24/08/2023
Sinamahan ninyo kami sa pag-imbulog. Mabigat man ang ulap ay kapit-bisig nating sinuong ang lakbaying ito. Sa kabila ng walang katiyakan, niyakap natin ang kahinaan at lakas ng bawat isa upang makapagtaguyod ng isang laksang kilusan ng kabataang lumalaban para sa mas maliwanag na bukas.
Sa hinaba-haba ng lakbaying ito, kayong mga pinagsilbihan namin ang totoong naging tagapagmaneho. Kayo ang aming naging gasolina at preno kung kaya't sa nalalapit na pagtatapos ng ating kwento, sama-sama pa rin tayo sa paghawi ng mga ulap at bagyo—HANGGANG DULO.
Taos-pusong pasasalamat sa patuloy na pagsuporta sa mga adhikain at programa na ipinaabot ng Sangguang Kabataan.
Nawa’y patuloy niyong piliin ang mga taong lalaban para sa karapatan ng bawat kabataan. Tayo ang pag-asa ng bayan.
5 years and counting.
It has been a lovely journey with you!