Barangay Lalawigan

Barangay Lalawigan Kaisa sa Pag-Angat at pag Asenso

TINGNAN: Para sa pagdiriwang ng World No To***co Day ngayong araw, nagkaroon ng seremonyal na pagsira ng mga sigarilyo s...
01/06/2026

TINGNAN: Para sa pagdiriwang ng World No To***co Day ngayong araw, nagkaroon ng seremonyal na pagsira ng mga sigarilyo sa ginanap na Hataw Takbo Bataan - Orion Leg kahapon, ika-30 ng Mayo.

Dito ay pinangunahan nina Gov. Joet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, at Mayor Antonio "Tony Pep" Raymundo, ang pagbasa ng tubig sa mga nakumpiskang sigarilyo sa Orion noong mga nagdaang linggo.

Ipinagdiriwang ang World No To***co Day tuwing ika-31 ng Mayo, at bilang pakikiisa ng Bataan Provincial Health Office at ng buong Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, muling ipinapaalala na sa ilalim ng Provincial Ordinance No. 6 series of 2019, ipinagbabawal ang paninigarilyo at paggamit ng v**e/electronic ci******es sa mga pampublikong lugar sa buong lalawigan ng Bataan, gayundin ang pag-advertise o ang panghihikayat na bumili o gumamit nito, pati na ang pagbili at pagbebenta nito sa mga lugar na kalapit o nakapaloob sa 100 metro mula sa mga paaralan, palaruan, parke, o anumang pampublikong lugar na madalas pinupuntahan ng mga nasa edad 21 pababa.

Kaakibat nito, ang mga mahuhuling lalabag ay mabibigyan ng karampatang parusa.

Protektahan ang mga sarili at ang pamilya.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at smoke-free na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.

PAANYAYA: Kaakibat ng pagdiriwang ng World No To***co Day tuwing ika 31 ng Mayo, iniimbitahan ng Bataan Provincial Healt...
01/06/2026

PAANYAYA: Kaakibat ng pagdiriwang ng World No To***co Day tuwing ika 31 ng Mayo, iniimbitahan ng Bataan Provincial Health Office ang lahat na makibahagi sa gaganaping lecture tungkol sa paninigarilyo at paggamit ng v**e, via Zoom sa unang araw ng Hunyo, 1:00 PM.

Ito ay may temang "Unmasking the Appeal: Countering Ni****ne and To***co Addiction”.

Narito ang detalye para makalahok sa nasabing aktibidad.

Zoom Meeting ID: 8534218018
Pass Code: 945209

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at smoke-free na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.

PAANYAYA: Kaakibat ng pagdiriwang ng World No To***co Day tuwing ika 31 ng Mayo, iniimbitahan ng Bataan Provincial Health Office ang lahat na makibahagi sa gaganaping lecture tungkol sa paninigarilyo at paggamit ng v**e, via Zoom sa unang araw ng Hunyo, 1:00 PM.

Ito ay may temang "Unmasking the Appeal: Countering Ni****ne and To***co Addiction”.

Narito ang detalye para makalahok sa nasabing aktibidad.

Zoom Meeting ID: 8534218018
Pass Code: 945209

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at smoke-free na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.

TINGNAN: Para sa pagdiriwang ng Cervical Cancer Awareness Month, nagkaroon ng isang refresher workshop ang mga health wo...
01/06/2026

TINGNAN: Para sa pagdiriwang ng Cervical Cancer Awareness Month, nagkaroon ng isang refresher workshop ang mga health workers ng lalawigan para sa tamang pagsasagawa ng Cervical Cancer Screening, sa ilalim ng inisyatibo ng Bataan Provincial Health Office.

Layon nito na sanayin ng wastong pamamaraan ang mga midwives sa pagsasagawa ng cervical cancer screening upang makapagbigay ang mga ito ng serbisyong angkop sa umuusad na panahon para sa maagang pagtuklas ng cervical cancer sa mga kababaihan at para agad silang mabigyang lunas.

Sumailalim din ang mga health workers sa visual practice para sa nasabing screening sa patnubay ng mga eksperto mula sa Bataan General Hospital and Medical Center.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang lalawigang kumikilala sa importansya ng kalusugan ng mga kababaihan para sa matatag na pamilyang Bataeño.

Ang pagtakbo ay isang epektibo at natural na paraan ng pag-eehersisyo. Anumang edad ay maaari itong gawin. Ngunit mahala...
01/06/2026

Ang pagtakbo ay isang epektibo at natural na paraan ng pag-eehersisyo. Anumang edad ay maaari itong gawin. Ngunit mahalagang isaalang-alang ang ilang mga bagay bago, pagkatapos, at habang tumatakbo. Madali man itong gawin, kinakailangan pa rin ng paghahanda upang maiwasan ang injury, dehydration, o matinding pagkapagod.

