Montalban - Municipal Engineering Office

Montalban - Municipal Engineering Office Official page of Engineering Office - Municipality of Rodriguez Rizal

PUBLIC ANNOUNCEMENT | 4-DAY COMPRESSED WORKWEEK IN THE CITY GOVERNMENT OF MONTALBAN Notified to the public in accordance...
12/03/2026

PUBLIC ANNOUNCEMENT | 4-DAY COMPRESSED WORKWEEK IN THE CITY GOVERNMENT OF MONTALBAN

Notified to the public in accordance with Executive Order No. 16, s. 2026 by Major General Ronnie S. Evangelista (Ret.), 4-day Compressed Workweek will be implemented in all offices of the Municipal Government of Montalban, starting March 16, 2026.
Municipal Government offices will be open from Monday to Thursday, 7:00 A.M. to 6:00 P.M., while the operations of offices related to health emergency, public safety and security, and other indispensable and emergency services will continue to ensure continuous delivery of public services.

COMPLETED INSTALLATION OF SOLAR STREET LIGHTS | PANDAYAN, BRGY. BALITEMas ligtas, mas maliwanag, at mas sustainable na k...
27/11/2025

COMPLETED INSTALLATION OF SOLAR STREET LIGHTS | PANDAYAN, BRGY. BALITE

Mas ligtas, mas maliwanag, at mas sustainable na komunidad para sa bawat Montalbeño!

Natapos na ang installation ng solar street lights sa Pandayan, Brgy. Balite na bahagi ng programa ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), sa pamamagitan ng Municipal Engineering Office, upang mapalakas ang street lighting gamit ang renewable energy systems.

Layon ng proyektong ito na maghatid ng maaasahan, energy-efficient, at environment-friendly na ilaw sa mga pangunahing daan at komunidad. Patuloy din ang pag-install ng solar street lights sa iba pang barangay, kabilang ang mga pangunahing kalsada at residential areas, bilang bahagi ng strategic infrastructure plan para sa isang ligtas, maayos, at sustainable na public lighting system sa buong bayan.

Pinagbubuklod ang lakas ng bawat Montalbeño para sa isang mas maliwanag at mas progresibong bayan!

DRAINAGE REHABILITATION, D**E STREET | BRGY. BALITEPagsusulong ng mas ligtas, episyente, at matibay na imprastruktura pa...
27/11/2025

DRAINAGE REHABILITATION, D**E STREET | BRGY. BALITE

Pagsusulong ng mas ligtas, episyente, at matibay na imprastruktura para sa bawat Montalbeñong komunidad!

Nagsagawa ng inspection ang Municipal Engineering Office, sa pangunguna ni Municipal Engineer Norvin C. Cuerpo, sa nagpapatuloy na drainage rehabilitation sa D**e Street, Brgy. Balite, alinsunod sa direktiba at buong suporta ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.).

Bahagi ang proyektong ito ng sistematikong Drainage Rehabilitation Project na naglalayong mapabuti ang daloy ng tubig-ulan, maiwasan ang pagbaha, at matiyak ang matatag na drainage system para sa pangmatagalang urban development ng Barangay Balite.

Inaasahan na ang proyekto ay magdudulot ng mas ligtas na kapaligiran, mas maayos na daloy ng trapiko, at mas komportableng pamumuhay para sa mga residente.

Pagkaisahin natin ang lakas para sa mas maunlad, matatag, at handang Montalban!

LANDSLIDE CLEARING & INITIAL SLOPE ASSESSMENT | BRGY. PURAYPagtitiyak ng ligtas at accessible na mga kalsada para sa baw...
27/11/2025

LANDSLIDE CLEARING & INITIAL SLOPE ASSESSMENT | BRGY. PURAY

Pagtitiyak ng ligtas at accessible na mga kalsada para sa bawat Montalbeño!

Isinagawa ng Municipal Engineering Office ang landslide clearing at initial slope assessment sa Brgy. Puray upang matugunan ang biglaang pagguho ng lupa na nagdulot ng sagabal sa daanan.

Bahagi ang operasyong ito ng patuloy na aksyon ng Engineering Office, mula sa direktiba ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), upang mapanatiling ligtas, maayos, at handa ang ating mga lansangan, lalo na sa panahon ng sakuna at pabagu-bagong kondisyon ng panahon.

Magkaisa para sa isang mas ligtas at matatag na Montalban!

