18/10/2022
Dialogue/Public Consultation for Sitio Lantangan Residents with Barangay Balogo Officials, headed by Kap Juliet M. Sixon, for the project:
"Establishment of Sanitary Land Fill (SLF) - Phase 1 & 2, located at Sitio Lantangan - Barangay Balogo, Calatrava, Romblon on October 12, 2022 at 1pm onwards.
Invited Guests, as panelists:
1. Felix Carl F. Falquerabao - Science Research Specialist II (Geologist) representing Mines & Geosciences Bureau - DENR MIMAROPA
2. Engr. Jose Marie F. Fabito, representing Mr. Irwin Anzaldo of DENR Environmental Management Service - Romblon
Mula sa munisipyo, ang mga dumalo ay sa pangunguna ni Mayor Marieta Fabella-Babera, SB Merlito M. Sixon, SB Elizer F. Fiedacan, SB Ramon F. Reandelar - IPMR at Balai Azinan representative, Engr. Ulysses P. Ancheta - Municipal Engineer, Mr. Noel F. Falcutila - Municipal Agriculture Officer at nagsilbing Open Forum Moderator sa nasabing diyalogo, Engr. Berlito F. Fajel Jr. - MPDC at staff nya, at mga Kagawad at opisyal ng Barangay Balogo.
Bago matapos ang nasabing diyalogo, 71.4% ng mga taga Sitio Lantangan ang nagtaas ng kamay para pumayag sa nasabing proyekto naagiging daan upang mabigyan ng pangmatagalang solution ang problema sa basura hindi lang ng mga taga Poblacion maging ng buong Bayan ng Calatrava, kasama ang mga basura ng Barangay Balogo at Sitio Lantangan na dati ay sa likod-bahay lang nila ibinabaon/sinusunog o sa katabing bakanteng lupa itinatapon na parehong ipinagbabawal sa Republic Act 9003 o tinatawag na Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Sa Sitio Lantangan ang lokasyon ng bibilhing lupa ng munisipyo na mula sa CLOA ni Mr. Ambrosio G. Maquinto, Jr. at 4 na anak niya at ang lawak ng nasabing 5 parcel ng lupa ay 9.9 ektarya. 2 ektarya lamang ang nakalaan para sa SLF, 3.5 ektarya ay ilalaan para sa Romblon State University - Calatrava Campus na nanganganib ipasara dahil 5 ektarya ang dapat sakop ng isang Campus at 1.5 ektarya lang ang kasalukuyang sakop ng RSU-Calatrava. Magiging katuwang ng munisipyo ang RSU-Calatrava sa paglutas ng problema sa basura sa tulong ng Environmental Science students nito at bilang parte ng Research & Extension ng nasabing Campus. 1 ektarya naman ang nakalaan para sa Agriculture Demo Farm and Nursery ng Municipal Agriculture Office.
Salamat sa lahat ng mga dumalo.