Bago ang araw ng pagtakbo, siguraduhing may sapat na tulog. Ito ang maghahanda sayong puso, isip at katawan sa gagawing physical activity.

Para naman sa tamang hydration, uminom ng tatlong baso ng tubig 1 hanggang 2 oras bago tumakbo, at sundan ito ng isang baso ng tubig pagkalipas ng 30 minuto.

Kung malayo ang tatakbuhin, kumain ng pagkaing magaan at mayaman sa carbohydrates tulad ng saging, oatmeal, o isang pirasong tinapay, isa hangang dalawang oras bago tumakbo.

Maglaan naman ng 5 hanggang 10 minuto upang gawin ang dynamic stretching para sa iyong warm-up. Ito ang mga stretches na may galaw tulad ng high knees, butt kicks, lunges, at leg swings.

Habang tumatakbo, importante pa rin na pakiramdaman ang inyong sarili, huwag pipilitin ang inyong katawan kung hindi na kaya, huwag tatakbo ng tuloy-tuloy, bahagyang magpahinga habang naglalakad bago muling tumakbo.

Bukod sa warm-up, importante rin ang cool down pagkatapos tumakbo upang maiwasang mahilo o mahimatay. Huwag basta-basta uupo o hihiga. Marapat na maglakad-lakad muna 5 hanggang 10 minuto para sa unti-unting pagbaba ng tibok ng inyong puso sa normal na kondisyon.

Ito rin ang tamang oras para gawin ang static stretching o mga stretches na hindi gumagalaw, kinakailangan mo amang hawakan ito ng 15-30 seconds gaya ng hamstring stretch, calf stretch, at quad stretch.

Para naman manumbalik ang lakas at makumpuni ang mga napagod na muscles, importante ang tamang rehydration at refueling. Uminom ng tubig o sports drink at kumain ng mga pagkaing may kombinasyon ng carbohydrates at protina gaya ng itlog, saging, o protein shake.

Mahalagang isaalang-alang ang mga ito para makamit ang benepisyong dulot ng pagtakbo. Listen to your body, kung may nararamdamang kakaibang sakit sa dibdib o nahihilo, lumiban muna sa pagtakbo.

Saya, lusog, at tatag, ilan sa mga benebisyong maibibigay ng pagtakbo, kaya’t tara at sama-sama nating gawing bahagi ng ating buhay ang pagtakbo para sa masaya, malusog at matatag na pamilyang Bataeño.

Muli na naman naming nasungkit ang 1Bataan Seal of Healthy Barangay para sa buwan ng Enero at Pebrero 2026! 🏆💚Patunay it...
01/06/2026

Muli na naman naming nasungkit ang 1Bataan Seal of Healthy Barangay para sa buwan ng Enero at Pebrero 2026! 🏆💚

Patunay ito ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at kooperasyon ng aming barangay sa pagpapanatili ng kalusugan at kalinisan ng komunidad. Maraming salamat sa lahat ng mga opisyal, health workers, volunteers, at mamamayan na naging bahagi ng tagumpay na ito.

Patuloy tayong magtulungan para sa mas malusog, mas ligtas, at mas maunlad na barangay! 💪✨

Kung sinu man po ang nakakita o nakasaksi sa nagnakaw ng Solar Street Light na 1 Linggo pa  lamang naikakabit ng baranga...
26/05/2026

Kung sinu man po ang nakakita o nakasaksi sa nagnakaw ng Solar Street Light na 1 Linggo pa lamang naikakabit ng barangay sa Sitio Tindalo Lalawigan ay mangyaring ireport po sa Barangay Lalawigan.
May kaukulang pabuya po sa tao na makapagsasabi nito.
Maraming salamat po.

Nsa baba po ang picture ng Solar Street Lights na ninakaw...

Binabati po namin ngMaligayang Kaarawan ang aming masipag at maasahang  Punong Barangay Emiliano "Bogs" Zulueta  Jr.🥳🎁
14/05/2026

Binabati po namin ng
Maligayang Kaarawan ang aming masipag at maasahang
Punong Barangay
Emiliano "Bogs" Zulueta Jr.🥳🎁

ALAM NIYO BA?Ang nababalita ngayon na 'hantavirus' ay isang grupo ng mga viruses na galing sa daga at ilang mga katulad ...
12/05/2026

ALAM NIYO BA?
Ang nababalita ngayon na 'hantavirus' ay isang grupo ng mga viruses na galing sa daga at ilang mga katulad na uri nito. Maaari itong maipasa sa tao kung siya ay mae-expose sa ihi, dumi, o laway ng apektadong daga; at sa di karaniwang pagkakataon ay maaari rin itong maipasa sa pamamagitan ng exposure mula sa apektadong tao.