INSPECTION UPDATE | RENOVATION OF BAHAY ARUGA, BRGY. SAN ISIDROIpinapanatili natin ang paglikha ng ligtas, sumusunod sa ...
26/11/2025

INSPECTION UPDATE | RENOVATION OF BAHAY ARUGA, BRGY. SAN ISIDRO
Ipinapanatili natin ang paglikha ng ligtas, sumusunod sa pamantayan, at maaasahang pasilidad para sa komunidad!
Sa direktiba at patuloy na suporta ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), nagsagawa ang Municipal Engineering Office, na pinangangasiwaan ni Municipal Engineer Norvin C. Cuerpo, ng inspeksyon sa kasalukuyang renovation at repair ng Bahay Aruga sa Sitio Tanag, Brgy. San Isidro.
Mahalaga ang inspeksyong ito upang matiyak na maayos ang pag-usad ng proyekto, nasusunod ang itinakdang pamantayan sa konstruksiyon, at ligtas ang bawat bahagi ng pasilidad habang isinasagawa ang trabaho.
Nagsisilbing pansamantalang tahanan ang Bahay Aruga na nagbibigay ng proteksyon, suporta, at pangunahing serbisyo sa mga kababaihan, kabataan, at indibidwal na nangangailangan ng agarang tulong at ligtas na masisilungan—kaya’t mahalagang tiyakin na ang pasilidad ay nasa maayos at de-kalidad na kondisyon.
Tiyakin natin ang mas ligtas, mas maayos, at mas makataong pasilidad para sa mga Montalbeñong nangangailangan ng kalinga at proteksyon.

INSPECTION SA HALFWAY HOUSE Sama-sama nating tiyakin na ang bawat Montalbeño ay may ligtas na mapupuntahan at maaasahang...
21/11/2025

INSPECTION SA HALFWAY HOUSE

Sama-sama nating tiyakin na ang bawat Montalbeño ay may ligtas na mapupuntahan at maaasahang suporta sa oras ng pangangailangan.

Sa paglilingkod ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), nagsagawa ng inspection ang Pamahalaang Lokal ng Montalban, sa pamamagitan ng Municipal Engineering Office, kasama ang Municipal Planning and Development Office (MPDO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at Municipal Gender and Development Office (MGADO) sa Halfway House sa Sub-Urban, Brgy. San Jose. Layunin ng inspeksyong ito na masig**ong maayos, ligtas, at handang gamitin ng mga Montalbeño ang pasilidad.

Magsisilbing pansamantalang tirahan ang Halfway House para sa mga kababaihang naabuso at iba pang nangangailangan ng agarang proteksyon. Kung saan, dito rin isasagawa ang iba pang kaugnay na serbisyo tulad ng psychosocial support, gender and development services, social welfare assistance, skills training, safety support, community reintegration programs, at iba’t ibang information at educational campaigns.

Naglalayon din ang pasilidad na maging ligtas, inklusibo, at maaasahang espasyo para sa mga indibidwal at pamilyang humaharap sa krisis—isang hakbang tungo sa paghilom, pagbangon, at muling pag-asa. Ipagpatuloy natin ang pakikiisa sa mga programang nagtataguyod ng proteksyon, suporta, at kapakanan ng bawat Montalbeño.

BUILDING INSPECTION AT ASSESSMENT | SAN ISIDRO NATIONAL HIGH SCHOOL, MASCAP NATIONAL HIGH SCHOOL, AT BJMPMas ligtas na p...
20/11/2025

BUILDING INSPECTION AT ASSESSMENT | SAN ISIDRO NATIONAL HIGH SCHOOL, MASCAP NATIONAL HIGH SCHOOL, AT BJMP

Mas ligtas na paaralan, mas handang komunidad—yan ang isinusulong ng Pamahalaang Lokal ng Montalban.

Kaugnay nito, nagsagawa ang Municipal Engineering Office, na pinamumunuan ni Municipal Engineer Norvin C. Cuerpo, ng komprehensibong building inspection at assessment sa San Isidro National High School, Mascap National High School, at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang masig**o ang kaligtasan, katatagan, at kahandaan ng kanilang mga pasilidad. Sinuri ang kasalukuyang kondisyon ng mga gusali upang matukoy ang kinakailangang aksyon at improvement para sa kapakanan ng mga estudyante, g**o, kawani, at personnel.

Sa direktiba ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), ipagpapatuloy ng Pamahalaang Lokal ang serye ng inspeksyon sa iba pang government facilities at public schools bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ating pampublikong imprastruktura.

Makiisa sa ating layunin para sa isang mas ligtas, matatag, at handang Montalban—supportahan at sundan ang mga programang pang-imprastruktura ng ating Lokal na Pamahalaan!

SOLAR LIGHTS INSPECTION | HINAYON COMPOUND AT LEAL/TORRES COMPOUND, BRGY. MANGGAHANMas maliwanag na kalsada, mas ligtas ...
20/11/2025

SOLAR LIGHTS INSPECTION | HINAYON COMPOUND AT LEAL/TORRES COMPOUND, BRGY. MANGGAHAN

Mas maliwanag na kalsada, mas ligtas na komunidad—tuloy-tuloy ang ilaw para sa Montalban!

Kaya naman, nagsagawa ang Municipal Engineering Office, na pinangangasiwaan ni Municipal Engineer Norvin C. Cuerpo, ng solar lights inspection para sa on-going installation sa Hinayon Compound at Leal/Torres Compound sa Brgy. Manggahan. Bahagi ito ng patuloy na programa ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.) upang palakasin ang ilaw, seguridad, at kaligtasan sa ating mga komunidad.

