Office of the Municipal Health Officer Sablayan

Office of the Municipal Health Officer Sablayan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Office of the Municipal Health Officer Sablayan, Public Service, Buenavista, Occidental Mindoro, Sablayan.

"Usapang Pwede Pa" at Kaalamang Pangkalusugan Hinggil sa Lumalaganap na Sexually Transmitted Infections (STI/HIV, AIDS)A...
17/10/2025

"Usapang Pwede Pa" at Kaalamang Pangkalusugan Hinggil sa Lumalaganap na Sexually Transmitted Infections (STI/HIV, AIDS)

Ang Usapan Serye ay isang estratehiyang pang-Family Planning na binuo para sa mga mag-asawang nagnanais mag-agwat o maglimita, para sa mga kalalakihang maginoo, at sa mga BIBA (Batang Ina, Batang Ama). Nakatuon ito sa konsepto ng Responsableng Pagmamagulang, kung saan ang pagpaplano ay dapat ginagawa ng mag-asawa o magkapartner.

Sa "Usapang Pwede Pa," tinalakay ang mga pangkalusugan at pang-ekonomiyang benepisyo ng pagpaplano ng pamilya, iba't ibang maaasahan, mabisa, at ligtas na mga paraan ng Family Planning. Binigyang-diin ang talakayan sa Sexually Transmitted Infection, partikular ang mga paraan ng pagkahawa at pag-iwas, pati na rin ang iba't ibang uri nito.

Layunin ng programa na mapataas ang antas ng kaalaman ng mga kabataan upang maging matalino at responsable sa sarili, magkaroon ng proteksyon, at maging ligtas sa pagtanda. Katuwang ang Barangay Local Government Unit ng Gen. Emilio Aguinaldo, Department of Education, at Sangguniang Kabataan sa matagumpay na gawaing ito.




/HIV/AIDSAwareness

25/09/2025

โฐ ๐ƒ๐„๐๐†๐”๐„ ๐€๐‹๐„๐‘๐“ โฐ

Kung walang pinamamahayan ang lamok, wala silang kakayahang magparami!
Tandaan, no ๐€๐ž๐๐ž๐ฌ ๐š๐ž๐ ๐ฒ๐ฉ๐ญ๐ข = ๐๐Ž ๐ƒ๐„๐๐†๐”๐„!
Kaya sabay-sabay tayo mag ๐“๐š๐จ๐›, ๐“๐š๐ค๐ญ๐š๐ค, ๐“๐ฎ๐ฒ๐จ, ๐“๐š๐ค๐ข๐ฉ!

๐Š๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐Ž๐ค๐ฌ๐ข๐Œ๐ข๐ง, ๐๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐‹๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ๐ข๐ง!





25/09/2025
Nagsagawa ng "Participatory Cooking Demo" ang Office of the Municipal Health Officer sa pamumuno ni Dr. Meldie Soriano, ...
22/09/2025

Nagsagawa ng "Participatory Cooking Demo" ang Office of the Municipal Health Officer sa pamumuno ni Dr. Meldie Soriano, MHA kasama ang Nutrition Officer II- Ms. Pinky Jaravata, RND, katuwang ang BNS- Felicita Rabang sa Barangay San Vicente noong Setyembre 17, 2025. Layunin ng aktibidad na ito na turuan ang mga nanay sa wastong nutrisyon at pagluluto ng masustansyang pagkain para sa kanilang mga anak, lalo na sa unang 1,000 araw ng buhay. Nakilahok ang mga nanay sa pagluluto ng masustansyang pagkain na abot-kaya at madaling makuha, tulad ng tamang lugaw na may mataas na kalorya at 1-week cycle menu na may 7 grupo ng pagkain para sa minimum dietary diversity.




"Edukasyong Pangkalusugan, Hatid sa Kabataan!"Isang matagumpay na Information Education Campaign ang isinagawa noong Set...
21/09/2025

"Edukasyong Pangkalusugan, Hatid sa Kabataan!"

Isang matagumpay na Information Education Campaign ang isinagawa noong Setyembre 17, 2025 sa San Vicente National High School, sa pangunguna ng ating Municipal Health Officer, Dra. Meldie D. Soriano, MHA kasama ang mga tagapagpatupad ng programang pangkalusugan na sina Mary Jinky E. Ani-MNAO, Ma.Ruth Gan, RN- PWUDS Program Coordinator, at Mary Joy Basila,RN- To***co Control Program Coordinator.

