Barangay San Isidro Montalban

Barangay San Isidro Montalban Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay San Isidro Montalban, Sitio Tanag, San Isidro, Rodriguez.
(6)

Kahapon ay naging abala ang tanggapan ng ating Punong Barangay Jose Eric D. Ching, sa pagtanggap at pagdinig sa iba't ib...
03/06/2026

Kahapon ay naging abala ang tanggapan ng ating Punong Barangay Jose Eric D. Ching, sa pagtanggap at pagdinig sa iba't ibang usapin at pangangailangan ng ating mga kabarangay.

Kabilang sa mga isinagawang pagpupulong at pag-uusap ang Patawag Patulong sa Lupa (Endorsement mula sa Lupon), Patawag Patungkol sa Isyu ng Lupa sa SV8B Phase 2, Patawag Patungkol sa Plaka ng Padyak, at pagpupulong kasama ang mga may-ari ng mga resort sa Sitio Balagbag.

Patuloy na nagsisilbing bukas na tanggapan ang ating barangay upang pakinggan, tugunan, at mabigyan ng kaukulang aksyon ang mga suliranin at concerns ng ating mga kabarangay. Sa pamamagitan ng maayos na dayalogo at pagtutulungan, patuloy nating isinusulong ang kapayapaan, kaayusan, at patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.

✂️ UMAARANGKADA NA ANG LIBRENG GUPIT PARA SA BALIK-ESKWELA! ✂️Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase, mat...
03/06/2026

✂️ UMAARANGKADA NA ANG LIBRENG GUPIT PARA SA BALIK-ESKWELA! ✂️

Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase, matagumpay na umarangkada ang Libreng Gupit Program na handog ng Pamahalaang Barangay San Isidro para sa ating mga kabarangay.

Ang programang ito ay pinangunahan ng Sangguniang Kabataan ng San Isidro sa pangunguna ni SK Chairperson Joanne Apao kasama ang mga SK Kagawad, katuwang ang Barangay Livelihood and Skills Development Office, upang makatulong sa mga mag-aaral at magulang sa paghahanda para sa bagong taon ng pag-aaral.

Patuloy na nagsasama-sama ang Barangay San Isidro at ang Sangguniang Kabataan sa paghahatid ng mga programang may malasakit at tunay na pakinabang para sa ating komunidad.

Para sa kabataan, para sa edukasyon, at para sa patuloy na pag-unlad ng Barangay San Isidro!

Nagsagawa ng courtesy call sa tanggapan ng ating Kapitan Jose Eric D. Ching ang The Rocks Baseball Team matapos nilang m...
02/06/2026

Nagsagawa ng courtesy call sa tanggapan ng ating Kapitan Jose Eric D. Ching ang The Rocks Baseball Team matapos nilang masungkit ang kampeonato sa ginanap na 4th Mayor General Ronnie S. Evangelista Inter-Barangay Baseball Tournament 2026 (Baseball Under 18).

Personal na binati at kinilala ni Kapitan Ching ang buong koponan sa kanilang ipinakitang husay, disiplina, at dedikasyon na nagbigay ng karangalan sa ating komunidad. Ang kanilang tagumpay ay patunay na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at pagkakaisa ay maaabot ang tagumpay sa anumang larangan.

Muli, taos-pusong pagbati sa The Rocks Baseball Team sa kanilang pagkapanalo bilang kampeon. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa kabataang atleta ng ating barangay upang higit pang paghusayan ang kanilang talento at ipagpatuloy ang pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Nagkaroon ng pagpupulong at pag-uusap sa tanggapan ni Kapitan Jose Eric D. Ching kasama ang mga kinatawan ng EB PODA SV8...
02/06/2026

Nagkaroon ng pagpupulong at pag-uusap sa tanggapan ni Kapitan Jose Eric D. Ching kasama ang mga kinatawan ng EB PODA SV8C/SUB PODA at mga HOA Officers ng East Bellevue Phase 2 upang talakayin ang mga usaping may kinalaman sa kanilang sektor at komunidad.

Patuloy na nakikinig at nagbibigay ng agarang aksyon ang ating Punong Barangay sa mga hinaing, mungkahi, at pangangailangan ng ating mga kabarangay upang mapanatili ang kaayusan, pagkakaisa, at patuloy na pag-unlad ng ating barangay.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at kooperasyon para sa ikabubuti ng ating komunidad.

Unang Regular Session para sa Buwan ng Hunyo 2026 📝💙❤️Kahapon ay isinagawa ang unang Regular Session para sa buwan ng Hu...
02/06/2026

Unang Regular Session para sa Buwan ng Hunyo 2026 📝💙❤️

Kahapon ay isinagawa ang unang Regular Session para sa buwan ng Hunyo 2026 sa opisina ni Kapitan Jose Eric D. Ching, kasama ang Barangay Treasurer na si August Manuel, Barangay Secretary na si Charlie Boy Labez, at mga miyembro ng Sangguniang Barangay upang talakayin ang mahahalagang usapin, programa, at mga proyektong nakatuon sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.

Aktibong nakibahagi sa sesyon ang ating mga kagawad:
Kag. Lloyd Gonzaga, Kag. Noel Masigla, Kag. Clarisse Labez, Kag. Elisa Gumarang, Kag. Tomas Gallanosa, Kag. Joel Mauhay, at Kag. Louisa Azarcon at si Kagawad Jhun Jhun Mitra.

Sa bawat sesyon, pinagtitibay ng ating pamunuan ang mga plano at hakbang upang higit pang mapalakas ang mga serbisyong inilalapit sa mamamayan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, dedikasyon, at tapat na paglilingkod, patuloy nating isinusulong ang patuloy na pag-unlad ng Barangay San Isidro.