Kasabay nito, nagpapatuloy rin ang installation ng street lights sa iba’t ibang barangay bilang bahagi ng mas malawak na inisyatibo para matiyak na ang bawat lugar sa Montalban ay sapat ang ilaw, mas ligtas, at mas maaliwalas para sa publiko.

Suportahan ang mga proyektong nagbibigay-liwanag at nagdadala ng mas ligtas na kinabukasan—tuloy-tuloy ang asenso ng Montalban!

DIALOGUE & CONSULTATION | MONTALBAN HEIGHTS, BRGY. SAN JOSEMaayos na kalsada, mas ligtas na komunidad—magkatuwang itong ...
20/11/2025

DIALOGUE & CONSULTATION | MONTALBAN HEIGHTS, BRGY. SAN JOSE

Maayos na kalsada, mas ligtas na komunidad—magkatuwang itong inaabot kapag sama-sama ang LGU at mamamayan.

Nakibahagi ang Municipal Engineering Office, sa pangangasiwa ni Municipal Engineer Norvin S. Cuerpo, sa isang dialogue at consultation kasama si Kap Glenn Evangelista (Chairperson, Brgy. San Jose) at ang mga residente ng Montalban Heights, Brgy. San Jose upang talakayin ang implementasyon ng Road Clearing Operation sa kanilang komunidad.

Tinalakay ang mga kinakailangang hakbang para matugunan ang mga obstruksiyon sa kalsada, mapanatili ang maayos na daloy ng sasakyan at pedestrian, at masig**o ang pagsunod sa mga regulasyong pangkaayusan. Nagkaroon din ng konsultasyon upang mabigyan ang mga residente ng malinaw na impormasyon at suporta sa mga ipatutupad na pagbabago.

Sa direktiba ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), patuloy ang pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal sa bawat barangay upang maisulong ang ligtas, organisado, at disiplinadong komunidad para sa lahat ng Montalbeño.

Makiisa sa mga programang nagtataguyod ng kaayusan—sama-sama nating gawing mas maayos, mas ligtas, at mas organisado ang Montalban!

REHABILITASYON NG ROUGH ROAD | SITIO SAPA, BRGY. SAN RAFAEL Mas maayos na daan, mas mabilis na pag-usad—tuloy-tuloy ang ...
20/11/2025

REHABILITASYON NG ROUGH ROAD | SITIO SAPA, BRGY. SAN RAFAEL

Mas maayos na daan, mas mabilis na pag-usad—tuloy-tuloy ang aksyon para sa Montalban!

Sa direktiba ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), patuloy na isinasagawa ng Pamahalaang Lokal ng Montalban ang mga hakbang para mapaunlad ang ating imprastruktura. Bilang bahagi ng mas malawak na road development program, layon nitong pagandahin at palakasin ang mga pangunahing daanan sa iba’t ibang barangay.

Kaugnay nito, nagsagawa ang Municipal Engineering Office, na pinamumunuan ni Municipal Engineer Norvin C. Cuerpo, ng rehabilitasyon ng rough road sa Sitio Sapa, Brgy. San Rafael upang masig**o ang mas ligtas at mas accessible na biyahe para sa mga residente ng naturang lugar.

Suportahan ang mga proyektong nagbubukas ng mas maayos na daan tungo sa mas maunlad at mas ligtas na Montalban!

BUILDING ASSESSMENT | CATMON ELEMENTARY SCHOOLKaligtasan muna—para sa bawat batang Montalbeño.Upang maiwasan ang anumang...
20/11/2025

BUILDING ASSESSMENT | CATMON ELEMENTARY SCHOOL

Kaligtasan muna—para sa bawat batang Montalbeño.

Upang maiwasan ang anumang structural issues na maaaring makaapekto sa operasyon ng paaralan at kaligtasan ng komunidad, nagsagawa ang Municipal Engineering Office, sa pamumuno ni Municipal Engineer Norvin C. Cuerpo, ng comprehensive building assessment sa Catmon Elementary School.

Sa pagsusuring ito, tinutukan ang structural integrity at kabuuang kondisyon ng mga pasilidad upang matiyak na ang mga gusali ay ligtas, matatag, at handang gamitin ng mga mag-aaral, g**o, at kawani.

Sa paglilingkod ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Lokal ng Montalban ang mga inisyatiba para sa mas ligtas na pasilidad at mas maaasahang imprastruktura sa ating bayan.

Makiisa sa adbokasiyang nagtataguyod ng ligtas na paaralan—kaligtasan ng kabataan, katuwang natin ang buong komunidad!

Address

Rodriguez Municipal Building. J. P. Rizal Avenue Balite
Rodriguez
1860

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Montalban - Municipal Engineering Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Montalban - Municipal Engineering Office:

Share