24/08/2026
Patuloy na Paglilingkod at Suporta sa Komunidad
Ipinagkaloob ni Hon. Vice Mayor Ronald R. Echalar ang kahilingan ng isang samahan sa Barangay Babablag East, Rizal, Kalinga sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga upuan para sa kanilang paggamit.
Nagbigay rin ang Bise Alkalde ng tulong pinansyal sa isang mag-aaral mula sa Barangay Santor, Rizal, Kalinga upang makatulong sa kanyang pag-aaral.
Ang mga simpleng tulong na ito ay nagpapakita ng patuloy na malasakit, suporta, at pagtugon ni Hon. Vice Mayor Ronald R. Echalar sa pangangailangan ng mga mamamayan ng Rizal, Kalinga.