28/05/2026
Ang pagtakbo ay isang epektibo at natural na paraan ng pag-eehersisyo. Anumang edad ay maaari itong gawin. Ngunit mahalagang isaalang-alang ang ilang mga bagay bago, pagkatapos, at habang tumatakbo. Madali man itong gawin, kinakailangan pa rin ng paghahanda upang maiwasan ang injury, dehydration, o matinding pagkapagod.
Bago ang araw ng pagtakbo, siguraduhing may sapat na tulog. Ito ang maghahanda sayong puso, isip at katawan sa gagawing physical activity.
Para naman sa tamang hydration, uminom ng tatlong baso ng tubig 1 hanggang 2 oras bago tumakbo, at sundan ito ng isang baso ng tubig pagkalipas ng 30 minuto.
Kung malayo ang tatakbuhin, kumain ng pagkaing magaan at mayaman sa carbohydrates tulad ng saging, oatmeal, o isang pirasong tinapay, isa hangang dalawang oras bago tumakbo.
Maglaan naman ng 5 hanggang 10 minuto upang gawin ang dynamic stretching para sa iyong warm-up. Ito ang mga stretches na may galaw tulad ng high knees, butt kicks, lunges, at leg swings.
Habang tumatakbo, importante pa rin na pakiramdaman ang inyong sarili, huwag pipilitin ang inyong katawan kung hindi na kaya, huwag tatakbo ng tuloy-tuloy, bahagyang magpahinga habang naglalakad bago muling tumakbo.
Bukod sa warm-up, importante rin ang cool down pagkatapos tumakbo upang maiwasang mahilo o mahimatay. Huwag basta-basta uupo o hihiga. Marapat na maglakad-lakad muna 5 hanggang 10 minuto para sa unti-unting pagbaba ng tibok ng inyong puso sa normal na kondisyon.
Ito rin ang tamang oras para gawin ang static stretching o mga stretches na hindi gumagalaw, kinakailangan mo amang hawakan ito ng 15-30 seconds gaya ng hamstring stretch, calf stretch, at quad stretch.
Para naman manumbalik ang lakas at makumpuni ang mga napagod na muscles, importante ang tamang rehydration at refueling. Uminom ng tubig o sports drink at kumain ng mga pagkaing may kombinasyon ng carbohydrates at protina gaya ng itlog, saging, o protein shake.
Mahalagang isaalang-alang ang mga ito para makamit ang benepisyong dulot ng pagtakbo. Listen to your body, kung may nararamdamang kakaibang sakit sa dibdib o nahihilo, lumiban muna sa pagtakbo.
Saya, lusog, at tatag, ilan sa mga benebisyong maibibigay ng pagtakbo, kayaโt tara at sama-sama nating gawing bahagi ng ating buhay ang pagtakbo para sa masaya, malusog at matatag na pamilyang Bataeรฑo.