29/05/2026
πππ, πππππππππ ππ ππππ πππππ ππππππ πππ πππ πππππππ ππ ππππππππ ππ ππππππ ππππ, ππ πππππππ; πππ ππππππππ ππππππππ ππ ππππππππ ππππππππππ ππ
Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang mga rehistradong may-ari at drayber ng isang modern jeepney at isang armored van na sangkot sa malagim na banggaan sa Quezon City kung saan 25 pasahero ang sugatan nitong Mayo 29, 2026.
Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente dakong ala-singko ng umaga sa kahabaan ng Quezon Avenue cor. Sen. Miriam Defensor Santiago Avenue, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City. Parehong sasakyan ang nagtamo ng pinsala sa punto ng salpukan, habang ang 25 pasahero ay nagtamo ng mga sugat at agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital.
Dahil dito, inatasan ng LTO na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa Central Office sa Hunyo 4, 2026, ala-una ng hapon ang mga rehistradong may-ari at drayber ng mga sangkot na sasakyan upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa kasong βReckless Driving,β βImproper Person to Operate a Motor Vehicle,β at βEmploying a Reckless, Insolent, Discourteous, or Arrogant Driver.β
Bilang pansamantalang hakbang, inilagay na sa alarm status ang mga sangkot na sasakyan habang preventively suspended naman sa loob ng 90 araw ang lisensya ng mga drayber. Inatasan din silang agad na isumite ang kanilang lisensya sa IID.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, seryosong usapin ang bawat aksidente sa kalsada lalo na kung may mga inosenteng pasaherong nalalagay sa panganib.
βAng bawat aksidente sa kalsada ay malinaw na paalala na ang kalsada ay hindi lugar para sa kapabayaan. Sa oras na ang isang drayber ay nagkulang sa pag-iingat, hindi lamang batas ang nilalabag, kundi ang tiwala at seguridad ng bawat pasaherong umaasa na makakarating nang ligtas sa kanilang destinasyon. Kayaβt hindi natin palalampasin ang anumang anyo ng iresponsableng pagmamaneho, at dapat panagutan ito nang naaayon sa batas,β pahayag ni Lacanilao.
Patuloy namang pinaaalalahanan ng LTO ang lahat ng public utility vehicle operators at mga motorista na pairalin ang disiplina, responsableng pagmamaneho, at tiyaking ligtas ang kondisyon ng sasakyan upang maiwasan ang trahedya sa lansangan.