26/10/2026
๐ง๐๐๐๐ก๐ง๐ข ๐ก๐๐ก๐ ๐๐ข๐๐ข ๐๐ง ๐๐ข๐๐, ๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ฌ ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐ข ๐ช๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก
Matagumpay na isinagawa ang Elderly Filipino Week Celebration na pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng San Andres, sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), nitong Oktubre 23 sa Municipal Covered Court, San Andres, Quezon
Tampok sa isang araw na pagdiriwang ang singing at dance contest, kung saan aktibong nanguna ang mga nakatatanda na representante ng pitong (7) barangay upang magpamalas ng kanilang aking talento, husay, at sigla sa kabila ng kanilang edad.
Layunin ng pagdiriwang na ito na kilalanin ang ating mga senior citizens at isulong sa kanila ang active aging upang mahikayat ang mga ito na manatiling masigla at kabahagi sa mga gawaing pampamayanan.
Nakiisa naman sa naturang pagdiriwang sina Vice Mayor Nelson Ausa, Municipal Administrator Ferdinand P. Lacbayo bilang kinatawan ni Mayor Ralph Lim, Municipal Councilor Nelson Villanueva, at Senior Citizen Federation President Enrico Nadres, na nagbigay rin ng kanilang mensahe ng pagkilala at suporta sa mga nakatatanda.
I ๐ SAN ANDRES