15/12/2025
MONTALBAN INFIRMARY YEAR END ASSESSMENTπ
Naging masaya at makabuluhan ang paglalatag ng bawat departamento ng Montalban Infirmary ng kani-kanilang mga concerns at initiatives na layong higit pang mapabuti at mapabilis ang paghahatid ng dekalidad na serbisyo sa publiko. Hinihikayat ang lahat na patuloy na magkaisa at magtulungan upang mas mapahusay ang mga programa at serbisyo para sa kapakanan ng ating komunidad.
Lubos po ang aming pasasalamat sa ating mga doktor at sa buong kawani ng Montalban Infirmary, lalo na sa ating OIC Milagros Adriano at Medical Director Felix A. Serrano Jr., sa kanilang patuloy na suporta at dedikasyon sa mga programang inilaan para sa kapakanan ng publiko.
Gayundin, taos-puso po naming pinasasalamatan ang ating butihing Mayor Ronnie S. Evangelista sa kanyang walang sawang paggabay at suporta sa mga adhikaing pangkalusugan ng ating komunidad.