PNP Capiz Police Provincial Office

PNP Capiz Police Provincial Office Security and Safety Public Service
To Serve and Protect

STOP ILLEGAL DRUGS OUR FUTURE IS BRIGHTER DRUG-FREE #๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด #๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜ #๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ...
06/09/2026

STOP ILLEGAL DRUGS
OUR FUTURE IS BRIGHTER DRUG-FREE

#๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด
#๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜
#๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ก๐—ฃ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€

PEACE IS OUR STRENGTHUNITED AGAINST TERRORISM. #๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด #๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜ #๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ก๐—ฃ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ...
06/09/2026

PEACE IS OUR STRENGTH
UNITED AGAINST TERRORISM.

#๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด
#๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜
#๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ก๐—ฃ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€

Protect your home. Stay vigilant and take precautions to prevent theft and robbery. #๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ...
06/09/2026

Protect your home. Stay vigilant and take precautions to prevent theft and robbery.

#๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด
#๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜
#๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ก๐—ฃ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€

06/09/2026

๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐๐ซ๐ข๐จ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐“๐š๐ซ๐ ๐ž๐ญ ๐‡๐•๐ˆ ๐€๐ซ๐ž๐ฌ๐ญ๐š๐๐จ; ๐๐ก๐๐Ÿ.๐Ÿ๐Ÿ“๐Ÿ”-๐Œ ๐’๐ก๐š๐›๐ฎ ๐๐š๐ฌ๐š๐ฆ๐ฌ๐š๐ฆ ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ง ๐Œ๐ข๐ ๐ฎ๐ž๐ฅ

ILOILO โ€” Arestado ang isang Regional Priority Target na kabilang sa listahan ng High-Value Individuals (HVI) matapos makumpiskahan ng humigit-kumulang 170 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na PhP1,156,000.00 sa buy-bust operation sa Zone 6, Barangay San Jose, San Miguel, Iloilo, dakong alas-6:12 ng gabi noong Setyembre 5, 2026.

Kinilala ang suspek bilang si alyas โ€œBombi,โ€ 38 taong gulang, may asawa, at residente ng nasabing barangay.

Bunga ng intelligence-driven operation, naaresto ang suspek matapos umano niyang bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang police poseur-buyer kapalit ng buy-bust money.

Nakumpiska mula sa kanyang posesyon ang buy-bust item, tatlong sachet at tatlong plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust at proceeds money, at iba pang drug at non-drug items.

Isinagawa onsite ang inventory ng mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng isang barangay official at media representative.

Nanguna sa operasyon ang Regional Police Drug Enforcement Unit 6, katuwang ang Regional Intelligence Division 6, PDEG Special Operations Unit 6, at San Miguel Municipal Police Station.

Ayon kay Police Brigadier General Randulf T Tuaรฑo, Regional Director ng PRO6, patuloy na tututukan ng kapulisan ang mga pangunahing indibidwal na sangkot sa bentahan at distribusyon ng ilegal na droga.

โ€œHindi tayo titigil sa pagtugis sa mga High-Value Individuals na patuloy na nagpapakalat ng ilegal na droga sa ating mga komunidad. Sa pamamagitan ng intelligence-driven operations at mahigpit na koordinasyon ng ating mga yunit, isa-isa nating puputulin ang kanilang galaw at distribusyon,โ€ pahayag ni PBGen Tuaรฑo.

Kasalukuyang sumasailalim ang suspek sa kaukulang proseso para sa pagsasampa ng nararapat na kaso kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy na paiigtingin ng PRO6 ang kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng intelligence-driven operations, mahigpit na koordinasyon ng mga yunit, at aktibong pakikipagtulungan ng komunidad, alinsunod sa RESPONSIVE, TRUSTED, and TRANSFORMATIVE POLICING para sa mas ligtas at mapayapang Western Visayas.