Pinaaalalahanan pa rin ng Bataan PHO ang lahat na maging maingat at ugaliin ang mga sumusunod upang masiguro ang kaligtasan mula sa banta ng nasabing virus:

-Gawing malinis ang mga pinalalagiang lugar lalo na ang inyong tahanan

-Takpang mabuti ang mga pagkain pati na ang lahat ng mga lagayan ng pagkain

-Saraduhan ang mga lugar na maaaring pasukan ng mga daga

-Gumamit ng proteksyon tuwing maglilinis lalo na kung mayroong mga bakas ng dumi o ihi ng daga; at

-Siguraduhin din mabasa ng kahit paunti-unti ang kontaminadong lugar o bagay bago ito tuluyang linisan upang maiwasan ang mabilisang paglanghap ng mikrobyo

Kung sakali naman na ikaw ay makararanas ng mga sumusunod na sintomas ay maiging magtungo sa pinakamalapit na health station sa inyong lugar:
1. Lagnat
2. Pananakit ng ulo
3. Pagkahilo at pagsusuka
4.Pananakit ng kalamnan

Ang agarang pagbibigay pansin sa mga sintomas ay nakatutulong upang hindi mauwi sa mas malalang problemang pangkalusugan.

Patuloy lamang na nakaalerto ang mga disease surveillance units sa ating lalawigan upang mabilis na matukoy at matugunan ang mga nakahahawang sakit at banta sa kalusugan.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at malinis na komunidad para sa matatag na pamilyang Bataeño.

TINGNAN: Muling gumulong ang Mobile Primary Care Facility (Bagong Pilipinas Coaster), kung saan ay tumungo naman ito nga...
12/05/2026

TINGNAN: Muling gumulong ang Mobile Primary Care Facility (Bagong Pilipinas Coaster), kung saan ay tumungo naman ito ngayon sa Brgy. Sibul sa bayan ng Orani.

Lulan pa rin ang libreng serbisyong pangkalusugan kasama ang mithiin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, sa pamumuno ni Gov. Joet Garcia, na gawing malusog at matatag ang pamilyang Bataeño, sa ilalim ng inisyatibo ng Bataan Provincial Health Office, sa pinangungunahan ni Dr. Rosanna M. Buccahan.

Hatid nito ang libreng laboratory tests gaya ng blood chem at urinalysis para sa mga kababayan nating nakatira sa malalayong bahagi ng lalawigan na hirap magtungo sa primary care facility, at mga kabilang sa high-risk population.

Layon nitong bigyan sila ng pagkakataong malaman ang estado ng kanilang kalusugan upang matugunan agad ang kinakailangan ng kanilang mga katawan para maiwasan ang malaking problemang pangkalusugan gaya na lamang ng paglala ng sakit, komplikasyon, at pagkaospital.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang komunidad na hangad ang kapakanan ng bawat isa para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.

TINGNAN: Upang masiguro na nakasasabay sa agos ng panahon ang plano sa programang pangkalusugan dito sa Bataan, nagsagaw...
12/05/2026

TINGNAN: Upang masiguro na nakasasabay sa agos ng panahon ang plano sa programang pangkalusugan dito sa Bataan, nagsagawa ng Annual Operational Plan (AOP) 2027 Review and Updating session ang Bataan Provincial Health Office para sa 12 LGUs ng lalawigan.

Ito ay upang masigurong walang mapagiiwanan sa 12 LGUs ng Bataan pagdating sa sektor ng kalusugan. Dito rin ay masusing inaral ang bawat dokumento ng 11 munisipalidad at ng Lungsod ng Balanga para sa patuloy na pagpapatupad ng 2026-2028 Local Investment Plan for Health at masiguro ang iisang mithiin na tugma sa Universal Health Care (UHC) Act.

Ang aktibidad na ito ay apat (4) na araw na mabusising isinagawa ng Bataan PHO katuwang ang Provincial Department of Health Office (PDOHO).

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang nangungunang lalawigan pagdating sa programang pangkalusugan.

Address

Lalawigan
Samal
2113

Telephone

+19302508693

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Lalawigan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Lalawigan:

Share