DSWD 4Ps Quezon

DSWD 4Ps Quezon Kami ang inyong mga lingkod sa DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa bayan ng Quezon, Palawan

Humigit 100 kabataang 4Ps beneficiaries na hindi na nag-aaral ang nakausap at inisyal na-profile ng Municipal Social Wel...
05/06/2026

Humigit 100 kabataang 4Ps beneficiaries na hindi na nag-aaral ang nakausap at inisyal na-profile ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa kanilang isinagawang Unlad Kabataan Program Orientation.

Mula sa 14 barangay ng Quezon, Palawan ang inikot ng MSWDO sa pangunguna ni Ms. Teresita B. Quezon, Social Welfare Officer II ng Child and Youth Welfare Office (CYWO) katuwang ang mga Municipal Links ng DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program Office simula pa noong May 19 hanggang June 4, 2026. Isa isang kinausap ang mga kabataang ito kasama ang iilan sa kanilang mga magulang upang malaman ang kanilang saloobin kung ano ang mga naging hamon ng kanilang paghinto sa pag-aaral at ano ang kanilang mga plano. Inalam din ang kanilang mga kakayahan upang ito ang magiging basehan ng mga trainings at programang ibibigay sa mga batang ito upang maging makabuluhan ang kanilang mga gagawin kahit na sila ay wala na sa mga eskwelahan.

Isa sa mga layunin ng program orientation na ito ay ang bumuo ng mga magiging miyembro at mga boluntaryong officers sa bawat barangay upang ma-organize ang Quezon Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP).

Ayon kay Ms. Teresita B. Quezon - "Nakikita, naririnig at ramdam namin kayong mga kabataang hindi na nag-aaral. Nais naming patuloy ang inyong pagkatuto at magkaroon pa rin ng magandang kinabukasan at makatulong sa inyong mga pamilya kahit na kayo ay huminto na sa pag-aaral sa regular na mga paaralan. Magtulungan tayo upang ang bawat isa ay magkaroon pa rin ng pag-asa".

Ang isinagawang profiling na ito ang unang hakbang ng series of activities and programs na naging bunga ng unang pagpupulong ng MSWDO at DSWD 4Ps Quezon noong April 13, 2026.

PAGTUGON SA HAMON ng mga kabataang Not Attending School (NAS) ang naging sentro ng naging pagpupulong ng Panatawid Pamil...
15/04/2026

PAGTUGON SA HAMON ng mga kabataang Not Attending School (NAS) ang naging sentro ng naging pagpupulong ng Panatawid Pamilyang Pilipino Program Municipal Operations Office (4Ps MOO) ng Quezon, Palawan at ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) ng nasabing barangay ang naganap noong April 13, 2026 sa Conference Room ng MSWDO.

Pinulong ni Ms. Teresita B. Quezon, Social Welfare Officer II ng Child and Youth Welfare Office (CYWO) sa ilalim ng MSWDO ang mga Municipal Link ng DSWD 4Ps MOO Quezon para palakasin ang partnership ng dalawang ahensya upang tugunan ang tumataas na mga kaso ng NAS. Ipinaliwanag niya na ang programa ay nakatuon sa mga kabataang may edad na 15–30 taong gulang na walang asawa, at nilayon na magbigay ng naaangkop na interventions, opportunities at mga support services at upang mapagsama ang landas ng education, livelihood at skills trainings para sa paglago ng mga kabataang ito. Dagdag pa niya, may sapat na interventions at nakalaang pondo sa ilalim ng Local Youth Development Office (LYDO) para masuportahan ang ganitong mga activities.

Inilatag din ni Ms. Rezza O. Gaite, assistant team leader ng 4Ps Quezon, ang profile ng kasalukuyang kaso ng mga NAS sa municipality lalong lalo na ang mga rason kung bakit marami ang hindi nag-aaral na mga anak ng mga beneficiaries ng programa. Dahil dito, nabuo ng dalawang ahensya ang anim (6) na mga hakbang para matugunan ang problemang ito. Ito ay ang Profiling and Rapport Building, Program Orientation, Youth Organization (PYAP Formation), Capacity Enhancement Activities, PYAP Association Day Celebration at Skills Training and Capital Assistance. Ang mga nasabing hakbang ay sisimulan na ngayong buwan ng Mayo taong kasalukuyan.

