22/05/2026
๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ฒ ๐๐จ๐ซ ๐๐ข๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ข๐๐๐ฅ ๐๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐๐ ๐
Ang ating kalikasan ay dapat pangalagaan, dahil dito nakasalalay ang buhay natin at ng mga susunod pang mga henerasyon. Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ถ๐ผ๐น๐ผ๐ด๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, at ipinapaalala sa atin ng temang โ๐๐ฐ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น๐น๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐น๐ผ๐ฏ๐ฎ๐น ๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ฐ๐โ na ang bawat galaw natin para sa kalikasan ay may malaking tulong sa buong mundo. ๐ฑ
Ipinagmamalaki natin dito sa Lalawigan ng Quirino ang mayaman nating saribuhay at ang mga katutubong species na matatagpuan sa ating mga kagubatan at kabundukan. Ilan sa mga ito ay ang ๐๐๐ฎ๐ฏ๐ฒ๐น๐ฎ ๐ผ๐ฟ๐ถ๐ผ๐น๐ฒ, ang ๐๐ถ๐๐ฎ, ang pitcher plant na tinatawag na ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ป๐ด ng mga Ibaloi, at ang ๐๐๐๐๐ก๐๐จ๐๐ ๐๐ช๐ง๐๐ฃ๐ฉ๐๐ na makikita sa Quirino Protected Landscape (QPL). Ang mga ito ay hindi lamang simbolo ng likas na ganda ng ating lalawigan kundi mahalagang bahagi ng ating mga ecosystem na dapat protektahan. ๐ณ
Ngayon ang tamang panahon para kumilos. Magtanim ng puno, magtapon ng basura sa tamang lalagyan, umiwas sa pagsira ng kalikasan, at makiisa sa mga programang pangkapaligiran. Ilan lamang ito sa mga maaari nating gawin para makatulong tayo sa pagpapanatili ng ating saribuhay. ๐ฟ
Kailyans, sama-sama nating pangalagaan ang kalikasan ngayon para sa mas luntian, mas ligtas, at mas masaganang kinabukasan. ๐