06/09/2026
PNP-MARITIME GROUP, NAKAKUMPISKA NG HALOS PhP167,551.00 HALAGA NG HINIHINALANG ILIGAL NA PAGBEBENTA NG SIGARILYO SA CAPIZ
ROXAS CITY, CAPIZ โ Nagsagawa ng joint Search Warrants operations ang Capiz Maritime Police Station (MARPSTA), katuwang ang PIT Capiz RIU 6, Naval Forces Central, PCG Intel Capiz, Pontevedra MPS, at PIU Capiz PPO, dakong 5:30 ng umaga, September 3, 2026.
Isinagawa ang operasyon kaugnay ng paglabag sa Section 10 ng Republic Act No. 10643 (Graphic Health Warnings) at Section 263, in relation to Section 8(A), ng Republic Act No. 8424 (Tax Reform Act), as amended na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang suspek. Nakumpiska ang ibaโt ibang uri ng sigarilyo na walang Graphic Health Warnings at BIR excise tax stamps, kabilang ang Farstar, D&J, Mighty Green, RGD Red, Modern Red, at Bosque Ci******es, na may tinatayang humigit-kumulang halagang PhP167,551.00.
Ang suspek ay dinala sa Capiz MARPSTA kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon.
Ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita sa patuloy na koordinasyon ng PNP Maritime Group at mga katuwang na law enforcement agencies sa pagpapatupad ng mga batas at pagpigil sa iligal na kalakalan ng mga produktong tabako.
:SerbisyongMabilisTapatatNararamdaman