πŸ“’ 𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀: π‘π„π‡πˆπ’π“π‘π€π’π˜πŽπ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ ππ€π†πŽππ† ππ„ππ„ππˆπ’π˜π€π‘π˜πŽ 𝐍𝐆 πŸ’πsMagsisimula na ngayong March 2026 ang registration para sa mga ...
01/04/2026

πŸ“’ 𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀: π‘π„π‡πˆπ’π“π‘π€π’π˜πŽπ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ ππ€π†πŽππ† ππ„ππ„ππˆπ’π˜π€π‘π˜πŽ 𝐍𝐆 πŸ’πs

Magsisimula na ngayong March 2026 ang registration para sa mga bagong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Upang masigurong maayos, patas, at kumpleto ang proseso, ito ay hahatiin sa tatlong (3) yugto:

🟑 PHASE 1: PRE-REGISTRATION
(Paglalabas ng Listahan at Paghahanda)

βœ”οΈ Ipo-post ang opisyal na listahan ng mga piling pamilya sa inyong barangay/munisipyo
βœ”οΈ Suriin kung kasama ang inyong pangalan
βœ”οΈ Ihanda ang mga sumusunod na dokumento:
β€’ Birth Certificate ng mga bata
β€’ Valid ID ng magulang/guardian
β€’ Marriage Certificate (kung mayroon)
β€’ School ID o Certificate of Enrollment
β€’ Solo Parent ID / PWD ID (kung naaangkop)
β€’ Affidavit of Guardianship (kung kinakailangan)

πŸ“Œ Siguraduhing rehistrado sa PhilSys ang bawat miyembro ng pamilya

‼️ Kung ang pangalan nyo ay nasa listahan pero kayo ay kasalukuyan nang beneficiary o dati nang nakasali at nakapagtapos na, kayo ay kailangang pumirma ng duplication form at hindi na kasama sa Phase 2‼️

🟒 PHASE 2: REGISTRATION PROPER
(Validation at Pormal na Pagpaparehistro)

βœ”οΈ Dumalo sa itinakdang schedule at lugar
βœ”οΈ Isasagawa ang beripikasyon ng:
Miyembro ng pamilya
Edad ng mga bata (0–18 taong gulang)
Aktuwal na paninirahan
Relasyon ng magulang at anak

πŸ“Œ May One-Stop Shop para sa:
β€’ PhilSys Registration
β€’ Pagkuha ng Birth Certificate
β€’ Pag-ayos ng kulang o maling dokumento
βœ”οΈ Dumalo sa 4Ps Orientation
βœ”οΈ Basahin at pirmahan ang Oath of Commitment

πŸ”΅ PHASE 3: POST-REGISTRATION
(Pag-apruba at Abiso)

βœ”οΈ Susuriin ang inyong records
βœ”οΈ Ilalagay ang verified data sa 4Ps Information System
βœ”οΈ Magpo-proseso ng account sa Land Bank of the Philippines (LBP)
βœ”οΈ Isasama sa payroll at case management

πŸ“© Maghihintay ng opisyal na abiso bago magsimula ang pagtanggap ng benepisyo

⚠️ MAHALAGANG PAALALA

Ang pagkakasama sa CBMS ay HINDI awtomatikong pagiging 4Ps beneficiary
Kailangang kumpleto ang requirements at validation
Ang maling impormasyon ay maaaring magdulot ng disqualification

Para sa katanungan, makipag-ugnayan sa inyong City/Municipal Link o bumisita sa pinakamalapit na tanggapan ng DSWD.
Tamang impormasyon, tamang tulong β€” para sa mas maayos na kinabukasan ng bawat pamilyang Pilipino.

‼️‼️Kapag hindi naipasa ang lahat ng requirements at proseso, maaari kayong hindi maipasama sa programa kaya ang buong kooperasyon ninyo ay kinakailangan‼️‼️

source: https://www.facebook.com/share/p/18CB7mHzXY/

FEBRUARY 5 & 6, 2026 - Humigit kumulang 100 4Ps beneficiaries ang nakapag rehistro sa PhilSys sa Bgy. Tagusao, Quezon, P...
07/02/2026

FEBRUARY 5 & 6, 2026 - Humigit kumulang 100 4Ps beneficiaries ang nakapag rehistro sa PhilSys sa Bgy. Tagusao, Quezon, Palawan.

Ito ay sa kolaborasyon ng DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program Municipal Operations Office (MOO) Quezon sa pangunguna ng Team Leader na si Janine B. Alimane, mga Municipal Links ng Tagusao na sina Nor-Aimie O. TraqueΓ±a at Janice L. Quezon at ng PhilSys sa katauhan nina Gil M. Panaguiton, Registration Kit Operator at Maricar B. Alfaro, Registration Assistant.

