9th Infantry Battalion

9th Infantry Battalion Official page of the 9th Infantry (SANDIGAN) Battalion, 9th Infantry (SPEAR) Division, PA Programs and Services of 9th Infantry (SANDIGAN) Battalion

Mahigit 100 na batang Manide (IP) benepisyaryo sa isinagawang Community Outreach Program, at Brgy. Calero nakatangap ng ...
07/12/2022

Mahigit 100 na batang Manide (IP) benepisyaryo sa isinagawang Community Outreach Program, at Brgy. Calero nakatangap ng mahigit 1,000 libong libro

Sta. Elena, Camarines Norte--- Mahigit 100 na mga batang Manide (Indigenous People) ang naging benepisyaryo sa isinagawang Community Outreach Program sa Brgy. Osmeña, at Barangay ng Calero nakatanggap ng mahigit 1,000 na mga librong donasyon nito lamang ika-3 ng Disyembre 2022 na sakop parehas ng Bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.

Dahil sa buong pusong dedikasyon ng KIWANIS Club of Honey Bee Philippines sa pangunguna ni Mrs. Venus Ladia, Presidente ng Organisasyon at Pamilya ni Mrs. Andrea Sagmon katuwang ang 9th Infantry (SANDIGAN) Battalion, 9th ID, Philippine Army sa pamumuno ni LTC CLETO R LELINA JR INF (GSC) PA, Punong Opisyal, na siyang nagbigay ng Transportation, Manpower at Security Assistance ay naisakatuparan ang pamamahagi ng mga libro sa Barangay Calero at Community Outreach Program na nagbigay ng ngiti at saya sa mga kapatid nating Manide sa Brgy. Osmeña sa nasabing bayan.

Sa umaga ng aktibidad sa Brgy. Osmeña ay nagsagawa ang team ng mga palaro, namigay ng mga Food Packs na naglalaman ng Spaghetti, Hotdog, Juice at Tinapay, at ng munting regalo tulad ng mga Tsinelas, Damit, Laruan at iba, bilang maagang Pamasko para sa kapatid nating mga katutubo. Ito naman ay pinasalamatan ng lubos ni Ginoong Wene Andaya, Tribal Chieftain ng nasabing tribu dahil sila ang napili bilang benepesyaryo sa nasabing aktibidad.

Samantala, bandang ala una ng hapon ay lumipat ang team sa Brgy. Calero upang doon pormal na I’turn-over ang mahigit 1000 librong donado ng pamilya ni Mrs. Venus Ladia. Nagpasalamat naman si Hon. Dexter B. Celestial, Punong Barangay kasama ang mahigit 100 na bata at mga magulang dahil malaking tulong umano ang mga libro para sa lahat ng kanyang mga kabarangay lalo na sa mga mag-aaral na kung anumang oras na kailanganin ito ay maaaring magtungo lang sa library ng mismong barangay. Isa rin sa highlight ng aktibidad ang pagbigay ng isang libreng wheelchair sa piling benepisyaryo ng nasabing barangay kasama na ang pamimigay ng school supplies at libreng lugaw.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si LTC LELINA sa tiwala na ipanagkaloob ng ating mga stakeholders na maging katuwang sa pagdaraos ng mga makabuluhang aktibidad. Ayon sa kanya, “Kami po ay hindi magsasawa na makiisa at magbigay tulong sa ganitong klaseng aktibidad na naglalayong magbigay ng saya at pag-asa sa mga bata at kapatid nating manide, lalo na po ngayong panahon ng kapaskuhan, ito ang panahon upang ipadama ang presensya, malasakit at pagmamahal sa kanila”. # # #

24/11/2022
25 na iba’t ibang Proyekto ng SBDP FY: 2021 sa ilalim ng NTF- ELCAC pormal ng pinasiyanan at na turn over sa walong bara...
24/11/2022

25 na iba’t ibang Proyekto ng SBDP FY: 2021 sa ilalim ng NTF- ELCAC pormal ng pinasiyanan at na turn over sa walong barangay sa lalawigan ng Camarines Norte

20 na bagong proyekto ng SBDP FY: 2022, sisimulan na

Sta. Elena, Camarines Norte—Pormal ng pinasiyanan at na turn over ang 25 na proyekto ng SBDP 2021 sa ilalim ng NTF-ELCAC sa walong barangay at may hudyat na para simulan ang 20 na proyekto sa kakatapos lamang na Turned-over at Groundbreaking Ceremony ng mga nasabing proyekto na isinagawa sa bayan ng Labo at Capalonga sa Lalawigan ng Camarines Norte nito lamang ika 17-18 ng Nobyembre 2022.

