27/06/2026
๐๐๐๐ง๐๐ฆ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐๐๐ก: ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ-๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ผ๐ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐๐น๐น๐๐ถ๐ป๐ด
Ang paaralan ay nararapat maging isang ligtas, mapayapa, at inklusibong lugar kung saan ang bawat mag-aaral ay malayang natututo at umuunlad nang walang takot sa pananakot o pang-aapi.
Hinihikayat ng Regional Anti-Cybercrime Unit 5 (RACU5) ang mga mag-aaral na maging matapang sa pagsasalita laban sa bullying, suportahan ang mga biktima, at agad na magsumbong sa mga magulang, g**o, o kinauukulang awtoridad kapag may nasasaksihang pang-aabuso. Ang simpleng pagkilos at malasakit ng bawat isa ay malaking hakbang tungo sa pagbuo ng isang ligtas at positibong kapaligiran sa paaralan.
Tandaan: Ang tunay na lakas ay hindi nasusukat sa pananakot, kundi sa paggalang, kabutihan, at pagmamalasakit sa kapwa.
Makiisa. Magsumbong. Magmalasakit. Sama-sama nating wakasan ang bullying sa ating mga paaralan.