Matagumpay na naisagawa ang pag rehistro ng mga beneficiaries na karamihan ay mga katutubo nagmula sa Sitio Cacawitan ng nasabing barangay sa pakikipagtulungan ng kanilang mga local na opisyal sa pangunguna ni Bgy. Captain Edwin B. Talagtag, SK Chairperson Royet M. Bangcaya, Bgy. Secretary Samuel R. Totesora at mga barangay kagawad na kung saan libre nilang pinagkakalooban ng barangay certification na isa sa pangunahing requirements kung wala pang birth certificate.

Ang pagpa-rehistro sa PhilSys ng mga 4Ps beneficiaries ay nagsimula nitong February 3 sa Bgy. Pinaglabanan at patuloy na isasagawa sa iba pang mga barangay ng bayan ng Quezon sa mga sumusunod na araw.

03/02/2026

‼️PAALALA‼️

PhilSys Registration (pagkuha ng National ID)

Mga dapat dalhin:

1. Original copy ng birth certificate (local or PSA) - HINDI PO TATANGGAPIN ANG PHOTOCOPY LANG

2. Original copy ng Marriage Certificate (local or PSA) - Kung i-declare mo na may-asawa, dalhin ito. Kung wala nito, huwag i-declare na may asawa (HINDI DIN TATANGGAPIN ANG PHOTOCOPY LANG)

Kung walang birth certificate, dalhin ang anuman sa mga sumusunod:

* Barangay Certificate na kumpletong nakasaad: Unang Pangalan, Gitnang Pangalan (hindi lang initial), Apelydo, birthday, lugar ng kapanganakan, pangalan ng nanay at tatay. Dikitan ng 1x1 or 2x2 ID picture

* Anumang ID na nakasaad ang mga sumusunod: Unang Pangalan, Gitnang Pangalan (hindi lang initial), Apelydo, birthday, address at pirma

Kapag 0-4 years old ang ipaparehistro, dapat may National ID na ang magulang or guardian. Kung wala, uunahin silang i-rrehistro bago ang bata. Kung TRN (kalahating papel na binibigay nung pag rehistro dati) lang hawak ng magulang o guardian, magpa-verify muna sa MCR (Municipal Civil Registrar) tuwing Lunes sa munisipyo.

Para sa inyong mga dagdag na katanungan, makipag-ugnayan sa inyong mga ML.

Kilalanin ang mga kawani ng DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng MOO (Municipal Operations Office) Quezon s...
31/01/2026

Kilalanin ang mga kawani ng DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng MOO (Municipal Operations Office) Quezon sa pangunguna ng Team Leader na si Janine B. Alimane at Assistant Team Leader Rezza O. Gaite ❀️❀️

Mga Municipal Link (ML), Social Welfare Assistants (SWA) at MRB simula Bgy. Berong hanggang Bgy. Quinlogan kasama ang mga LGU Links ❀️πŸ₯°

‼️PABATID‼️Ang PhilSys ay magkakaroon po ng mobile registration ng National ID sa mga sumusunod na barangay ng Quezon, P...
29/01/2026

‼️PABATID‼️

Ang PhilSys ay magkakaroon po ng mobile registration ng National ID sa mga sumusunod na barangay ng Quezon, Palawan:

February 3 - Pinaglabanan
February 4 - Calatagbak
February 5 & 6 - Tagusao
February 7 - Alfonso XIII
February 10-12 - Tabon
February 13 & 14 - Malatgao
February 17 & 18 - Quinlogan
February 19 & 20 - Sowangan
February 21 - Aramaywan
February 24 & 25 - Panitian
February 26 - Berong
February 27 - Maasin
March 3 - Calumpang

⌚️9:00 am - 4:00 pm

Importanteng dalhin ang mga sumusunod:

πŸ“Œ BIRTH CERTIFICATE (original copy)
πŸ“Œ KUNG WALANG birth certificate, magdala ng barangay certification na nakasaad ang birthday, pangalan ng mga magulang at san pinanganak

Paalala:

πŸ“Œ Isama ang taong irerehistro (lalong lalo na ang bata) para sa pagkuha ng kanilang larawan
πŸ“Œ Limitado lamang sa 50 ang bawat araw na i-rehistro, kaya pumunta ng maaga

Para sa iba pang katanungan o impormasyon, makipag-ugnayan po sa inyong mga ML.

29/01/2026

Ito po ang page ng DSWD 4Ps ng Quezon, Palawan. Dito po kami mag-update/announce

Address

Bgy. Alfonso XIII
Quezon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD 4Ps Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share