17/06/2026
๐จโผ๏ธ๐ข ๐ฝ๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ผ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐ผ๐ ๐๐ ๐๐ผ๐๐ ๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ ๐๐ผ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ผ๐, ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐ ๐ข
๐จ๐จ๐จ๐จ๐จ๐จ๐จ๐จ๐จ๐จ
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng malaria sa ilang lugar sa Bayan ng Roxas. Ang malaria ay isang sakit na dulot ng parasite na naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng infected na babaeng Anopheles mosquito. Maaari itong magdulot ng mataas na lagnat, panginginig, pananakit ng ulo, panghihina, pagpapawis, at iba pang seryosong komplikasyon kung hindi agad magagamot.
Sa kabila nito, walang tigil ang pagsisikap ng ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐๐ ๐ถ๐๐๐๐๐ sa ilalim ng pamumuno ni Kagalang-galang ๐๐๐ฎ๐ค๐ง ๐๐๐๐ฎ ๐ฝ. ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ค upang mapaigting ang kampanya laban sa malaria sa pamamagitan ng aktibong pagsuyod sa mga komunidad, pagsasagawa ng pagsusuri, pagbibigay ng kaukulang gamutan, at pag-alalay sa mga mamamayang apektado ng sakit.
Kaugnay nito, nananawagan ang Municipal Health Office sa lahat ng mamamayan ng Roxas na maging mapagmatyag sa kanilang kalusugan. Kung nakararanas ng mga sintomas tulad ng lagnat, panginginig, pananakit ng ulo, o matinding panghihina, agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health facility upang masuri at mabigyan ng tamang lunas.
Sama-sama rin nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran, alisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok, gumamit ng kulambo at iba pang proteksyon laban sa kagat ng lamok upang makaiwas hindi lamang sa malaria kundi pati na rin sa iba pang sakit na dala ng mga ito.
๐ผ๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐จ๐ช๐จ๐ช๐ง๐ ๐๐ฉ ๐๐๐๐ง๐๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐ช๐ฉ๐๐ฃ ๐๐ฎ ๐จ๐ช๐จ๐ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐-๐๐ฌ๐๐จ ๐จ๐ ๐ข๐๐ก๐ช๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐ฉ๐ค ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ก๐๐ง๐๐.
๐ Makiisa sa Kilusang Ligtas Malaria!
๐ Protektahan ang sarili, pamilya, at komunidad.
๐ Malaria ay maagapan, kung sama-sama nating lalabanan!