Sama-sama sa layunin, sama-sama sa serbisyo, sama-sama para sa mas maunlad na Barangay San Isidro.

Pinangunahan ng ating Kapitan Jose Eric D. Ching, kasama ang mga kagawad ng Sangguniang Barangay, ang pagkakaloob ng hal...
01/06/2026

Pinangunahan ng ating Kapitan Jose Eric D. Ching, kasama ang mga kagawad ng Sangguniang Barangay, ang pagkakaloob ng halagang ₱48,750.00 bilang abuloy para kay Gng. Analyn Valdez, asawa ng yumaong si Renato Valdez, na nagsilbi bilang Barangay Tanod at empleyado ng ating barangay.

Ang nasabing halaga ay nagmula sa boluntaryong ambag at malasakit ng mga kapwa empleyado bilang pakikiisa at pakikiramay sa naiwang pamilya ni G. Valdez sa kanilang panahon ng pagdadalamhati.

Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito, naipakita ng bawat kawani ng barangay ang diwa ng pagtutulungan at pagmamalasakit sa kapwa. Nawa’y magsilbing munting ginhawa at tulong ang handog na ito para sa pamilya ng ating yumaong kasamahan.

Sa unang Lunes ng buwan ng Hunyo, pinangunahan ng ating Punong Barangay Jose Eric D. Ching, kasama ang mga kagawad ng Sa...
01/06/2026

Sa unang Lunes ng buwan ng Hunyo, pinangunahan ng ating Punong Barangay Jose Eric D. Ching, kasama ang mga kagawad ng Sangguniang Barangay, SK Chairperson Joanne Apao, mga SK Kagawad, at mga kawani ng Barangay San Isidro, ang isinagawang Flag Raising Ceremony ngayong araw sa Sitio Tanag Covered Court, Barangay San Isidro.

Ang gawaing ito ay sumisimbolo ng ating pagkakaisa, disiplina, at patuloy na dedikasyon sa paglilingkod para sa kapakanan ng bawat mamamayan ng ating barangay. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang mapalakas ang ating pagtutulungan at malasakit sa komunidad sa pagsisimula ng panibagong buwan.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang tapat at mahusay na paglilingkod para sa mas maunlad na Barangay San Isidro.

📢 𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢Alinsunod sa bisa ng Executive Order No. 25 ng Pamahalaang Bayan ng Montalban, muling ipatutupad ang 𝗙𝗜...
29/05/2026

📢 𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢

Alinsunod sa bisa ng Executive Order No. 25 ng Pamahalaang Bayan ng Montalban, muling ipatutupad ang 𝗙𝗜𝗩𝗘-𝗗𝗔𝗬 𝗪𝗢𝗥𝗞 𝗪𝗘𝗘𝗞 sa lahat ng opisina ng Pamahalaang Barangay ng San Isidro simula 𝗛𝘂𝗻𝘆𝗼 𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲.

🗓️ 𝗦𝗰𝗵𝗲𝗱𝘂𝗹𝗲 𝗻𝗴 𝗢𝗽𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮:
𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀 – 𝗕𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM

Inaabisuhan po ang lahat ng ating mga kabarangay upang magabayan sa pagpunta at pagproseso ng kanilang mga transaksyon sa ating tanggapan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at pag-unawa.

Naging abala kahapon ang  Tanggapan ng Punong Barangay sa pangunguna ni Kapitan Jose Eric D. Ching sa iba't ibang mahaha...
29/05/2026

Naging abala kahapon ang Tanggapan ng Punong Barangay sa pangunguna ni Kapitan Jose Eric D. Ching sa iba't ibang mahahalagang gawain para sa kapakanan ng ating mga kabarangay.

Isinagawa ang Oath Taking Ceremony ng Sitio Balagbag Taas Farmers Association Incorporated, bilang pagkilala sa kanilang bagong pamunuan at patuloy na pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa ating komunidad.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng pulong at talakayan kasama sina Alvarico Illuminado, Rodrigo Macahilos, at Erwin Nocete hinggil sa mga usapin at concerns ukol sa plaka ng mga padyak, upang matiyak ang maayos na koordinasyon at pagsunod sa mga umiiral na patakaran.

Nagkaroon din ng meeting kasama ang Saldanha Holdings Corporation para sa mga usaping may kaugnayan sa mga programang makatutulong sa pag-unlad ng ating barangay.

Samantala, nagbigay-galang at bumisita rin sa tanggapan ang ating mga kapulisan bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan at pagpapatibay ng kapayapaan at kaayusan sa Barangay San Isidro.

Patuloy ang ating pamahalaang barangay sa pagbibigay ng serbisyo at pakikipagtulungan sa iba't ibang sektor upang maisulong ang patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.

BARANGAY AT KALINISAN DAYAlinsunod sa DILG MC No. 2023-133 at DILG MC No. 2024-001Mayo 28, 2026Main Thoroughfares ng MMD...
28/05/2026

BARANGAY AT KALINISAN DAY
Alinsunod sa DILG MC No. 2023-133 at DILG MC No. 2024-001
Mayo 28, 2026
Main Thoroughfares ng MMDA TOWER SAGUINGAN

Sa direktiba ni Punong Barangay Jose Eric D. Ching at ng Sangguniang Barangay, matagumpay na isinagawa ang Barangay at Kalinisan Day bilang bahagi ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas Program ng ating Pamahalaang Nasyunal.

Ang makabuluhang gawaing ito ay naisagawa sa pamamagitan ng BENRO, Clean and Green Unit, MRF/GSK Unit.

🤝 Sama-sama tayong kumikilos para sa mas malinis, mas maayos, at mas maunlad na komunidad!











Address

Sitio Tanag, San Isidro
Rodriguez
1860

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Isidro Montalban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share