Sangguniang Barangay ng Geronimo

Directions

Sangguniang Barangay ng Geronimo Kapitan Norman “Bong” Tabugan

🇵🇭 BARANGAY ASSEMBLY DAY | 2ND SEMESTER – CY 2026 🇵🇭Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang Barangay Assembly Day ng Ba...
24/10/2026

🇵🇭 BARANGAY ASSEMBLY DAY | 2ND SEMESTER – CY 2026 🇵🇭

Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang Barangay Assembly Day ng Barangay Geronimo na naglalayong palakasin ang ugnayan ng pamahalaang barangay at ng mga mamamayan sa pamamagitan ng makabuluhang talakayan, pagbabahagi ng impormasyon, at sama-samang pagkilos para sa ikauunlad ng komunidad. 🤝❤️

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa gawaing ito. Ang inyong suporta at aktibong pakikilahok ay mahalaga sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay.

Sama-sama para sa isang mas maunlad, nagkakaisa, at matatag na Barangay Geronimo! 💚



🌎💙 UNITED NATIONS CELEBRATION 2026 | BARANGAY GERONIMO CHILD DEVELOPMENT CENTER 💙🌎“One World, One People: United for Pea...
23/10/2026

🌎💙 UNITED NATIONS CELEBRATION 2026 | BARANGAY GERONIMO CHILD DEVELOPMENT CENTER 💙🌎

“One World, One People: United for Peace, Culture, and a Sustainable Future.” 🤝

Ipinagdiriwang natin ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura at tradisyon. Sama-sama nating ituro sa ating mga munting mag-aaral ang kahalagahan ng kapayapaan, respeto, at pagmamahalan. 🌍❤️

One World, One People, One Future! ✨


📢 PAANYAYA SA LAHAT NG MGA RESIDENTE NG BARANGAY GERONIMO!Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga residente na makiisa at...
20/10/2026

📢 PAANYAYA SA LAHAT NG MGA RESIDENTE NG BARANGAY GERONIMO!

Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga residente na makiisa at dumalo sa BARANGAY ASSEMBLY DAY – 2nd Semester, CY 2026 na gaganapin sa darating na Oktubre 24, 2026 (Sabado), ganap na ika-10:30 ng umaga sa Silangan Village Covered Court, Barangay Geronimo, Rodriguez, Rizal.

🗣️ “Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad.”

Ito po ay mahalagang pagkakataon upang mapakinggan ang inyong mga saloobin, mungkahi at hinaing, gayundin ang pagbabahagi ng mga programa, proyekto at mahahalagang impormasyon para sa ikauunlad ng ating barangay.

🤝 Ang inyong pakikiisa at pakikilahok ay mahalaga! Sama-sama po nating itaguyod ang isang mas maunlad, maayos at nagkakaisang Barangay Geronimo.

📍 Kita-kits po tayo, mga kabarangay! Hinihintay po namin ang inyong pagdalo.




MARAMING SALAMAT PO, MAYOR RONNIE EVANGELISTA! 🙏❤️Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa agarang pagtugon sa aming kahili...
20/10/2026

MARAMING SALAMAT PO, MAYOR RONNIE EVANGELISTA! 🙏❤️

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa agarang pagtugon sa aming kahilingan para sa declogging sa P. Alejandro, upang masimulan na ang pag-aasphalt ng ating kalsada.

Malaking tulong po ito para magkaroon tayo ng mas maayos, ligtas, at magandang daanan para sa ating mga residente. Umaasa po tayo na sa pamamagitan nito ay tuluyan nang mabawasan ang problema sa lubak-lubak na kalsada at maging mas komportable ang paglalakbay ng bawat isa.

Maraming salamat po sa pakikinig at pagtugon sa pangangailangan ng aming komunidad. Patuloy po tayong magkaisa para sa ikauunlad at ikagaganda ng ating barangay! 🤝❤️

🇵🇭 FLAG RAISING CEREMONY | BARANGAY GERONIMO 🇵🇭Isinagawa ngayong umaga, alas-8:00, ang lingguhang Flag Raising Ceremony ...
12/10/2026

🇵🇭 FLAG RAISING CEREMONY | BARANGAY GERONIMO 🇵🇭

Isinagawa ngayong umaga, alas-8:00, ang lingguhang Flag Raising Ceremony ng Barangay Geronimo, sa pangunguna ng ating mga opisyal ng barangay.

Ang gawaing ito ay sumasalamin sa ating pagmamahal sa bayan, paggalang sa pambansang watawat, at pagkakaisa sa patuloy na paglilingkod sa ating komunidad. 🇵🇭

Sa bawat pagtataas ng watawat, pinagtitibay natin ang ating paninindigan para sa tapat na serbisyo, disiplina, at pagkakaisa tungo sa mas maunlad na Barangay Geronimo. ❤️💙💛

Mabuhay ang Barangay Geronimo! Mabuhay ang Pilipinas!

🇵🇭 NATIONAL SCHOOL SAFETY WEEK 2026 | BARANGAY GERONIMO 🏫Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National School Safety Week ...
12/10/2026

🇵🇭 NATIONAL SCHOOL SAFETY WEEK 2026 | BARANGAY GERONIMO 🏫

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National School Safety Week (October 12–16, 2026), dumalo sina Punong Barangay Norman O. Tabugan at Kagawad Abegail C. Manuel, Committee on Education, ng Barangay Geronimo, sa Flag Raising Ceremony na ginanap ngayong Lunes, alas-7:30 ng umaga, sa Gen. Licerio Geronimo Memorial National High School.

