Quezon MIATF

Quezon MIATF A special page intended for official Updates and guidelines connected to Covid 19 by the Municipality of Quezon

16/08/2024

22/09/2022
16/08/2022

COVID-19 UPDATES IN QUEZON PROVINCE AS OF AUGUST 16, 2022 5:00PM

Pabatid!Muli na naman nadagdagan ng dalawang bagong kaso ng pasyenteng nagpositibo sa Rapid Antigen Test para sa COVID-1...
25/07/2022

Pabatid!

Muli na naman nadagdagan ng dalawang bagong kaso ng pasyenteng nagpositibo sa Rapid Antigen Test para sa COVID-19 ang ating bayan.

Si Patient #365 ay 1 taong gulang na lalaki mula sa Barangay Cometa. Siya ay mayroong sintomas ng ubo, lagnat at sipon mula pa noong ika-20 ng Hulyo. Siya ay kasalukuyang nasa Alabat Island District Hospital.

Samantala, Si Patient #366 naman ay 21 taong gulang na lalaki mula sa Barangay 6. Siya ay naswab sapagkat siya ay mayroon sintomas ubo, lagnat at sipon mula pa noong ika-23 ng Hulyo. Ang nasabing pasyente ay kumpleto ng bakuna laban sa COVID-19. Siya ay kasalukuyan nakahome-quarantine.

Sa isinagawang pag-iimbestiga, Si Patient #365 ay may 3 direct contacts at Patient #366 naman ay may 9 na direct contacts. Ang mga nasabing close contacts ay kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 at walang mga sintomas.

Ideneklara na rin na recovered si Patient #361 kahapon (July 24, 2022). Sa ngayon ay mayroong 5 aktibong kaso sa ating bayan.

Patuloy po ang pagmamatyag ng ating MIATF sa mga posibleng kaso ng COVID-19 sa ating bayan upang maiwasan ang mas malawak na pagkalat nito.

Muli pong pina-aalahanan ang lahat na mag-ingat at sumunod sa ating mga health protocols.

Maraming Salamat po.

Pabatid!Muli na naman nakatanggap ng isang bagong kaso ng pasyenteng nagpositibo sa Rapid Antigen Test para sa COVID-19 ...
22/07/2022

Pabatid!

Muli na naman nakatanggap ng isang bagong kaso ng pasyenteng nagpositibo sa Rapid Antigen Test para sa COVID-19 ang ating bayan.

Ang pasyente ay 67 taong gulang na lalaki mula sa Barangay 6. Siya ay kilalang may sakit na hika. Ang nasabing pasyente kinailangang maswab sapagkat bahagi ito ng patakaran ng Ospital. Siya ay mayroon ng bakuna laban sa COVID-19. Siya ay kasalukuyang naka-admit sa Alabat Island District Hospital.

Sa pag-iimbestigang isinagawa siya ay may 3 direct contacts. Dalawa sa mga nasabing contacts ay mayroon ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa kasalukuyan ay mayroong 4 na aktibong kaso ng COVID-19 sa ating bayan.

Patuloy po ang pagmamatyag ng ating MIATF sa mga posibleng kaso ng COVID-19 sa ating bayan upang maiwasan ang mas malawak na pagkalat nito.

Muli pong pina-aalahanan ang lahat na mag-ingat at sumunod sa ating mga health protocols.

Maraming Salamat po.

22/07/2022

Pabatid:

Sa 8 kataong suspect na naswab mula sa ating bayan, 4 na ang nagpositibo sa COVID-19. Lahat ay may mga mild symptoms sapagkat sila ay nabakunahan na. 2 ay nasa ospital.

Subalit kalahati pa sa ating bayan ang hindi pa nababakunahan.

Habang dumarami ang ating kaso, tumataas ang pagkakataong may magkakaroon muli na may makakaranas ng malalang COVID mula sa mga hindi pa nababakunahan.

Sama-sama nating pinagtulungan ang Alert Level 1 Status. Huwag sana nating hayaang tayo ay mailagay muli sa mas mataas na alert level kung patuloy na muling tataas ang mga laso sa ating bayan.

Pinapaalalahanan ang lahat na patuloy na mag-ingat. Magsuot ng mask lalo na kung may makakasalamuhang hindi kasama sa bahay.

