SAMAL Public Information Office - PIO

Directions Contact the organization

SAMAL Public Information Office - PIO OFFICIAL FACEBOOK PAGE OF SAMAL, BATAAN LGU
(3)

22/10/2026
LOST AND FOUND:Kung sino man po ang nakakita ng wallet na katulad ng nasa larawan sa ibaba, mangyaring makipag ugnayan p...
21/10/2026

LOST AND FOUND:

Kung sino man po ang nakakita ng wallet na katulad ng nasa larawan sa ibaba, mangyaring makipag ugnayan po sa numerong ito: 09511648431

Ayon sa may-ari, may laman po itong Cash, Gold Necklace, ID, at Credit Card.

Magbibigay po ng reward ang may-ari sa makakakita ng kanyang wallet.

💍 KASALANG BAYAN 2026 | PAG-IBIG NA PINAG-IISA, PAMILYANG PINATATAG ❤️ - OKTUBRE 20, 2026Matagumpay na isinagawa ngayong...
20/10/2026

💍 KASALANG BAYAN 2026 | PAG-IBIG NA PINAG-IISA, PAMILYANG PINATATAG ❤️ - OKTUBRE 20, 2026

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Kasalang Bayan 2026 sa Samal Gymnasium, kung saan pormal na pinagtibay ng mga mag-asawa ang kanilang pagmamahalan at pangakong magsasama sa buhay.

Sa pangunguna ni Punong Bayan Alexander C. Acuzar, katuwang ang 12th Sangguniang Bayan, Pusong Pinoy Party-list Representative Jett Nisay, at 1st District Representative Atty. Tony Roman III, na kinatawan ni G. Migs Simsuangco, patuloy na isinusulong ang mga programang nagbibigay-halaga sa pamilya bilang pundasyon ng isang matatag na pamayanan.

Mabuhay ang mga bagong kasal! Nawa'y maging matatag at puno ng pagmamahalan, pag-unawa, at pananampalataya ang inyong pagsasama.




📣 PAGBABAGO NG PETSA!Ang LGU Samal Trick or Treat Celebration na may temang “Mythical Creatures & Pinoy Superheroes!” ay...
20/10/2026

📣 PAGBABAGO NG PETSA!

Ang LGU Samal Trick or Treat Celebration na may temang “Mythical Creatures & Pinoy Superheroes!” ay inilipat sa Oktubre 29, 2026.

Inaanyayahan ang lahat ng Daycare Students sa Bayan ng Samal, sa pangunguna ni Punong Bayan Alexander C. Acuzar, na makiisa sa masayang pagdiriwang na ito!

Kaya ihanda na ang inyong mga makukulay at astig na kasuotang Pinoy superhero! 💥🎃



Maligayang Kaarawan, Konsehal Erval FLores! Isang taos-pusong pagbati sa ating masipag at tapat na Konsehal ng ating Bay...
20/10/2026

Maligayang Kaarawan, Konsehal Erval FLores! Isang taos-pusong pagbati sa ating masipag at tapat na Konsehal ng ating Bayan.

Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng Samal, sa pangunguna ni
Punong Bayan Alexander C. Acuzar.

Mabuhay po kayo!
Konsehal Erval Flores!



20/10/2026

🐢CALLING ALL ASPIRING DANCERS OF SAMAL!

Are you ready to showcase your talent, passion, and energy? Join us as we search for the official 2026 Pawikan Festival Dancers – Municipality of Samal Contingent!

We are inviting all talented and passionate individuals to join our AUDITION SCREENING and be part of this exciting opportunity to represent our beloved Municipality of Samal!

📅 Date: October 21, 2026 (Wednesday)
📍 Venue: 3rd Floor Conference Hall, Samal Municipal Hall
⏰ Time: 6:00 PM onwards

QUALIFICATIONS:
✅ 14–40 years old
✅ Bonafide resident of the Municipality of Samal, Bataan
✅ Passionate about dancing and willing to undergo rehearsals and training

Bring your talent, confidence, and dedication! Let us showcase the vibrant culture, unity, and exceptional spirit of Samal on the grand stage of the Pawikan Festival! 🐢🔥

BE PART OF THE TEAM. DANCE WITH PRIDE. REPRESENT SAMAL!

LOCAL GOVERNMENT SUPPORT FUND-FINANCIAL ASSISTANCE TO LOCAL GOVERNMENT UNITS.Report of Fund Utilization and Status of Pr...
19/10/2026

LOCAL GOVERNMENT SUPPORT FUND-FINANCIAL ASSISTANCE TO LOCAL GOVERNMENT UNITS.

Report of Fund Utilization and Status of Program/Project/Activity Implementation For the Quarter Ended September 30, 2026.



Ngayong araw ay isinagawa ang pagpirma ng "Memorandum of Understanding" (MOU) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Samal, ...
14/10/2026

Ngayong araw ay isinagawa ang pagpirma ng "Memorandum of Understanding" (MOU) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Samal, sa pangunguna ni Punong Bayan Alexander C. Acuzar, SR CO., LTD., sa pamumuno ni Chief Executive Officer Kwon Soon-ILL, at PHILBAKO Solutions Inc. kaugnay ng Preliminary Feasibility Study para sa mga planong Solar Power Projects sa mga pampublikong gusali ng ating bayan.

Layunin ng pag-aaral na matukoy ang posibilidad ng paggamit ng solar energy upang makatulong sa pagtitipid sa gastusin sa kuryente at maisulong ang paggamit ng malinis at renewable na enerhiya sa mga pasilidad ng pamahalaan.



13/10/2026

Address

Samal New Municipal Hall, Poblacion
Samal
2113

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAMAL Public Information Office - PIO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SAMAL Public Information Office - PIO:

Shortcuts

Share