26/08/2026
MULA SA PAGKILALA, PATUNGO SA MAS MALINIS NA MONTALBAN!
Isang karangalan para sa Bayan ng Rodriguez (Montalban) ang makatanggap ng pagkilala mula sa Environmental Management Bureau (EMB) CALABARZON para sa mga natatanging programa at inisyatiba ng ating LGU sa waste recovery at diversion—partikular sa plastic packaging wastes at iba pang residual wastes na maaari pang mapakinabangan.
Sa pangunguna ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), patuloy na isinusulong ng ating pamahalaang bayan ang mga hakbang tungo sa responsableng pamamahala ng basura, waste diversion, at pangangalaga sa kalikasan.
Pero hindi dito nagtatapos ang ating laban.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagkilos ng ating mga barangay, paaralan, municipal offices, waste diverters, pribadong sektor, commercial establishments, national government agencies, at higit sa lahat, ng ating mga kababayan.
At bukas ang programang ito para sa LAHAT!
Kung ikaw ay isang indibidwal, grupo, paaralan, organisasyon, negosyo, o komunidad na nais makibahagi, maaari kang maging bahagi ng waste recovery at diversion programs ng LGU at ng iba’t ibang barangay.
Dahil bawat plastik na mare-recover, bawat basurang ma-divert, at bawat taong makikiisa ay isang hakbang tungo sa mas malinis, mas maayos, at mas sustainable na Montalban.
Hindi lang ito programa ng pamahalaan—ito ay sama-samang responsibilidad at pagkilos ng bawat Montalbeño.
Makilahok. Mag-segregate. Mag-recover. Mag-divert.
Sama-sama nating gawing mas malinis at mas luntian ang Montalban!