31/01/2026
Magpalista na!!!!
📣ANNOUNCEMENT📣
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng SY 2026-2027, ang Green Island Elementary School ay magsasagawa ng "Early Registration for S.Y. 2026-2027."
Magsisimula po ito sa ika-31 ng Enero, 2026 hanggang ika-27 ng Pebrero 2026.
Inaanyayahan ang mga magulang o guardian ng mga sumusunod na magpalista:
📌Kindergarten - mga batang limang (5) taong gulang na ngayon o maglilimang taong gulang na hanggang Oktubre 31, 2026.
📌Grade 1 - mga Kindergarden Completer sa taong panuruang 2025-2026.
📌Transferees - mga batang mula Grade 2 hanggang Grade 6 na nagnanais lumipat.
📌Balik-aral - mga batang nagnanais bumalik sa pag-aaral.
Mga kailangang dokumento:
📌Kinder
- photocopy/original of PSA/NSO Birth Certificate
📌Grade 1
- Kindergarten Report Card/ECCD Checklist
- photocopy of PSA/NSO Birth Certificate
📌Transferees/Balik-Aral
- photocopy of PSA/NSO Birth Certificate
- Report Card na may pirma ng Adviser at Principal
Paalala!
- Magdala ng sariling ballpen at requirements.
Maraming Salamat po!
For more inquiries please contact:
Kindergarten Teacher
Mam Realyn May T. Cardejon
Mike Cayao
Administrative Officer II
Ramon Omapas Gabo
School Head
Tara na! Magparehistro na!