01/06/2026
🌟 CONGRATULATIONS LGU TRECE MARTIRES CITY! 🌟
Buong puso ko pong Ipinagmamalaki ang ating lungsod! Ang LGU Trece Martires City ay opisyal na kinilala ng DILG IV-A bilang isa sa mga LGUs na may IDEAL FUNCTIONALITY sa buong Lalawigan ng Cavite para sa 2026 LCPC Functionality Assessment!
Congratulations sa ating City Council for the Protection of Children (CCPC). Hindi naging madali ang prosesong ito para sa kanila. Ang parangal na ito ay patunay ng kanilang natatanging husay at dedikasyon sa pagsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2021-039 na tumuon sa apat (4) na mahahalagang aspeto na sinuri ng Provincial Inter-Agency Monitoring Task Force (IMTF):
✔️Organizational Sustainability – Matatag at maaasahang istruktura.
✔️Policies and Plans for Children – Mga batas at programang may malinaw na direksyon para sa kabataan.
✔️Budget for LCPC – Sapat at tamang pondong nakalaan para sa kapakanan ng mga bata.
✔️Service Delivery, Monitoring, and Management for Children – Mabilis, maayos, at totoong serbisyong nararamdaman ng bawat batang Treceño.
Ang tagumpay na ito ay patunay na ang Trece Martires ay isang lungsod na may pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay—isang ligtas, inklusibo, at tunay na Child-Friendly City kung saan ang bawat bata, anuman ang kanilang kasarian, ay pinoprotektahan, pinakikinggan, at binibigyan ng pagkakataong pangarapin ang isang mas maliwanag na bukas na naghihintay para sa kanila.
Patuloy nating itaas ang antas ng ating serbisyo!❤️ Muli, CONGRATULATIONS City Government of Trece Martires! 🎉🥳