01/06/2026
๐๐ช๐น๐น๐ ๐๐ป๐ฒ๐ญ๐ฎ ๐๐ธ๐ท๐ฝ๐ฑ! ๐ณ๏ธโ๐
sa aking mga Kapatid, Kaibigan, at Kababayang kabilang sa LGBTQIA+ Community!
Bilang pakikiisa sa patuloy na pagsusulong ng pagkakapantay-pantay at pagkilala sa karapatan ng bawat isa, inihahain natin ang isang panukalang ordinansa para sa pagpapatupad ng ๐ฅ๐ถ๐ด๐ต๐ ๐๐ผ ๐ฐ๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ, na naglalayong:
โ
Kilalanin ang karapatan ng bawat pasyente na magkaroon ng taong pinagkakatiwalaan na maaaring umalalay, dumalaw, at kumatawan sa kanila sa oras ng karamdaman o emergency.
โ
Bigyan ng kaukulang pagkilala ang mga partner, live-in companion, at iba pang itinalagang tagapag-alaga na may mahalagang papel sa pangangalaga at kapakanan ng pasyente.
โ
Palawakin ang proteksiyon at pagkilala sa ibaโt ibang anyo ng pamilya at relasyon sa ating komunidad.
โ
Pangalagaan ang dignidad, kapakanan, at karapatan ng bawat mamamayan, anuman ang kanilang kasarian, pagkakakilanlan, o katayuan sa buhay.
โ
Isulong ang diwa ng pagkakapantay-pantay at Equal Protection Clause na nakasaad sa ating Saligang Batas.
Ang panukalang ito ay hindi lamang para sa LGBTQIA+ Community, kundi para sa lahat ng pamilyang may taong nais makasama at maalalayan sila sa panahon ng kanilang pinakamalaking pangangailangan.
Sama-sama nating itaguyod ang isang lipunang may pagkilala, pagkakapantay-pantay, at malasakit para sa lahat. ๐
โ
Karapatan sa Kalinga.
โ
Karapatan sa Pagkilala.
โ
Karapatan sa Pag-aalaga.