14/04/2026
TUNGHAYAN I Bukas ay muling sisibol ang diwa ng husay, dedikasyon, at pagkakaisa sa LTIA (Lupong Tagapamayapa Incentives Awards) Regional Assessment, para sa Antas ng 4th Class Category, kung saan ang Lalawigan ng Laguna ay buong dangal na kakatawanin ng Barangay Talaga Rizal, Laguna mula sa Municipal Government of Rizal, Laguna.
Ito ay hindi lamang pagtatanghal ng galing, kundi isang buhay na patunay ng ating malasakit, katatagan, at matibay na paninindigan sa makatao, maayos, at epektibong Katarungang Pambarangay.
Baon natin ang ating panata at inspirasyon:
“Makataong Katarungan: Daan tungo sa Bukal ng Pagkakaisa.”
Kapit-kamay, Barangay Talaga, Bayan ng Rizal.
Para sa kapayapaan. Para sa pagkakaisa. Para sa Laguna.