Kasabay nito, nananawagan ang PRO6 sa publiko na huwag mag-atubiling magsumbong at agad ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang impormasyon hinggil sa bentahan, distribusyon, o iba pang aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga. Ang bawat impormasyong ibinabahagi ng mamamayan ay mahalagang katuwang ng kapulisan sa pagpigil sa paglaganap ng ilegal na droga at sa pagpapanatili ng kaligtasan ng ating mga komunidad.

(PNP-RPIO6)

#๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด
#๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜
#๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ก๐—ฃ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€

06/09/2026

๐๐‘๐Ž๐Ÿ”, ๐Ÿ–๐Ÿ“ ๐๐š๐ซ๐ข๐ฅ ๐๐š๐ค๐ฎ๐ก๐š ๐ฌ๐š ๐‹๐จ๐จ๐› ๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐Ž๐ซ๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฅ๐š๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐‘๐“๐“

ILOILO CITY โ€” Umabot sa 85 baril ang naalis sa sirkulasyon ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa loob lamang ng 24 oras sa ilalim ng pinaigting na pagpapatupad ng Project RTT, mula alas-6:00 ng umaga noong Setyembre 5 hanggang alas-5:59 ng umaga noong Setyembre 6, 2026.

Batay sa accomplishment report ng PRO6, nagsagawa ang kapulisan ng 91 operasyon laban sa loose fi****ms, na nagresulta sa pagkakumpiska ng dalawang baril at boluntaryong pagsuko ng 81 baril. Bukod dito, dalawang fi****ms ang naideposito sa kapulisan sa pamamagitan ng ADFER operations.

Nakuha rin sa mga operasyon ang 10 explosives, habang dalawang indibidwal ang naaresto kaugnay ng kampanya laban sa loose fi****ms.

Ang accomplishment na ito ay bahagi ng Project RTT โ€” Track, Restrict, and Turn-In, na nakatuon sa pinaigting na intelligence-driven at community-supported police operations upang matukoy, makontrol, at maalis sa sirkulasyon ang loose fi****ms, at maiwasan ang paggamit ng mga ito sa krimen at iba pang insidente ng karahasan.

Ayon kay Police Brigadier General Randulf T Tuaรฑo, Regional Director ng PRO6, ang patuloy na accounting at pag-alis ng mga hindi awtorisadong armas sa komunidad ay mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa Western Visayas.

โ€œSa ilalim ng Project RTT, tuloy-tuloy ang ating pagtutok sa loose fi****ms dahil bawat baril na ating nakukumpiska, naisusuko, o naide-deposito ay isang posibleng banta na naaalis sa ating mga komunidad. Hinihikayat natin ang publiko na patuloy na makipagtulungan at suportahan ang ating kampanya para sa mas ligtas na Western Visayas,โ€ ani PBGen Tuaรฑo.

Hinihikayat ng PRO6 ang mga may hawak ng unlicensed o undocumented fi****ms na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya para sa tamang proseso ng pagsuko o pagdeposito. Ang publiko naman ay hinihimok na agad ipagbigay-alam sa kapulisan o sa Unifies 911 ang anumang impormasyon hinggil sa ilegal na pag-iingat o paggamit ng armas.

Ang Project RTT ay sumasalamin sa adhikain ng PRO6 na isulong ang RESPONSIVE, TRUSTED, and TRANSFORMATIVE POLICING para sa mas ligtas, mapayapa, at matatag na Western Visayas.

Kaakibat nito ang bisyon ng Philippine National Police na โ€œBAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN,โ€ sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C Nartatez Jr, Chief, PNP.

(PNP-RPIO6)

#๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด
#๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜
#๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ก๐—ฃ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€

Never compromise your familyโ€™s health. Choose and use only legitimate, trusted medical products to ensure safety, qualit...
06/09/2026

Never compromise your familyโ€™s health. Choose and use only legitimate, trusted medical products to ensure safety, quality, and peace of mind.

#๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด
#๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜
#๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ก๐—ฃ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€

06/09/2026

PRO6 NAKAKUMPISKA NG 81 BARIL SA 24-ORAS NA OPERASYON

WESTERN VISAYAS โ€” Umabot sa 81 fi****ms ang nakumpiska ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa serye ng operasyon laban sa loose fi****ms mula alas-6:00 ng umaga noong Setyembre 5 hanggang alas-5:59 ng umaga noong Setyembre 6, 2026, habang patuloy na pinaiigting ang kampanya upang matiyak na ang mga baril sa rehiyon ay legal, rehistrado, at maayos ang dokumentasyon.

Bahagi ng kampanya ang Project R.T.T. (Restrict, Track, and Turn-in), isang inisyatiba ng PRO6 na naglalayong matukoy at ma-account ang mga loose at undocumented fi****ms, masubaybayan ang mga baril na kulang ang dokumentasyon, at mahikayat ang mga may-ari na kusang-loob na isuko ang mga ito alinsunod sa batas.

Ayon kay PRO6 Regional Director PBGen Randulf T. Tuaรฑo, mahalaga ang pakikipagtulungan ng mga fi***rm owner upang maiwasang mapunta sa maling kamay ang mga baril.

โ€œHindi lang ito tungkol sa pagkumpiska. Ang mahalaga, alam natin kung nasaan ang mga baril at legal ang kanilang pagmamay-ari. Hinihikayat namin ang mga fi***rm owner na ayusin ang kanilang registration at dokumentasyon. Kung kailangan ng gabay, nandiyan ang ating mga police unit para tumulong,โ€ ani PBGen Tuaรฑo.

Hinikayat din ng PRO6 ang publiko na agad i-report sa pinakamalapit na police station o sa opisyal na police channels ang anumang impormasyon tungkol sa ilegal o hindi awtorisadong pagmamay-ari ng baril. Pinayuhan ang publiko na huwag direktang komprontahin ang mga posibleng sangkot at sa halip ay ipaubaya sa mga awtoridad ang nararapat na aksyon.

Ang patuloy na operasyon ay bahagi ng The PRO6 Way tungo sa โ€œResponsive, Trusted, and Transformative Policing for a Safer Western Visayas,โ€ alinsunod sa PNP Focus Agenda at sa adhikain ng โ€œBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,โ€ sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr.

(ORD-PRO6)

06/09/2026

๐“๐จ๐ฉ ๐Ÿ” ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐Œ๐จ๐ฌ๐ญ ๐–๐š๐ง๐ญ๐ž๐ ๐๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง, ๐€๐ซ๐ž๐ฌ๐ญ๐š๐๐จ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฅ๐จ๐ข๐ฅ๐จ

ILOILO โ€” Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang Top 6 Regional Most Wanted Person sa Western Visayas matapos maaresto sa Anilao, Iloilo ang isang 25-anyos na lalaking nahaharap sa apat na bilang ng Qualified R**e, dakong alas-11:10 ng umaga noong Setyembre 5, 2026.

Kinilala ang akusado bilang si alyas โ€œGaming,โ€ 25 taong gulang, walang asawa, laborer, at residente ng Anilao, Iloilo.

Naaresto siya sa bisa ng Warrant of Arrest para sa apat na bilang ng Qualified R**e, paglabag sa Article 266-A (1), kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code.

Ang warrant ay inilabas noong Agosto 14, 2026 ng Regional Trial Court, Branch 66, Barotac Viejo, Iloilo, at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Isinagawa ang operasyon ng Tracker Team ng Anilao Municipal Police Station, katuwang ang mga personnel ng 62nd Special Action Company, 6th Special Action Battalion, PNP-Special Action Force, at Police Intelligence and Targeting/Criminal Investigation Team ng Iloilo Regional Intelligence Unit 6.

Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Anilao MPS para sa kaukulang disposisyon.

Ayon kay Police Brigadier General Randulf T Tuaรฑo, Regional Director ng Police Regional Office 6 (PRO6), ang pagkakaaresto sa akusado ay patunay ng patuloy na pagtutok ng kapulisan sa pagtugis sa mga wanted person, lalo na sa mga nahaharap sa mabibigat na kaso.

โ€œWalang pagtatagong panghabambuhay para sa mga wanted person. Patuloy silang tutugisin ng PRO6 hanggang sila ay maaresto at maiharap sa hustisya,โ€ ani PBGen Tuaรฑo.

Patuloy ding nananawagan ang PRO6 sa publiko na makipagtulungan sa kapulisan at agad na ipagbigay-alam ang anumang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga taong nagtatago sa batas.

Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng PRO6 laban sa mga wanted persons at ng pagsusulong nito ng RESPONSIVE, TRUSTED, and TRANSFORMATIVE POLICING for a Safer Western Visayas.

Kaakibat nito ang bisyon ng Philippine National Police na โ€œBAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN,โ€ sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., Chief, PNP.

(PNP-RPIO6)

#๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด
#๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜
#๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ก๐—ฃ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€

06/09/2026

๐“๐จ๐ฉ ๐Ÿ ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ-๐‹๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ ๐Œ๐จ๐ฌ๐ญ ๐–๐š๐ง๐ญ๐ž๐ ๐๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง ๐€๐ซ๐ž๐ฌ๐ญ๐š๐๐จ ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐๐š๐ซ๐›๐š๐ซ๐š, ๐ˆ๐ฅ๐จ๐ข๐ฅ๐จ

ILOILO โ€” Naaresto ng mga awtoridad ang Top 1 Municipal-Level Most Wanted Person ng Santa Barbara, Iloilo, sa isinagawang manhunt operation sa GMTD Street, Barangay Zone II, Santa Barbara, dakong alas-10:10 ng umaga noong Setyembre 5, 2026.

Kinilala ang akusado bilang si alyas โ€œAnton,โ€ 23 taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng Santa Barbara, Iloilo.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory R**e na inilabas noong Setyembre 4, 2026 ng Family Court, Sixth Judicial Region, Branch 5, Iloilo City. Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Nanguna sa operasyon ang Tracker Team ng Santa Barbara Municipal Police Station, katuwang ang Police Intelligence Unit ng Iloilo Police Provincial Office, Provincial Drug Enforcement Unitโ€“Special Operations Group Team 1, Anti-Kidnapping Groupโ€“Visayas Field Unit Iloilo, at Criminal Investigation/Police Intelligence Team ng Regional Intelligence Unit 6.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Barbara MPS ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Ayon kay PBGen Randulf T Tuaรฑo, Regional Director ng Police Regional Office 6, ang pagkakaaresto ay patunay ng mabilis at koordinadong pagkilos ng kapulisan sa pagpapatupad ng mga warrant of arrest at pagtugis sa mga wanted persons.

โ€œAng agarang pagkakaaresto sa akusado ay resulta ng mabilis na intelligence response, mahusay na koordinasyon, at determinadong pagkilos ng ating mga operatiba. Patuloy nating titiyakin na ang mga warrant of arrest ay agad na maipatutupad at ang mga wanted persons ay matutunton, maaaresto, at maihaharap sa hukuman,โ€ ani PBGen Tuaรฑo.

Ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng PRO6 laban sa mga wanted persons, alinsunod sa RESPONSIVE, TRUSTED, and TRANSFORMATIVE POLICING for a Safer Western Visayas.

Kaakibat nito ang bisyon ng Philippine National Police na โ€œBAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN,โ€ sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, PNP.

(PNP-RPIO6)

#๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฑ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด
#๐—ง๐—ผ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜
#๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ก๐—ฃ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€

06/09/2026

Address

Roxas City
5800

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Capiz Police Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP Capiz Police Provincial Office:

Shortcuts

Share