππππππ, πππππππππππ
TINGNAN: Ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Codon katuwang ang Bureau of Fire Protection - San Andres at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office - San Andres ay nagsagawa ng hauling at distribution ng 100 bag ng tig-5 kilong bigas sa mga residente ng Brgy. Lubas, San Andres, Catanduanes na apektado ng nagdaang Bagyong βUwan.β
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagtugon ng LGU upang maihatid ang agarang tulong at mapagaan ang kalagayan ng mga pamilyang nasalanta ng kalamidad.
Patuloy ang CGSS Codon sa pakikipagtulungan sa LGU at mga partner agencies upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa panahon ng sakuna at krisis.