17/09/2026
BARANGAY POBLACION NORTE
Rizal, Nueva Ecija
ISANG TAOS-PUSONG PASASALAMAT
Para sa
Kagalang-galang na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Malacaรฑang Palace, Maynila
Kami po sa pamunuan ng Barangay Poblacion Norte, Rizal, Nueva Ecija, sa pangunguna ng Punong Barangay Edmundo T. Medrano at Sangguniang Kabataan Chairperson Jan Noel S. Balunes ay buong puso at may lubos na paggalang na nagpapaabot ng aming taos-pusong pasasalamat sa inyong programang BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG SCHOLARSHIP PROGRAM.
Ikinagagalak po naming ibalita na ang tulong pinansyal mula sa inyong programa ay matagumpay na po naming naipamahagi sa limang (5) mag-aaral na nasa ika-apat na taon ng kolehiyo (4th Year Graduating Students) ng aming barangay.
Ang bawat isa po sa kanila ay nakatanggap ng halagang Php 20,000.00 na kanilang magagamit para sa kanilang gastusin sa pag-aaral, thesis, at nalalapit na pagtatapos.
Ang mga benepisyaryo ng programang ito ay sina:
1. MERNEL A TILA-ON
4th Year / BSBA- HRM
Nueva Ecija University of Science and
Technology
2. GODSENT EHLIEL S. BERNABE
4th Year / BSA -AGEX
Central Luzon State University
3. CATHYRENE T. TAMAYO
4th Year /BSED
Core Gateway College, Inc.
4. AARON JACOB B . SANTIAGO
4th Year /BSA - ANSCI - RMNT
Central Luzon State University
5. ERNALYN V. JIMENEZ
4th Year/ BSCRIM
Nueva Ecija University of Science and
Technology
Malaking ginhawa at pag-asa po ang maidudulot nito hindi lamang sa mga estudyante, kundi pati na rin sa kanilang mga magulang. Dahil po sa inyo, mas naipadadama ninyo na sa Bagong Pilipinas, tunay na walang barangay ang maiiwan at bawat kabataan ay may pagkakataong maabot ang kanyang pangarap. Isang motibasyon para sa Kabataan na ipagpatuloy ang pangarap kahit nasa gitna ng kahirapan, patunay lamang na may gobyernong masasandigan.
Muli, mula sa puso ng Barangay Poblacion Norte, maraming, maraming salamat po, Mahal na Pangulo!
Mabuhay po kayo at mabuhay ang Bagong Pilipinas!
Taos-pusong nagpapasalamat,
EDMUNDO T. MEDRANO
Punong Barangay
JAN NOEL S. BALUNES
SK Chairman
Kasama ang buong Sangguniang Barangay at mamamayan ng Barangay Poblacion Norte, Rizal, Nueva Ecija
Petsa: Setyembre 17, 2026
#๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐ ๐ฎ๐๐ฃ๐๐๐ผ