MSWDO - Sablayan Official

MSWDO - Sablayan Official Development of people's potential is the key to improvement of public interest and welfare.

Isang Maligayang Pagbati sa Kaarawan ng ating  Pangalawang Ama ng Bayan EDWIN N. MINTU na laging nakaalalay sa lahat ng ...
29/06/2023

Isang Maligayang Pagbati sa Kaarawan ng ating Pangalawang Ama ng Bayan EDWIN N. MINTU na laging nakaalalay sa lahat ng Proyekto at Programa ng Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad ( MSWD)

Ang pagkakaroon ng Pangalawang Ama ng Bayan ng Sablayan sa inyong katauhan na may tunay na pagmamahal at pagmamalasakit sa ating mga kababayan ay regalo mula sa ating Maykapal kaya ang aming dalangin sa inyong Kaarawan, Sana'y pagkalooban pa kayo ng isang Masagana , Masaya at Payapang buhay para kayo ay patuloy pang magsilbing daluyan ng mga tulong at biyaya mula sa Dakilang Lumikha patungo sa ating mga kababayan nangangailangan.

Muli, Mula sa Tanggapan ng MSWD. Happy..Happy... Birthday Vice -Mayor Edwin N. Mintu 🎂🍾🥂

"SOLO PARENT LIVELIHOOD SKILLS TRAINING" masaya at matagumpay na isinagawa sa Balud Hall - Convention Center noong nakar...
16/06/2023

"SOLO PARENT LIVELIHOOD SKILLS TRAINING" masaya at matagumpay na isinagawa sa Balud Hall - Convention Center noong nakaraang June 13-14 2023.

Sa tulong ng Office of the Municipal Agriculturist sa pakikipagugnayan ng MSWD Sablayan sa ating nakatalagang OIC- MAO Rodrigo J. Castillo, DVM Veterinarian |||Pinagkalooban ng dalawang araw na pagsasanay ang ating mga Solo Parents tungkol sa makabagong kaalaman at pamamaraan tungkol sa pagaalaga ng mga hayop at pagtatanim ng gulay sa mga bakuran o kabukiran. Itinuro din sa nasabing pagsasanay sa pamamagitan ni Ms Elonah Jane O. Alegre Senior Manpower Development Officer ng PESO Sablayan ang patungkol sa tamang paghawak at pagpapalago ng maliit na negosyo at pagiingat ng mga proyekto.

Layunin ng MSWD Solo Parent Program sa pangunguna ng ating Focal Person Joy S. Aquino at ng buong technical Staff Ms. Mary Grace G. Garcia, LPT / SP Coordinator, Mary Rose C. Quiño SP Staff, Bryan M. Tiongson SP Staff, Geneva S. Yasay SWA , Darlyn O. Maitem SP Staff at Ms Karen A. Cayactac ,LPT ECCD Staff sa patnubay ng OIC - MSWDO Elaine Faith F. Gonzales, RSW SWO ||| na makasunod sa pagpapatupad sa bumabang Implementing Rules and Regulations ( IRR) ng Republic Act 11861 o mas kilala sa tinatawag na Expanded Solo Parents Welfare Act , at sa atas din ng Mahal na Mayor Walter 'B**g' Marquez na palakasin, tulungan at ipadama na mayroong gobyerno na handang umalalay sa mga Solo Parent na magisang kumakalinga at bumabalikat ng responsibilidad sa kanilang mga anak.

Bahagi rin ng pagsasanay ang pagbibigay ng Welcome Remarks ni Gng. Clarinda L. Lorenzo SB Committee on Social Services, Nagpakita rin ng suporta sa nasabing programa ang ating butihing Hon. Vice-Mayor Edwin N. Mintu na nagiwan ng mahalagang mensahe at munting regalo para sa ating mga participants na dumalo.

Dahil na rin sa magandang ugnayan ng ating tanggapan sa PGOM ay dumalo rin sa nasabing pagsasanay ang kasalukuyang OIC -Administrator ng PGOM-Sablayan na si Ma'am Gracia Zamonte Fille na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa programang pang Edukasyon, Kalusugan , Kabuhayan at mga benipisyong maaring matanggap ng isang rehistradong individual na Solo Parent o grupo ng Solo Parent na inihanda ng Lokal na Pamahalaan at Provincial Government.

Sa kabuuan ay labis ang kasiyahan ng mga Solo Parent na dumalo dahil sa kanilang natutunan, mensaheng na natanggap at mga iniuwing mga souvenir at starter kit.

Tunay nga na masasabi nilang ,Kaya ko!!






Maraming maraming salamat po sa lahat ng tumulong upang maging successful ang gawaing ito .

Magandang gabi po sa ating lahat!Malugod po naming ipinababatid na bumaba na po ang Implementing Rules and Regulations (...
20/05/2023

Magandang gabi po sa ating lahat!

Malugod po naming ipinababatid na bumaba na po ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act. Dahil po dito, ay tinatawagan natin pansin ang ating mga Solo Parent sa ating bayan na mayroong anak na 22 yrs old pababa na magparehistro sa ating Tanggapan , MSWD Office LGU Compound Sablayan. Asahan po natin ang ilang mga pagbabago sa mga requirements na kinakailangan isumite na nakabatay sa mga ibinabang guidelines at mas kapaki-pakinabang na mga benepisyo sa mga Solo Parent na kwalipikado.

