Liga ng mga Barangay Quirino, Isabela

Liga ng mga Barangay Quirino, Isabela Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Liga ng mga Barangay Quirino, Isabela, Government Organization, Quirino, Isabela, Quirino.

28/05/2026
20/05/2026

𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔𝗗𝗢 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗰𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗹𝗲𝘃𝗲𝗹 ang panukalang 𝗠𝗮𝗴𝗻𝗮 𝗖𝗮𝗿𝘁𝗮 𝗳𝗼𝗿 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆𝘀 matapos pagtibayin ng Committee on Local Government ng House of Representatives of the Philippines ang substitute bill — hudyat ng patuloy na pag-usad ng panukalang batas para sa kapakanan, proteksyon, at benepisyo ng ating mga barangay officials at workers sa buong bansa.

Naisulong ang serye ng konsultasyon, deliberasyon, at pakikipag-ugnayan sa mga mambabatas at stakeholders upang matiyak na ang panukala ay tunay na tumutugon sa kondisyon ng mga lingkod-barangay. Pinangunahan ito ni Committee Chairman Florencio T. Miraflores at Vice Chairperson Ma. Victoria Co-Pilar, katuwang ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas sa pangunguna ni National President Jessica Dy.

Kasunod ng committee approval, inaasahang ihahain ang panukala sa plenaryo ng House of Representatives of the Philippines para sa Second Reading, kung saan tatalakayin, dedebatehan, at maaaring amyendahan ang mga probisyon ng panukala bago ito umusad sa susunod na yugto ng legislative process.


🫰🏻💙

20/05/2026

Tuloy ang November 2, alinsunod sa RA 12232

Narito ang mga schedule na dapat mong tandaan.

01/05/2026

Ngayong Araw ng Paggawa, binibigyang-pugay natin ang sipag, tiyaga, at dedikasyon ng bawat manggagawang Pilipino kasama ang ating mga barangay workers na walang sawang nagsisilbi sa kani-kanilang komunidad.

Mula sa pagpapanatili ng kaayusan, pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan, hanggang sa pagiging unang rumesponde sa oras ng sakuna, kayo ang patunay na ang lakas ng bayan ay nagmumula sa bawat barangay.

Mabuhay ang manggagawang Pilipino! 🇵🇭💪

🫰🏻💙

28/04/2026
17/04/2026

Sa pamamagitan ng LNC No. 2026-007B, naglabas ng energy conservation protocols ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas bilang suporta sa pambansang polisiya sa pagtitipid ng enerhiya at responsableng paggamit ng pondo ng gobyerno.

Mga pangunahing hakbang:
1. Pagtitipid sa kuryente sa opisina (aircon sa 24°C pataas, patayin ang ilaw at equipment kapag hindi gamit)
2. Paggamit ng natural lighting at energy-efficient devices
3. Pagpapalawak ng virtual meetings at paperless transactions
4. Paglilimita at pagsasaayos ng official travel at meetings
5. Pagsusulong ng fuel-efficient transport (route optimization, iwas idle)
6. Paggamit ng virtual/hybrid setup at lokal na venue sa Liga activities
7. Pagpapatupad ng flexible work arrangements kung maaari
8. Pagsusulong ng energy conservation awareness sa barangay level

Kasabay nito, tiniyak ng Liga na mananatiling tuloy-tuloy at hindi maaapektuhan ang serbisyo publiko habang isinasakatuparan ang mga hakbang na ito, na naiparating na rin sa lahat ng Liga chapters sa buong bansa para sa agarang implementasyon.

Para sa kabuuang detalye, narito ang link ng circular order: https://drive.google.com/file/d/1qdpyOTy3VDNDi56u30og3siIWyQlAGqW/view?usp=drivesdk

🫰🏻💙

Address

Quirino, Isabela
Quirino
3321

Telephone

+639918563642

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Liga ng mga Barangay Quirino, Isabela posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share