26/08/2025
Vice Mayor Raymundo "Munding" A. Del Rosario
Buong puso tayong lumalagda at sumusuporta sa panawagan ng Vice Mayors for Good Governance na naglalayong tiyakin ang transparency at accountability sa mga flood control project sa buong bansa.
Bilang mga lingkod-bayan, naninindigan tayo na ang bawat pisong mula sa kaban ng bayan ay dapat ilaan nang tapat at may pananagutan.
Kaisa tayo sa panawagang magkaroon ng buong public disclosure sa lahat ng proyekto, lalo na sa mga kontrata, budget, at plano, upang makita ng taumbayan kung saan napupunta ang kanilang pera.
Mahalaga ring palakasin ang independent oversight mula sa COA, civil society organizations, at iba pang sektor upang matiyak ang patas at malinis na implementasyon.
Suportado rin natin ang panawagan ng pananagutan para sa mga tiwaling pulitiko, kontratista, at opisyal na mapatutunayang sangkot sa anomalya, dahil ang katiwalian sa mga proyektong ito ay hindi lamang pagnanakaw kundi isang krimen laban sa kaligtasan ng publiko.
Higit sa lahat, dapat palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan upang masiguro na ang mga proyektong ito ay tunay na nakabatay sa pangangailangan ng komunidad. Ang flood control projects ay dapat maging lifeline ng mga Pilipino at hindi profit stream ng iilan.
Sama-sama nating isulong ang pulitika ng paglilingkod, hindi ng pansariling interes, sapagkat nararapat lamang na ang ating mga komunidad ay makatikim ng tapat, makatao, at makatarungang pamamahala.