Kami po ay magsasagawa ng mga oryentasyon upang higit pa nating mapalawig ang ating mga kaalaman tungkol sa Batas ng Solo Parent.

Narito po ang brochure o polyeto na naglalaman ng mahahalagang impormasyon, kwalipikasyon at mga dokumentong kinakailangan upang kayo ay mapabilang bilang isang Rehistradong Solo Parent sa aming tanggapan.

Para sa ibang katanungan at pagkuha ng form na sasagutan, magsadya sa LGU Compound MSWD Office, Buenavista Sablayan Occidental Mindoro at hanapin po ang ating nakatalagang Solo Parent Focal Person JOY S. AQUINO.




Narito Po Ang mga kinakailangan na mga requirements para sa pagtanggap.
03/05/2023

Narito Po Ang mga kinakailangan na mga requirements para sa pagtanggap.

Ang tanggapan Ng MSWD ay malugod na nagpapaabot sa lahat Ng senior Citizen na kami ay magkakaroon Ng Pay-out para sa mga...
03/05/2023

Ang tanggapan Ng MSWD ay malugod na nagpapaabot sa lahat Ng senior Citizen na kami ay magkakaroon Ng Pay-out para sa mga Localized and National Social Pensioner. Tingnan sa larawan Ang mga petsa Ng aming pagtungo sa inyong Barangays.
Matatanggap:
Localized Social Pension ay tatanggap Ng Ps. 1, 500 pesos para sa unang quarter ibig sabihin Mula Enero hanggang Marso.
Samantala, Ang National Social Pension ay Tatanggap Ng halagang Ps. 3,000 pesos para sa isang semester na ibig sabihin tatanggapin nila Ang Mula Enero Hanggang Hunyo na Pension sa taong 2023.
Para sa listahan, makipag ugnayan sa inyong mga Barangays.




Tuwing Marso ipinagdiriwang ang Women's Month.Pinarangalan at kinilala ang kontribusyon ng mga kababaihan sa ating lipun...
13/04/2023

Tuwing Marso ipinagdiriwang ang Women's Month.
Pinarangalan at kinilala ang kontribusyon ng mga kababaihan sa ating lipunan. Maraming aktibidad ang inilunsad sa buwang ito upang mabigyang-pansin ang mga isyung ipinaglalaban ng mga babae.

Ang mga pagdiriwang at aktibidad na naganap sa buong buwan ng Marso ay malaking kontribusyon upang lumikha ng lipunang may pantay na pagtingin sa lahat mapa-indibidwal o grupo man.

Ang Municipal Social Welfare and Development Office ( MSWDO) ay matagumpay na isinagawa ang "Culmination Day" , Ang masayang aktibidad na ito ay naganap noong Marso 29, 2023 sa Sablayan Astrodome.

Layunin ng "culmination" na ito na iparamdam ang kahalagahan ng bawat kababaihan na malaki laki rin ang naiambag sa ating pamayanan.





Bilang pakikiisa sa " 2023 National Women's Month"  Ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ay nagka...
11/04/2023

Bilang pakikiisa sa " 2023 National Women's Month" Ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ay nagkaroon ng Oryentasyon patungkol sa Karapatan ng Kababaihan, katuwang ang Municipal Health Office (MHO) at Plan International na nagsagawa ng serbisyong pangkalusugan.
Ito ay naganap naman noong Marso 30, 2023 sa LGU South Extension.





Bilang pakikiisa sa " 2023 National Women's Month". Ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ay nagka...
11/04/2023

Bilang pakikiisa sa " 2023 National Women's Month". Ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ay nagkaroon ng Oryentasyon patungkol sa Karapatan ng Kababaihan, katuwang ang Municipal Health Office (MHO) at Plan International na nagsagawa ng serbisyong pangkalusugan.
Ito ay naganap noong Marso 28, 2023 sa LGU North Extension.





Bilang pakikiisa sa Women's Month Celebration. Ang Municipal Social Welfare Development Office(MSWDO) ay nakiisa sa pagp...
22/03/2023

Bilang pakikiisa sa Women's Month Celebration. Ang Municipal Social Welfare Development Office(MSWDO) ay nakiisa sa pagpapadaloy ng programa na isinagawa ng Muncipal Health Office (MHO) patungkol sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik katulad ng STI/HIV na naganap noong March 15, 2023.


Ang MSWDO sa pakikipagtulungan ng Pangasiwaan sa Parol at Probasyon sa ilalim ng  Kagawaran ng Katarungan (DOJ) MIMAROPA...
16/03/2023

Ang MSWDO sa pakikipagtulungan ng Pangasiwaan sa Parol at Probasyon sa ilalim ng Kagawaran ng Katarungan (DOJ) MIMAROPA region ay nagsagawa ng oryentasyon patungkol sa Gender at Magna Carta on Women ( R.A 9710) para sa mga "probationers and parolees" ng Sablayan na ginanap noong Marso 15, 2023 sa ABC Hall, Municipal Compound, Sablayan Occidental Mindoro.


Address

Sablayan, Occidental Mindoro
Sablayan
5104

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639350064826

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSWDO - Sablayan Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MSWDO - Sablayan Official:

Share