17/07/2026
Kauna-unahang Seremonya ng Pagsunog ng Watawat alinsunod sa Republic Act 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines, isinagawa sa San Andres Vocational School sa pangunguna ng Boy Scouts at Girl Scouts, sa patnubay ng Senior Scouts at mga kawani ng paaralan ngayong hapon, ika-17 ng Hulyo 2026.
Ang seremonyang ito ay nagsilbing paalala sa ating tungkulin na bigyang galang at pagkilala ang ating Pambansang Watawat bilang sagisag ng ating kasarinlan at pagkakilanlang Pilipino.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa pagdalo at pakikiisa ng ating mga panauhing pandangal na sina Hon. Aly T. Romano, Ama ng Bayan ng San Andres at Konsehal Joal C. Cocjin.
Ang inyong pakikiisa ay patunay ng inyong patuloy na suporta sa mga gawaing nagtataguyod ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan.
Mabuhay ang Watawat ng Pilipinas! 🇵🇭