Alinsunod sa panawagan ng Department of Education (DepEd), binibigyang-diin ng gawaing ito ang kahalagahan ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng paaralan, barangay, mga magulang, at iba pang sektor sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, inklusibo, at protektadong kapaligiran para sa bawat mag-aaral.

Patuloy na nakikiisa ang Barangay Geronimo sa mga programang naglalayong pangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kabataan, gayundin ang pagsusulong ng isang ligtas na paaralan at mas magandang kinabukasan para sa lahat. 🤝❤️

Ligtas na Paaralan, Ligtas na Kabataan, Ligtas na Kinabukasan! 🇵🇭

05/10/2026

📢 ANNOUNCEMENT – MGA BAGONG 4Ps MEMBERS NG BARANGAY GERONIMO
CONGRATULATION GANAP NA KAYONG BAGONG MIYEMBRO NG 4PS DSWD

Magandang araw po! 😊

Sa mga sumusunod na bagong 4Ps Members ng Barangay Geronimo kayo po ay inaanyayahang pumunta sa 4Ps DSWD Office para sa orientation at kinakailangang proseso.

1. Sharmaine N.Sabron
2. Joemarie B.Torres
3. Shiela V.Dequilla
4.Maryjane R.Paje
5.Lociano P.Molejon

📅 Petsa: October 12, 2026
⏰ Oras: 10:00 AM

📍 Lugar: 4Ps DSWD Office
Litex Village, Opel St., OSCA Building
📌 Katabi ng Litex Senior High School

📄 Dalhin po ang:
✅ Xerox copy ng Birth Certificate
Ballpen
Notebook

Paalala po na pumunta sa tamang oras.

Maraming salamat po! 💚

4Ps DSWD – Montalban
Sangguniang Barangay ng Geronimo

ABISO PUBLIKO | REAL PROPERTY TAX (RPT)Sa mga Montalbeñong nais magbayad nang maaga, tumatanggap na ang Municipal Treasu...
05/10/2026

ABISO PUBLIKO | REAL PROPERTY TAX (RPT)

Sa mga Montalbeñong nais magbayad nang maaga, tumatanggap na ang Municipal Treasurer’s Office ng advance payment para sa 2027 Real Property Tax (RPT) o amilyar.

May 20% discount para sa advance payment, para sa updated RPT lamang. Magbayad nang maaga upang makaiwas sa abala at maayos na mapaghandaan ang inyong obligasyon.


🇵🇭 FLAG RAISING CEREMONY | BARANGAY GERONIMO 🇵🇭LUNES | FLAG RAISING CEREMONYBilang bahagi ng ating lingguhang gawain, mu...
05/10/2026

🇵🇭 FLAG RAISING CEREMONY | BARANGAY GERONIMO 🇵🇭

LUNES | FLAG RAISING CEREMONY

Bilang bahagi ng ating lingguhang gawain, muling nagsama-sama ang mga opisyal at kawani ng Barangay Geronimo para sa ating Flag Raising Ceremony tuwing araw ng Lunes. 🇵🇭

Ang seremonyang ito ay simbolo ng ating pagmamahal sa bayan, paggalang sa ating watawat, at panibagong simula ng linggong puno ng serbisyo, pagkakaisa, at dedikasyon para sa ating mga kabarangay. ❤️

Nawa’y patuloy tayong maging tapat, responsable, at nagkakaisa sa pagtupad ng ating mga tungkulin para sa ikauunlad ng ating barangay.

Mabuhay ang Barangay Geronimo! Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭




📢 ABISO PUBLIKO! 📢Ipinababatid po sa lahat ng mga residente, motorista, at iba pang mga dumaraan na pansamantalang isasa...
03/10/2026

📢 ABISO PUBLIKO! 📢

Ipinababatid po sa lahat ng mga residente, motorista, at iba pang mga dumaraan na pansamantalang isasara ang kalsada ng P. Alejandro, papasok at palabas, sa ilang araw ngayong buwan ng Oktubre upang bigyang-daan ang pagsasaayos at pag-aaspalto ng nasabing kalsada.

🛣️ ALTERNATIBONG RUTA

Ang mga residenteng naninirahan sa Lolo Tinong, Victoria Compound, at mga karatig-sitio ay maaaring dumaan sa sumusunod na alternatibong ruta:

Silangan Village – Greenrose 1 Subdivision – A. Tolentino Street – Col. S. Cruz hanggang makarating sa main road, at gayundin sa pabalik na ruta (vice versa).

Pinapayuhan po ang lahat na planuhin ang biyahe, sundin ang mga itinakdang alternatibong ruta, at mag-ingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang abala at matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pasensya, at pakikiisa habang isinasagawa ang nasabing proyekto para sa ikabubuti ng ating komunidad. 🙏

MARAMING SALAMAT PO!
— Barangay Geronimo

Address

BARANGAY GERONIMO
Rodriguez
1860

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Geronimo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share