Tampok sa programa ang mga mahahalagang paksa ukol sa kahalagahan ng Wastong Nutrisyon para sa Kabataan bilang pundasyon ng isang malusog na bubay at ang pagtutol sa paggamit ng Ilegal na Droga at Paninigarilyo na maaring magdulot ng masamang epekto sa mga kabataan.

Layunin din nito na mahubog ang disiplina at responsibilidad ng mga kabataan sa pagpili ng mga tamang gawain na makakatulong sa kanilang pag unlad bilang mabuting mamamayan.

"Ang kalusugan ay kayamanang dapat pag-ingatan. Magsimula tayo sa tamang kaalaman!"


SapatParaSaLahat




15/09/2025

Magandang Hapon Sablayeรฑos!

PABATID:

What: HPV Vaccination 2nd Dose Schedule for Female 9 - 14 & 15 - 45 years old

Target: Mga nabakunahan ng 1st Dose noong February 14 , 21 and March 7, 2025
(9 - 14 y/o)

at lahat ng mga HINDI pa naka- 2nd dose (15 - 45 y/o)

(Pagbabakuna ng Human Papilloma Virus Vaccine sa mga Kababaihan Kontra Cervical Cancer o Kuwelyo ng Matris)

When: September 19, 2025 (Friday) at 9 am - 3pm

Where: Municipal Health Office Building

*Magdala ng 1 valid ID, bottled water at kumain sa araw ng schedule ng bakuna.

Mga Contraindications:

*Nagkaroon ng allergy sa 1st dose

*Buntis

*Nakatanggap ng kahit anong bakuna ng less than 14 days

*May kahit anong sintomas ng trangkaso

Maraming Salamat po!

!
,Cervical
CancerFreeAngFutureNatin

Grateful to connect with our dedicated educators and explore meaningful ways to empower adolescents through education!On...
14/09/2025

Grateful to connect with our dedicated educators and explore meaningful ways to empower adolescents through education!

On September 8 and 9, 2025, we gathered 36 junior and senior high school teachers (AP, Science, and MAPEH) from 18 hign schools across Sablayan to become partners in delivering Reproductive Health Education in schools.

This initiative is designed to strengthen the implementation of social behavior and communication change strategiesโ€”ensuring that every adolescent is reached, well-informed, guided, healthy and empowered as we work together toward achieving the Demographic Dividend for our municipality.

This meaningful activity was conducted under the supervision of Municipal Health Officer Meldie Soriano, through the Local Population and Development Section, led by PPO II Janette Calabio Silva, PPO I Norie Gallinera, PPW II Reagan Atienza, and Cyrine Joy Villas, with the support of our municipal leader, Hon. Walter โ€œBongโ€ Marquez.

We were also honored to have facilitators from the Commission on Population and Development, led by Regional Director Reynaldo O. Wong, with PEO I Alvin Asunio and PPO I Kristianne Marie Albor; from the Provincial Health Office, HEPO III Jayson T. Lopez and Midwife II Ivy Mercelle Amarate; and from the Department of Education โ€“ MIMAROPA, Program Supervisor Jeffrey Anthony Reyes.

DepEd Supervisor Reyes recognized this proactive effort by the Municipal Government of Sablayan in building the capacity of local educators ahead of the implementation of DepEd Order No. 025, s.2025, ensuring that adolescents across the municipality benefit from comprehensive reproductive health education.



Ang Office of the Municipal Health Officer sa pamumuno ni Dr. Meldie D. Soriano, MHA, sa ilalim ng Oral Health Division ...
14/09/2025

Ang Office of the Municipal Health Officer sa pamumuno ni Dr. Meldie D. Soriano, MHA, sa ilalim ng Oral Health Division na pinangungunahan ni Dr. Babyln Legaspi, katuwang sina Dr. Socrates Bansag, Gemma Catalino, Leah Daprosa, Helen Cutura, mga Rural Health Midwives, Barangay Health Workers (BHWs) at Day Care Worker ay matagumpay na nakapagsagawa ng ibaโ€™t ibang aktibidad para sa pangangalaga ng ngipin at bibig.