Nagsama-sama ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno lokal at National upang makiisa at masaksihan ang turn over at groundbreaking ceremony ng mga proyekto ng Support to Barangay Development Program 2021 at 2022 sa ilalim ng NTF-ELCAC na pinangunahan ni Mr. Rene V. Valera, OPDS Assistant Director and LEO70 PMO head ng DILG National, bilang isa sa mga panauhing pandangal at nagrepresenta kay Ginoong Benjamin de Castro Abalos Jr. na Kalihim ng DILG. Kabilang sa mga natapos na mga proyekto ng SBDP FY 2021 na ngayon ay masaya ng ginagamit ng mga CamNorteno ay ang mga sumusunod; 14 na Farm to Market road, apat (4) na health stations, solar street lights sa sentro ng Brgy. Guisican, Labo, at 6 (anim) na Water and Sanitation System sa bayan ng Labo, Capalonga at Sta. Elena ng nasabing Lalawigan na kung saan ito po ay nagkakahalaga sa kabuuang “Isang Daan Animnapung Milyong Piso” (160,000,000.00).
Samantala sa SBDP 2022 naman ay gagawin ang 14 na Farm to Market Road, Dalawang (2) School Buildings, Isang (1) Health Station at Tatlong (3) Water and Sanitation System sa Bayan ng Labo at Capalonga na nagkakahalaga sa kabuuang “Walungpung Miyong Piso” (80,000,000.00).

Labis naman ang pasasalamat ni Hon. Luz Ricasio, Punong bayan ng Capalonga, Camarines Norte, isa sa mga bayan na nakatanggap ng 2021 SBDP at benepesyaryo sa SBDP 2022, sa kanyang mensahe na ipinahayag “Ako po ay nagpapasalamat sa ating gobyerno lalong- lalo na po sa NTF-ELCAC, sa kagawaran ng DILG at Philippine Army sa pagbigay nila ng ganitong proyekto sa aking nasasakupan sana po ay magtuloy -tuloy pa ang mga ganitong proyekto.

Sa mensahe na ipinaabot ni COL EDMUNDO G PERALTA INF (MNSA) PA, 902nd Brigade Commander, sa katauhan ni LTC CLETO R LELINA JR INF (GSC) PA, Battalion Commander ng 9th Infantry (Sandigan) Battalion, ayon sa kanya “Yung isyu na pinapalabas ng mga Teroristang NPA na wala daw pong ginagawa ang ating gobyerno lalong lalo na sa mga malalayong barangay, itong activity natin ngayon ay isang patunay na hindi totoo ang kanilang sinasabi. Noong 2021 merong 25 na SBD Project sa buong Camarines Norte na tapos na at ngayon po kabilang sa ating aktibidad ngayong araw ay meron tayong 20 SBD Project naman na kailangan naming mapanatili ang seguridad upang matuloy at di maantala ng mga Teroristang NPA, ito po ay patunay na kasinungalingan yung mga sinasabi ng mga lumalaban sa gobyerno. Kung kaya kami po ay nagpasasalamat lalong- lalo na sa DILG at sa iba pang ahensiya ng gobyerno sa patuloy na pakikiisa sa laban natin sa insurhensiya. Ang mga nasabing proyekto ng NTF-ELCAC- Support to Barangay Development Program (SBDP) ay tugon ng dating Administrasyong Duterte na sya namang ipinagpapatuloy ng Administrasyong Marcos upang masolusyunan ang mga pangunahing problema sa mga liblib na barangay, maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay at naglalayong tuldukan na ang insurhensiya sa matiwasay at mapayapang pamamaraan.




