02/06/2025
Simula noong pag-aaklas sa Stonewall noong 1969—isang makasaysayang paglaban ng LGBTQ+ laban sa pang-aabuso at diskriminasyon—patuloy pa ring ipinagkakait sa maraming miyembro ng komunidad ang tunay na kalayaan at pagkakapantay-pantay. Sa kabila ng mga dekada ng pakikibaka, nananatili ang sistemikong diskriminasyon, paglalayo, at karahasang nakaugat sa mga institusyon ng lipunan.
Ang SANDIGAN - Arellano University ay buong puso at prinsipyo ang suporta sa pagpasa ng —hindi lamang bilang batas, kundi bilang paninindigan para sa karapatang pantao at dignidad ng bawat isa. Ang pagpasa nito ay isang mahalagang hakbang upang masiguro ang kalayaan, seguridad, at proteksyon ng lahat, anuman ang kanilang kasarian, sekswal na oryentasyon, o pagkakakilanlan.
Hindi kami tahimik sa harap ng pang-aapi. Tinutuligsa namin ang anumang uri ng diskriminasyon at pinangangalagaan ang espasyo para sa edukasyon, adbokasiya, at aktibong pakikilahok sa pagbabago. Naninindigan kami para sa isang makatao, makatarungan, at inklusibong lipunan—isang lipunang hindi lamang tumatanggap, kundi tunay na kumikilala at iginagalang ang lahat.
Ang laban para sa pagkakapantay-pantay ay hindi lamang laban ng LGBTQ+—ito ay laban nating lahat.