ABONO Partylist

ABONO Partylist Kumakatawan sa sektor ng mga manggagawa sa agrikultura.

23/03/2026

Northen Cowboys Rodeo Team

Kasama po natin ang National President ng Abono Partylist Bobby Estrella at ang Northern Cowboys Rodeo Team, na magrerepresenta sa Northern Luzon sa Professional Category ng Philippine Rodeo Finals 2026 na gaganapin sa Masbate Grand Rodeo Arena sa Masbate City mula Abril 10–19, 2026, sa pangunguna ni Dr. Andres Matib. Ang koponan ay binubuo ng mga kalahok mula sa Benguet, Sagada, at Pangasinan.

Nasaksihan din natin ang kanilang pagsasanay bilang paghahanda sa naturang kompetisyon. Sa pagkakataong ito, nagbigay rin ng briefing ng mga beterinaryo ang mga kalahok tungkol sa wastong paghawak at pangangalaga sa mga baka at toro upang matiyak ang pagsunod sa ANIMAL WELFARE ACT at ang kaligtasan ng mga kalahok at hayop.

Buong suporta ang ABONO Partylist sa paglahok ng Northern Cowboys Rodeo Team habang dala nila ang karangalan ng Northern Luzon sa pambansang entablado. Ipinagmamalaki namin ang inyong dedikasyon at ipinagdarasal ang inyong tagumpay sa darating na rodeo.

20/03/2026

Lubos kaming nagpapasalamat na maging bahagi ng Balungao Town Fiesta 2026!

Maraming salamat sa imbitasyon bilang sponsor at honorary judge sa Chevon Cooking Contest (101 ways of cooking Goat meat) Kahanga-hanga ang husay at pagk**alikhain sa pagluluto ng chevon (karne ng kambing), na tunay na nagpapakita ng galing ng ating lokal na komunidad.

Taos-pusong pasasalamat kina Hon. Mayor Maria Theresa R. Peralta, Hon. Vice Mayor Philipp Peralta, at sa Sangguniang Bayan.

Kasama rin sa okasyon sina DAR Sec Conrado Estrella III, Abono Partylist Councilor Willie Mina, at Abono Director Randy Ramirez.

Panibagong linggo, panibagong pagkakataon na maglingkod sa sambayanang Pilipino. Kasama natin si House of Representative...
17/03/2026

Panibagong linggo, panibagong pagkakataon na maglingkod sa sambayanang Pilipino.

Kasama natin si House of Representatives Speaker Cong. Faustino "Bojie" Dy III at ang mga miyembro ng Commission on Appointments sa pagtalakay ng ad interim appointments ng limampu’t pitong (57) Generals/Flag Officers at Senior Officers ng Armed Forces of the Philippines.

Ang mga membro ng Commission on Appointments ay sina (L-R):
• Rep. Jurdin Jesus “JJ” M. Romualdo – Lone District, Camiguin
• Rep. Roy M. Loyola – 5th District, Cavite
• Rep. Jose “Joboy” S. Aquino II – Lone District, Butuan
• Rep. Lani Mercado-Revilla – 2nd District, Cavite
• Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III – 6th District, Isabela
• Rep. Ramon N. Guico Jr. – 5th District, Pangasinan
• Rep. Antonio “Tonypet” T. Albano – 1st District, Isabela
• Rep. Eddiebong G. Plaza – 2nd District, Agusan del Sur
• Rep. Benjamin C. Agarao, Jr. – 4th District, Laguna

Ipinagmamalaki natin na kabilang sa mga opisyal ng AFP na itatalaga ay ang mga may ugat, nagmula, at kasalukuyang naka-assign sa lalawigan ng Pangasinan, kabilang ang mga sumusunod:
• Capt. Glyn Bico Pahilanga, Philippine Navy
• Capt. Dennis Sison Resuello, Philippine Navy
• Col. Michael Cabarles Aquino, Philippine Army
• BGen. Eufracio Garcia Malig Jr., Armed Forces of the Philippines

Patuloy po nating isinusulong ang maayos, matatag, at makabagong pamumuno para sa ating Sandatahang Lakas.

UPDATE‼️HB8032 - Approved and consolidated for first reading in Committee of HealthAng House Bill No. 8032 o “An Act Upg...
11/03/2026

UPDATE‼️

HB8032 - Approved and consolidated for first reading in Committee of Health

Ang House Bill No. 8032 o “An Act Upgrading the Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center in the Municipality of Rosales, Province of Pangasinan from a Level 2 General Hospital with One Hundred Three (103) Beds to a Level 3 General Hospital with Five Hundred (500) Beds, and Appropriating Funds Therefor” ay aprubado na at na-consolidate para sa First Reading sa Committee on Health, kasama ang HB 8231, na sasailalim pa sa mga kinakailangang pag-aayos sa estilo at mga amyenda.

Lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga kapwa mambabatas na naging co-author ng panukalang batas na ito. Maraming salamat sa inyong suporta:

• Rep. Dante S. Garcia – 2nd District, La Union
• Rep. Arthur F. Celeste – 1st District, Pangasinan
• Rep. Wilfrido Mark M. Enverga – 1st District, Quezon
• Rep. Maria Rachel J. Arenas – 3rd District, Pangasinan
• Rep. Ramon N. Guico Jr. – 5th District, Pangasinan

Patuloy nating isusulong ang mga hakbang na magpapalakas sa ating sistema ng kalusugan at magbibigay ng mas maayos at mas abot-kayang serbisyong medikal para sa bawat Pilipino.

AFP Officials  Courtesy Call with Commission of Appointments MembersMasaya nating nakasama ang mga opisyal ng Armed Forc...
11/03/2026

AFP Officials Courtesy Call with Commission of Appointments Members

Masaya nating nakasama ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bumisita at nagbigay ng courtesy call sa mga miyembro ng Commission on Appointments sa House of Representatives, kasama ang Speaker of the House na si Faustino "Bojie" Dy III. Ang nasabing pagbisita ay kaugnay ng kanilang inaasahang promosyon na kinakailangang kumpirmahin ng Commission on Appointments.

Kasama sa larawan (From left to right) sina:
Rep. Allan U. Ty – LPGMA Partylist
Rep. Antonio “Tonypet” T. Albano – 1st District, Isabela
Rep. Jose “Joboy” S. Aquino II – Lone District, Butuan
Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III – 6th District, Isabela
Rep. Lani Mercado-Revilla – 2nd District, Cavite
Rep. Jurdin Jesus M. Romualdo – Lone District, Camiguin
Rep. Arnie B. Fuentebella – 4th District, Camarines Sur

Patuloy nating kinikilala at pinasasalamatan ang dedikasyon at paglilingkod ng ating mga sundalo para sa kapayapaan at seguridad ng ating bansa.

09/03/2026

Pagprotekta sa Sektor ng Agrikultura sa Gitna ng Pagtaas ng Presyo at Limitasyon sa Suplay ng Krudo

Sa pagdinig ng Committee on Agriculture sa House of Representatives, binigyang-diin ni Cong. Estrella ang seryosong epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at ang mga limitasyon sa pagbili nito na direktang nakaaapekto sa sektor ng agrikultura.

✅Lubhang naaapektuhan ang mga magsasaka, mangingisda, at mga food processing plants dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.

✅Sa ilang lugar, may ipinapataw na limitasyon sa pagbili ng krudo, tulad ng 10–20 liters kada transaction, na nagiging hadlang sa tuloy-tuloy at maayos na operasyon ng sektor.

✅Hindi lamang mga magsasaka ang naaapektuhan, kundi pati ang mga mangingisda na umaasa sa krudo upang mapatakbo ang kanilang mga bangka at makapangisda.

✅Dahil dito, nahihirapan ang mga magsasaka, mangingisda, negosyante, at food processors sa pagpapatuloy ng kanilang mga operasyon, lalo na sa pagbili, pagproseso, at pagdadala ng mga produktong agrikultural dahil hindi nila mapatakbo nang maayos ang kanilang mga kagamitan at mga planta.

✅Kapag hindi nakapagpapatuloy nang maayos ang operasyon ng mga food processors at iba pang negosyo sa sektor, hindi lamang ang lokal na suplay ng pagkain ang maaapektuhan at pati na rin ang suplay para sa export, na may direktang implikasyon sa pambansang ekonomiya.

✅Sa kasalukuyan, may mga restriksiyon din sa bulk delivery ng krudo ng mga tanker sa ilang pabrika at planta, na nagiging hadlang sa tuloy-tuloy na operasyon ng mga pasilidad na nagpoproseso ng mga produktong agrikultural.

Kaugnay nito, itinutulak ni Cong. Estrella ang House Bill 5308, na naglalayong magtatag ng mas maayos na national statistics at monitoring system para sa sektor ng agrikultura.

Sa ilalim ng panukalang batas, magkakaroon ng paglalaan ng pondo upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapatakbo ng sistemang ito at ang suporta sa mga tauhang magsasagawa ng monitoring. Sa ganitong paraan, masisiguro na ang datos ay magagamit nang epektibo sa pagbuo ng mga polisiya upang mapalakas ang sektor ng agrikultura at ang food security ng bansa.

09/03/2026

Nangapugan Vegetables & Onion Growers Association SLPA VISIT | San Quintin, Pangasinan

Nagsagawa ang ABONO Partylist ng visitation at monitoring sa pag-aani ng sibuyas ng Nangapugan Vegetables & Onion Growers Association sa bayan ng San Quintin Pangasinan sa pangunguna ni Director Randy Ramirez, upang makita ang kalagayan ng kanilang ani at patuloy na masuportahan ang ating mga magsasaka.

Sa panayam kay Adviser Selisa Paluyo, ibinahagi niya kung paano nakatulong ang Abono Partylist sa pag organisa sa kanila at ang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD sa kanilang pagsasaka.

Dahil dito ay mas napalago nila ang kanilang taniman at mas napabuti ang kanilang ani.

Maraming salamat DSWD Secretary REX Gatchalian sa patuloy na suporta at tulong sa mga programang nagbibigay kabuhayan sa ating mga magsasaka.

ABONO Partlist katuwang sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura.

