DepEd Tayo TALA ES_Quezon Province

DepEd Tayo TALA ES_Quezon Province Public Elementary School in Quezon Province San Andres District

29/08/2022

PAGPUPUGAY SA ATING MGA BAYANING PILIPINO! 🇵🇭

Sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani, ating binibigyang pagpupugay at buong pusong pagmamalaki ang lahat ng mga bayaning Pilipino mula sa kasaysayan at kasalukuyang panahon, para sa kanilang pagmamahal, sakripisyo, at paglalaan ng kanilang buhay para sa bansa at sa kapwa Pilipino.

Kasabay ng pagdiriwang ngayong araw, binibigyang pagkilala at pasasalamat ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga bayani ng sektor ng edukasyon, ang ating mga g**o at iba pang kawani, sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon at paglalaan ng serbisyo higit sa kanilang propesyon para sa kapakanan at pag-abot ng pangarap ng bawat mag-aaral na Pilipino.

B R I G A D A    P A G B A S A  2022Project 3 P’s ( Pagbasa ay Pag-Asa Program )Isang Mapagpalang Araw po sa Ating lahat...
06/08/2022

B R I G A D A P A G B A S A 2022

Project 3 P’s ( Pagbasa ay Pag-Asa Program )

Isang Mapagpalang Araw po sa Ating lahat, Ang Paaralang Elementarya ng Tala ay nanawagan sa mga sumusunod:
Gradweyt ng kursong Edukasyon at Kasalukuyang Nag-aaral sa kursong Ekusayon at iba pang Volunteers/Partners na makapag abot ng tulong sa mga kabataan na nagnanais mag boluntaryong pagsasagawa ng Brigada Pagbasa sa mga kabataang mula Grade 1-3 na Nasasakupan ng Baranggay Tala.

Ang Brigada Pagbasa taong 2022-2023 ay may programang 3P's o PagBasa ay Pag-Asa program. Ito ay naglalayong matulungan ang mga G**o at Mag-aaral na mabawasan ang bilang ng mga kabataang nahihirapan sa larangan ng Pagbabasa at upang sila rin ay maihanda sa nalalapit na pagbabalik Eskwela. Ang Programang ito ay makapagbibigay pag asa sa mga mag aaral na ipagpatuloy ang edukasyon sa kahit anong hirap na natatamasa sa tulong at gabay ng bawat isa sa atin.

Bukas rin po ang paaralan sa kahit anong donasyon na makakatulong sa pagpapaunlad ng karunungan sa Pagbasa.

Makipaguganayan lamang po sa mga G**ong nakatalaga

Gng. Charito Ebale Capucao at Gng. Marion Enero Aureada ( English at Filipino Reading Coordinator) o magsadya mismo sa Paaralang Elementarya ng Tala.

Sama sama po tayo sa pagtataguyod ng kultura ng Pagbabasa. Maraming Salamat po



C A L L   F O R  V O L U N T E E R S / P A R T N E R S / D O N A T I O N S
29/07/2022

C A L L F O R V O L U N T E E R S / P A R T N E R S / D O N A T I O N S

Agosto Na! Agosto-Din naming Kasama ka!Tara na't Makiisa sa aming Brigada EskwelaAlay-Linis-Ganda at Brigada Pagbasa par...
22/08/2021

Agosto Na! Agosto-Din naming Kasama ka!
Tara na't Makiisa sa aming Brigada Eskwela

Alay-Linis-Ganda at Brigada Pagbasa para sa mga Eskwela

Ngayong darating na pagbubukas ng taong panuruan 2021-2022 ang paaralan ay magsasagawa ng Brigada Kick off mula buwan ng Agosto hanggang Setyembre taong 2021. At sa nalalapit na Balik-Eskwela 2021, ang Paaralang Elementarya ng Tala sa ilalim ng pamamahala ni G. Satur C. Girbuela, Ulong-G**o III, upang maisakatuparan ang taunang pagsasagawa ng Brigada Eskwela ‘21 na may temang “Bayanihan Para sa Paaralan, ang tanggapang ito ay malugod na lumalapit sa inyo.

Alinman sa mga sumusunod ay ang maaaring maitulong o maibahagi sa Paaralan ng inyong tanggapan:

A.Reading Materials/Learning Materials
B. Medical/Health Kit
C. Printing Equipment (ink, coupon bond, printer, etc.)
D. in-Cash/in-Kind Donation

Umaasa po kami na sa bawat hamon ng panahon, Kayo ay patuloy na kaakibat ng Paaralan . Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal.

Be a Donor, Be Our Partner

Sa mga nais maging kapareha ng Paaralan Kontakin lamang si
Bb. Jelly Ann C. Salundaguit- Brigada Coordinator/09190031964

Address

Centro, Brgy. Tala, Quezon
Candelaria

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo TALA ES_Quezon Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category