23/04/2024
SECOND WAVE ‼️
Isang maka-kalikasang araw sa ating lahat!
Halina’t makiisa sa 2nd Quarter ng “Aling Tindera: Plastic Waste to Cash Program, Raffle Promo”
Ito po ay isa sa mga programang pangkapaligiran ng Pamahalaang Bayan ng Rosario sa pangunguna ng ating butihing punong bayan, Mayor Leovigildo K. Morpe kasama ang buong Sangguniang Bayan sa pamumuno naman ng ating butihing Vice Mayor Atanacio G. Zara.
Naglalayong mahikayat ang ating mamamayan na maging responsable sa tamang pamamahala ng mga basura at mabawasan ang mga basurang napapatapon sa mga ilog, kanal at mga kalsada.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa at suportahan ang programa upang makatulong tayo sa pagtaas ng Waste Diversion Rate ng ating bayan. Maiwasan ang pagsusunog ng mga plastic na nakakasama sa ating kalusugan at nakakasira sa ating kapaligiran.
Maaari po kayong magdala ng inyong mga plastic wastes. Kailangan lamang na TUYO at MALINIS ang mga ito.
Para sa iba pang detalye basahin lamang ang mga nasa larawan. Maraming salamat po.