23/11/2022
22/11/2022




APAT NA PROYEKTO SA ISANG BARANGAY, NAISAKATUPARAN SA TULONG NG NTF-ELCACSta Elena, Camarines Norte--- Ang hiling ng mga...
16/11/2022

APAT NA PROYEKTO SA ISANG BARANGAY, NAISAKATUPARAN SA TULONG NG NTF-ELCAC

Sta Elena, Camarines Norte--- Ang hiling ng mga residente ng Barangay Guisican, Labo, Camarines Norte na magkaroon ng konkretong kalsada at ilaw sa kanilang lugar ay ganap ng naisakatuparan sa pamamagitan ng EO. 70.

Matagumpay na naisakatuparan ang apat na magkakahiwalay na proyekto sa Barangay Guisican, Labo, Camarines Norte sa pamamagitan ng Support to Barangay Development Program (SBDP) na programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC. Ang apat na proyektong ito ay ang Opening and Construction of Local Access Road sa Purok 1, Solar Street Light sa ibat ibang parte ng nasabing barangay at dalawang Farm to Market Road sa Purok 1 papuntang Mt. Cadig cave at Brgy. Site papuntang Purok 2.

Labis naman ang pasasalamat ni Mrs. Shirley Lara, Chieftain ng Katutubong Manide ng nasabing barangay para sa paglaan ng oras ng mga kasundaluhan ng 9IB at iba’t- ibang ahensya ng Gobyerno upang malaman ang kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng Community Support Program. Ayon pa sa kanyang pahayag, “Malaki po ang pasasalamat namin sa NTF-ELCAC dahil sa tulong po sa aming mga ka tribo. Napaganda po ang daanan papunta po dito sa aming site. Dati ay nahihirapan po ang mga tulad ko na Manide pag nangunguha po kami ng mga kalakal sa bundok pagbaba sa aming barangay. Kaya malaking tulong po ang NTF-ELCAC sa aming mga Manide”.

Ipinapaabot din ng pamunuan ng 9th Infantry ‘Sandigan’ Battalion sa pamumuno ni LTC LELINA JR ang kanyang mensahe ng pasasalamat sa mga naging bahagi ng matagumpay na proyekto, “Lubos po ang aking pasasalamat sa proyekto sa ilalim ng Support to Barangay Development Program (SBDP) na programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC. Hindi po kami magsasawang magbigay ng suporta lalo na sa ganitong proyekto na nakakatulong sa ating mga kababayan lalong lalo na sa mga kapatid nating mga katutubong napapabilang sa “Manide Tribe” na talaga namang nangangailangan ng ating tulong upang makasabay sila sa ating makabagong henerasyon”.



-ELCAC
.70MamamayanAngBida

National Teacher’s Month 2022Ang lahat ng Opisyales at Kasundaluhan ng 9th Infantry (Sandigan) Battalion,  9ID,  Philipp...
01/10/2022

National Teacher’s Month 2022

Ang lahat ng Opisyales at Kasundaluhan ng 9th Infantry (Sandigan) Battalion, 9ID, Philippine Army ay nakikiisa sa pagdiriwang ng araw ng mga G**o na may temang: "G**o ng Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino"

Ating pahalagahan at bigyang pugay ang mga g**o na nagsisilbing pangalawang magulang at sa kanilang dedikasyon sa pagtuturo, paggabay at pagmamahal sa ating mga anak sa pag-abot ng kanilang minimithing pangarap.

Saludo sa lahat ng G**ong Pilipino!

As we celebrate Family Month, the 9th Infantry (SANDIGAN) Battalion conducted a seminar on Responsible Parenting attende...
15/09/2022

As we celebrate Family Month, the 9th Infantry (SANDIGAN) Battalion conducted a seminar on Responsible Parenting attended by the troops of this Unit with the goals of providing them knowledge that fosters good parenting and strong familial relationships held at Headquarters 9th Infantry (SANDIGAN) Battalion, 9th Infantry (SPEAR) Division, Philippine Army on 13 September 2022.

Be a PMA Cadet!
13/09/2022

Be a PMA Cadet!

AFPSAT Schedule in Region V (For Officer Candidate Course Applicants Only)
13/09/2022

AFPSAT Schedule in Region V (For Officer Candidate Course Applicants Only)

Address

F Simeon
Ragay

Telephone

+639484758216

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 9th Infantry Battalion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share