20/08/2026
๐๐ก๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐๐๐ฉ๐๐๐ข๐ฃ๐ ๐๐ก๐ง ๐ฃ๐๐๐ก (๐ฒ๐๐๐ฃ) ๐ช๐ฅ๐๐ง๐๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ฉ๐๐๐ข๐ฃ๐ ๐๐ก๐ง ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ช๐ข๐ฅ๐๐ฆ๐๐ข๐ฃ
Isinagawa ngayong ika-20 ng Agosto 2026 ang Enhance Barangay Development Plan (eBDP) Writing and Development Packaging Workshop, isang mahalagang gawain na naglalayong mapalakas ang kakayahan ng mga kinauukulan sa bawat barangay sa pagbuo, at maayos na pag papaunlad ng kanilang Barangay Development Plan.
Sa pangunguna ng Punong Bayan, Kgg. Pedy Bautista Sabando, patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ang mga programa at aktibidad na naglalayong palakasin ang kapasidad ng mga barangay at suportahan ang kanilang mga hakbang tungo sa isang mas maunlad at mas organisadong komunidad.
Layunin ng aktibidad na magkaroon ng mas malinaw at organisadong plano ang bawat barangay na magsisilbing gabay sa pagtukoy ng mga pangangailangan, prayoridad, programa, proyekto, at mga aktibidad na makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng komunidad.
Sa pamamagitan ng workshop na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga dumalo na matuto, magbahagi ng mga ideya at pananaw, at higit pang mapahusay ang kanilang mga development plan upang maging mas angkop sa tunay na kalagayan at pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
Ang pagkakaroon ng maayos na Barangay Development Plan ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas mahusay na pagpaplano, wastong paggamit ng mga resources, at mas epektibong paghahatid ng serbisyo para sa mamamayan.