Isang panibagong linggo, panibagong panukalang batas ang ating naihain!House Bill No. 8234 – “Electronic Transferable Re...
03/03/2026

Isang panibagong linggo, panibagong panukalang batas ang ating naihain!

House Bill No. 8234 – “Electronic Transferable Records Act.”

AN ACT PROVIDING FOR THE LEGAL RECOGNITION, VALIDITY, AND ENFORCEABILITY OF ELECTRONIC TRANSFERABLE RECORDS, ADOPTING FOR THE PURPOSE THE UNITED NATIONS COMMISSION ON INTERNATIONAL TRADE LAW (UNCITRAL) MODEL LAW ON ELECTRONIC TRANSFERABLE RECORDS

Layunin ng panukalang batas na tiyakin na ang mga electronic transferable records ay magkakaroon ng parehong lakas, bisa, at proteksiyon gaya ng mga tradisyunal na papel na dokumento sa larangan ng kalakalan at pananalapi.

Sa pamamagitan ng panukalang ito, layunin nating:

✔️ Magbigay ng malinaw na legal na katiyakan at harmonisasyon sa pandaigdigang pamantayan
✔️ Pabilisin ang cross-border transactions at bawasan ang red tape at paggamit ng papel
✔️ Palakasin ang digital transformation ng negosyo, shipping, logistics, at financial services
✔️ Suportahan ang modernisasyon ng ating trade infrastructure
✔️ Palakasin ang pagiging kompetitibo ng Pilipinas sa pandaigdigang merkado

Panahon na upang iayon ang ating mga batas sa takbo ng digital na ekonomiya at tiyakin na hindi mapag-iiwanan ang Pilipinas sa mabilis na pagbabago ng mundo.

02/03/2026

SLP SAMAPA | PROGRAM ORIENTATION

Matagumpay na naisagawa ang orientation sa Binmaley, Pangasinan. Tumulong sa pag-organisa nito ang ABONO Partylist sa pangunguna ni Abono Partylist Director Randy Ramirez upang higit na mapalakas at maihanda ang Samahan ng Magbabangus ng Pangasinan Agriculture Cooperative ,Samapa Agriculture Cooperative, (SAMAPA) sa pamumuno ni Christopher Aldo Fabia Sibayan para sa mas matatag, organisado, at pangmatagalang kabuhayan sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Matapos ang oryentasyon, pormal na inendorso ang asosasyon sa DSWD para sa susunod na yugto ng programa. Ang payout ay isasagawa sa mga darating na araw at tanging ang ahensya lamang ang mamamahala nito alinsunod sa kanilang opisyal na proseso.

Lubos ang pasasalamat kay DSWD Sexretary REX Gatchalian sa patuloy na suporta at malasakit sa mamamayan.

ABONO Partylist Kaagapay sa Pag-unlad ng Mamamayang Pilipino!

Nagsagawa ng pagpupulong ang Commission on Appointments at Committee on National Defense upang talakayin ang ad interim ...
26/02/2026

Nagsagawa ng pagpupulong ang Commission on Appointments at Committee on National Defense upang talakayin ang ad interim na pagtatalaga sa 81 General/Flag Officers at Senior Officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa isinagawang Caucus at Plenary Session, tinalakay rin ang iba pang mga usaping iniharap sa Commission/Committee.

Magandang araw po sa inyong lahat! Ngayong araw, muli po tayong naghain ng panukalang batas na pinamagatang House Bill 8...
25/02/2026

Magandang araw po sa inyong lahat! Ngayong araw, muli po tayong naghain ng panukalang batas na pinamagatang House Bill 8032 An Act Upgrading the Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center to a Level 3 General Hospital with 500 Bed Capacity.

Layunin ng panukalang ito na dagdagan ang bilang ng k**a, palawakin ang serbisyo at dami ng mga doktor, nars at iba pang health workers, magbigay ng mas kumpletong espesyalista at makabagong kagamitan, mabawasan ang pagre-refer sa malalayong ospital, at mailapit ang dekalidad at abot-kayang serbisyong medikal sa mga taga-Pangasinan at karatig-probinsiya upang mas mapalakas ang serbisyong pangkalusugan sa rehiyon at mabigyan ng agarang at sapat na pangangalaga ang mas maraming Pilipino.

Tayo ay pinarangalan ng courtesy call mula sa pamunuan ng Philippine Space Agency sa pangunguna ni Director General Dr. ...
24/02/2026

Tayo ay pinarangalan ng courtesy call mula sa pamunuan ng Philippine Space Agency sa pangunguna ni Director General Dr. Gay Jane Perez.

Kasama sina Deputy Director General Denis Villorente, Director Marc Caesar Talampas, Director Paul Heherson Balite, Division Chief Rocell Nino B. Vicente,Senior Science Research Specialist Frances Mara Mendoza, Science Research Specialist Mae Ericka Jean Picar

Nakiisa rin sa pagpupulong si House Speaker. Faustino “Bojie” Dy III

Maraming salamat po sa inyong pagbisita at sa makabuluhang talakayan.

Address

Tumana West
Rosales

Telephone

+63289315001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ABONO Partylist posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to ABONO Partylist:

Share