๐Ÿ“Œ Agosto 19, 2025 โ€“ Idinaos ang pamamahagi ng 46 dental kits (toothbrush at polypaste) at ang pagbibigay ng preventive oral health treatment sa pamamagitan ng topical fluoride application at supervised toothbrushing drill para sa 31 Day Care pupils ng Buenavista Annex Day Care Center.

๐Ÿ“Œ Agosto 29, 2025 โ€“ Naisagawa rin ang isang Dental Mission sa Barangay San Vicente kung saan nakapagsagawa ng dental extraction sa 95 na residente, katuwang ang Barangay Council sa pamumuno ni Hon. Leslie Insigne at sa inisyatiba nila SK President - Reymon Alcantara at kagawad Richard Daupan.

Ang mga gawaing ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng Health Department upang maisulong ang kalusugan ng ngipin at bibig lalo na sa mga bata at komunidad.


๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐๐ฎ๐ซ๐จ๐Š๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐‹๐š๐ฎ๐ง๐œ๐ก๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ฌ ๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐’๐š๐›๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐Ž๐œ๐œ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | Sa pangunguna n...
12/09/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐๐ฎ๐ซ๐จ๐Š๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐‹๐š๐ฎ๐ง๐œ๐ก๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ฌ ๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐’๐š๐›๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐Ž๐œ๐œ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ

๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | Sa pangunguna ng Office of the Municipal Health Officer Sablayan at ng Lokal na Pamahalaan ng Sablayan, katuwang ang Provincial DOH Office, matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang PuroKalusugan Launching at Buntis Congress Celebration na inilunsad sa Barangay Burgos, bayan ng Sablayan.

Layunin ng programang ito na higit pang palakasin ang serbisyong pangkalusugan sa antas ng komunidad sa pamamagitan ng mas pinatibay na koordinasyon at pagtutulungan ng ibaโ€™t ibang sektor. Bagama't nagsimula na ang mga gawain ng PuroKalusugan mula pa noong Hulyo ng kasalukuyang taon, sa ilalim ng opisyal na PuroKalusugan Launching sa naturang barangay ay isinusulong ang mas malapit at mas madaling akses ng bawat pamilyang Sablayeรฑo sa pangunahing serbisyong medikal at pangkalusugan, gayundin ang mas malawak na kamalayan sa wastong kalusugan at kalinisan.

Nagsagawa at nailapit sa mga buntis at mamamayan ng Barangay Burgos at Ligaya ang mga sumusunod na serbisyo:

โœ…Medical Consultation
โœ…Botika Ng Bayan Services
โœ…Dental Services
โœ…Laboratory Services
โœ…Nutrition Services
โœ…Random Blood Sugar Monitoring
โœ…YAKAP Services (Philhealth)
โœ…Routine Immunization
โœ…Distribution of Buntis Kits

Ang mga aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap at pakikipag- ugnayan ng Kagawaran ng Kalusugan at ng Lokal na pamahalaan ng Sablayan sa pangunguna ni Municipal Mayor- Walter B. Marquez sa ilalim ng Office of the Municipal Health Officer sa pamumuno ni Dr. Meldie Driza-Soriano, MHA katuwang ang program coordinator- Mrs. Ana Marie Sheryll R. Kenept RN, MAN, mga MHO/HRH-Sablayan staff , ang Provincial DOH Office sa pamumuno nina Dr. Arlene S. Sy (Head, Provincial DOH) at Mr. Allen Jay Gonda (Development Management Officer IV) at Barangay LGU ng Burgos sa pamumuno ni Hon. Seliny Epetito - Barangay Captain at Hon. Antonio R. Magnaye - Barangay Captain ng Ligaya, assigned Rural Health Midwives, BHW's at BNS upang gawing mas madali, abot-kamay, ligtas, dekalidad, at mapagkalingang mga serbisyong medikal para sa bawat Sablayeรฑo.

"๐’๐š ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ, ๐๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š. ๐’๐š ๐๐ฎ๐ซ๐จ๐Š๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง, ๐๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐๐ฎ๐ซ๐จ๐ค ๐“๐š๐ฒ๐จ'๐ฒ ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฆ๐š"


MalusogatMatibaynaSablayan






Address

Buenavista, Occidental Mindoro
Sablayan
5104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Municipal Health Officer Sablayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category