03/09/2026
Southern Leyte: Moderate to Heavy Haze
HAZE ALERT: NAKAKAAPEKTO ANG HAZE SA MARAMING BAHAGI NG BANSA, KABILANG ANG SILANGANG VISAYAS
Patuloy na nakaaapekto sa maraming bahagi ng bansa, kabilang ang Eastern Visayas ang haze o manipis na usok na dulot ng transboundary smoke mula sa malawakang forest fires sa Kalimantan, Indonesia. Dahil sa umiiral na Southwest Monsoon (Habagat), umaabot ang usok hanggang sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sa pinakahuling pagtataya, Moderate to Heavy Haze ang nararanasan sa:
•Southern Leyte
Samantala, Light to Moderate Haze naman ang nararanasan sa:
• Northern Samar
• Samar
• Eastern Samar
• Leyte
• Biliran
Ang haze ay manipis na usok o maliliit na particle sa hangin na nagpapalabo sa tanawin. Maaari itong magdulot ng ubo, iritasyon sa mata, ilong at lalamunan, hirap sa paghinga, at paglala ng hika o iba pang sakit sa baga, lalo na sa mga bata, matatanda, buntis, at mga may sakit sa puso o baga.
Paalala sa publiko:
• Limitahan ang pananatili sa labas kung hindi kinakailangan.
• Magsuot ng face mask kung lalabas ng bahay.
• Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.
Patuloy na subaybayan ang mga susunod na ulat at mag-ingat ang lahat.
Source: Philippine Emergency Alerts Monitoring Center