29/08/2026
๐๐๐ก๐ฅ ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐, ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Matagumpay na isinagawa ng ๐บ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฝ๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ (๐ณ๐ด๐ฝ๐) ang isang buwang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, na naglalayong palawakin ang pagpapahalaga ng mga kawani sa wikang Filipino, kulturang Pilipino, at pambansang pagkakakilanlan.
Sa buong buwan ng Agosto, aktibong nakilahok ang mga kawani ng PENRO Capiz sa serye ng mga makabuluhan at masayang gawaing pangwika at pangkultura na isinagawa tuwing Lunes.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinagawa ang mga sumusunod na aktibidad:
Agosto 3 โ ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐๐ณ๐ช๐ท๐ช๐ข: โ๐๐ข๐ด๐ข๐บ๐ด๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฌ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐโ
Sinubok ang kaalaman ng mga kawani tungkol sa kasaysayan at pagpapaunlad ng wikang Filipino.
Agosto 10 โ ๐๐ข๐ธ๐ช๐ฌ๐ข๐ช๐ฏ ๐ข๐ต ๐๐ฅ๐บ๐ฐ๐ฎ๐ข: โ๐๐ข๐ญ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ขโ
Naging pagkakataon ito upang balikan at higit na maunawaan ang mga sawikain at idyomang bahagi ng mayamang wikang Filipino.
Agosto 17 โ ๐๐ถ๐จ๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ-๐๐ถ๐จ๐ต๐ถ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ: โ๐๐ข๐ณ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐บ๐ข๐ฏโ
Naging tampok ang talas ng isip at kaalaman ng mga kalahok sa tradisyunal na bugtong na bahagi ng ating karunungang bayan.
Agosto 24 โ ๐๐ช๐ต๐ฐ๐ญ๐ฐ๐ฉ๐ช๐บ๐ข ๐ข๐ต ๐๐ถ๐ธ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ-๐๐ข๐บ๐ข๐ฏ
Sa huling bahagi ng pagdiriwang, naging paksa ng patimpalak ang mga mitolohiya at kuwentong-bayan na sumasalamin sa mayamang kultura, paniniwala, imahinasyon, at tradisyon ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng aktibidad, naipamalas ng mga kalahok ang kanilang pagkamalikhain at kaalaman sa mga kuwentong naipasa mula sa iba't ibang salinlahi.
Samantala, bilang pagtatapos ng serye ng mga aktibidad, isinagawa rin noong Agosto 24 ang pagbibigay ng parangal at pagkilala sa mga nagwagi sa iba't ibang patimpalak. Ang pagkilala ay nagsilbing pasasalamat sa kanilang aktibong pakikilahok, husay, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.
Higit pa sa mga paligsahan at kasiyahan, ang pagdiriwang ay nagsilbing paalala na ang wika ay mahalagang bahagi ng ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Sa pamamagitan ng sama-samang pakikilahok, naipakita rin ng mga kawani ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa ating sariling wika at kultura.
๐๐๐๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค! ๐๐๐๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ก๐ฉ๐ช๐ง๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค!