10/05/2025
Magandang araw po sa inyong lahat, mga mahal kong kababayan sa Bayan ng Rosario. Ako po si 989 Raul Flores, at ako po’y buong kababaang-loob na humihiling ng inyong suporta at tiwala.
Muli po akong kumakandidato bilang Sangguniang Bayan Member hindi para sa kapangyarihan, hindi para sa pangalan kundi para sa patuloy na paglilingkod na tapat, totoo, at taos sa puso.
Sa bawat sulok ng ating bayan, sa bawat pamilyang aking nasalubong at nakausap, ramdam ko ang inyong mga pangarap at yan din ang dahilan kung bakit patuloy akong nagsusumikap. Hindi po ako perpekto, pero ang puso ko ay para sa Rosario, para sa inyo.
Mahal na mahal ko po ang ating bayan. At sa darating na halalan, sana po’y muli ninyo akong pagkatiwalaan upang maipagpatuloy ko ang laban para sa tunay na pagbabago at pag-unlad.
Maraming salamat po, at nawa’y patuloy tayong gabayan at pagpalain ng Poong Maykapal. Para sa bayan, para sa inyo Action Man 989Raul Flores, #9 sa balota.