12/10/2026
π‘οΈπ« KICK-OFF OF THE NATIONAL SCHOOL SAFETY WEEK 2026 π«π‘οΈ
βLigtas na Paaralan, Ligtas na Kinabukasan!β π
Matagumpay na isinagawa sa San Isidro Elementary School ang Kick-Off ng National School Safety Week 2026, kasama ang ating mga minamahal na stakeholders na nagpakita ng nagkakaisang suporta at commitment para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mag-aaral.
Nakiisa ang mga Barangay Officials na pinangunahan ni Hon. Loreto Catajay, Barangay Captain, kasama si Kagawad Christine Rubio, Chairman on Committee on Education, at Mr. Jervy Galanga, PTA President.
Nakibahagi rin ang ating mga BHWs, Lupon Tagapamayapa, Barangay Tanods, PTA Officers, at mga magulang, na sama-samang lumagda sa School Safety Commitment Wall bilang pagpapakita ng kanilang paninindigan na maging katuwang ng paaralan sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at child-friendly na learning environment. π€
Nagbigay rin ng kanilang mahahalagang mensahe at buong suporta sa programa ang ating butihing School Principal, Madam Jocelyn G. Ocampo, kasama ang mga kinatawan ng ating mga stakeholders.
Kasabay nito, ipinakita rin ng SELG Officers ang kanilang pakikiisa sa pamamagitan ng paglagda sa School Safety Commitment Wallβpatunay na ang mga mag-aaral mismo ay may mahalagang papel sa pagsusulong ng safety at disaster preparedness sa paaralan. π§π¦π‘οΈ
π Ang kaligtasan sa paaralan ay hindi lamang responsibilidad ng iilanβito ay sama-samang pananagutan ng buong komunidad.
San Isidro Elementary School β Sama-sama, Nagkakaisa, at Nakikiisa para sa Ligtas na Paaralan! ππ«