05/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐, ๐๐๐๐ | Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapaunlad ang industriya ng niyog, isinagawa ng PCA Ilocos Sur ang ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐จ๐ง ๐๐จ๐จ๐ ๐๐ ๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐ฅ ๐๐ซ๐๐๐ญ๐ข๐๐๐ฌ (๐๐๐) ๐ข๐ง ๐๐จ๐๐จ๐ง๐ฎ๐ญ ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง sa Municipal Hall ng Sta. Catalina, Ilocos Sur.
Dinaluhan ang pagsasanay ng 15 magniniyog, 5 kawani ng Lokal na Pamahalaan (LGU), at 9 On-the-Job Training (OJT) students na aktibong nakibahagi sa mga talakayan patungkol sa wastong pamamahala at pagpapaunlad ng taniman ng niyog.
Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga magniniyog sa mga makabago at angkop na pamamaraan ng pagsasaka upang mapataas ang produksyon, mapabuti ang kalidad ng ani, at maisulong ang isang mas produktibo at napapanatiling industriya ng niyog.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng kaalaman at teknikal na suporta, inaasahang magiging mas handa ang ating mga magniniyog sa pagharap sa mga hamon sa agrikultura at sa pag-abot ng mas mataas na antas ng kabuhayan para sa kanilang pamilya at komunidad.
๐๐๐๐-๐ ๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ข๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ข๐ ๐ก๐๐๐ฆ๐ ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐ฆ๐๐, ๐๐ก ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐ก๐ข๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ข๐๐๐ ๐๐. ๐ด