23/03/2026
πππ©π©π² ππ¨π¦ππ§βπ¬ ππ¨π§ππ‘ π©π¨! π
Ngayong Womenβs Month, ipinagdiriwang natin ang lakas, husay, at ambag ng bawat isang kababaihan sa ating lipunan. Tayo ay may mahalagang papel sa paghubog ng mas malakas, mas maunlad, at mas mabuting kinabukasan.
Dahil hindi tayo babae lang.
Babae tayo na may angking galing at talino, may tapang na maglingkod, at may pusong handang magsilbing inspirasyon sa iba.
Ang SK Roxas ay naniniwala na ang bawat kababaihan ay may tinig na dapat pakinggan, kakayahang dapat kilalanin, at pangarap na dapat suportahan. Patuloy nating itaguyod ang pagkakapantay-pantay, paggalang, at pagbibigay-lakas sa bawat babae, lalo na sa kabataang kababaihan na siyang pag-asa at lakas ng susunod na henerasyon.
Mabuhay ang bawat babae. Mabuhay ang kabataang kababaihan. π
Pagbati po mula sa mga Babaeng Lingkod-Kabataan ng Bayan ng Roxas