Pabatid!Muli na naman nadagdagan ng dalawang bagong kaso ng pasyenteng nagpositibo sa Rapid Antigen Test para sa COVID-1...
21/07/2022

Pabatid!

Muli na naman nadagdagan ng dalawang bagong kaso ng pasyenteng nagpositibo sa Rapid Antigen Test para sa COVID-19 ang ating bayan.

Si Patient #362 ay 40 taong gulang na lalaki mula sa Barangay 6. Siya ay naswab sapagkat siya ay close contact ni Patient #361. Siya ay mayroong sintomas ng ubo at sipon mula pa noong ika-17 ng Hulyo. Ang nasabing pasyente ay kumpleto ng bakuna laban sa COVID-19. Siya ay kasalukuyang nakahome-quarantine.

Samantala, Si Patient #363 naman ay 26 taong gulang na lalaki mula sa Barangay 6. Siya ay naswab sapagkat siya rin ay close contact ni Patient #361. Siya ay nagkaroon ng sintomas ng sipon noong ika-18 ng Hulyo. Ang nasabing pasyente ay kumpleto ng bakuna laban sa COVID-19. Siya ay kasalukuyan din nakahome-quarantine.

Sa isinagawang pag-iimbestiga, ang mga nasabing pasyente ay may 2 na close contacts. Ang mga nasabing close contacts ay kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 at walang mga sintomas.

Sa ngayon ay mayroong 3 aktibong kaso sa ating bayan.

Patuloy po ang pagmamatyag ng ating MIATF sa mga posibleng kaso ng COVID-19 sa ating bayan upang maiwasan ang mas malawak na pagkalat nito.

Muli pong pina-aalahanan ang lahat na mag-ingat at sumunod sa ating mga health protocols.

Maraming Salamat po.

Pabatid!Kahapon (Hulyo 19, 2022) ay ideneklara nang recovered si Patient  #360.Samantala, kanina ay muli na naman nakata...
20/07/2022

Pabatid!

Kahapon (Hulyo 19, 2022) ay ideneklara nang recovered si Patient #360.

Samantala, kanina ay muli na naman nakatanggap ng isang bagong kaso ng pasyenteng nagpositibo sa Rapid Antigen Test para sa COVID-19 sa ating bayan.

Ang pasyente ay 42 taong gulang na lalaki mula sa Barangay 6. Siya ay kinailangang maswab sapagkat bahagi ito nang patakaran ng Ospital. Siya ay mayroong sintomas ng ubo mula pa noong ika-15 ng Hulyo. Ang nasabing pasyente ay mayroon ng bakuna laban sa COVID-19. Siya ay kasalukuyang nakahome-quarantine.

Kasalukuyang isinasagawa ang contact-tracing. Sa isinagawang pag-iimbestiga, Siya ay may 6 na close contacts. Ang mga nasabing close contacts ay kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 at walang mga sintomas.

Patuloy po ang pagmamatyag ng ating MIATF sa mga posibleng kaso ng COVID-19 sa ating bayan upang maiwasan ang mas malawak na pagkalat nito.

Muli pong pina-aalahanan ang lahat na mag-ingat at sumunod sa ating mga health protocols.

Maraming Salamat po.

Pabatid!Nakatanggap ng isang bagong kaso ng pasyenteng nagpositibo sa Rapid Antigen Test para sa COVID-19 sa ating bayan...
13/07/2022

Pabatid!

Nakatanggap ng isang bagong kaso ng pasyenteng nagpositibo sa Rapid Antigen Test para sa COVID-19 sa ating bayan.

Ang pasyente ay 34 taong gulang na lalaki mula sa Barangay 4. Siya ay walang mga sintomas ngunit kinailangang maswab sapagkat bahagi ito ng patakaran ng Ospital. Ang nasabing pasyente ay mayroon ng bakuna laban sa COVID-19. Siya ay kasalukuyang nakahome-quarantine.

Kasalukuyang isinasagawa ang contact-tracing. Sa paunang pag-iimbestiga, Siya ay may 5 first degree contacts. Lahat ng nasabing contacts ay kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 at walang mga sintomas.

Patuloy po ang pagmamatyag ng ating MIATF sa mga posibleng kaso ng COVID-19 sa ating bayan upang maiwasan ang mas malawak na pagkalat nito.

Muli pong pina-aalahanan ang lahat na mag-ingat at sumunod sa ating mga health protocols.

Maraming Salamat po.

Ang sumusunod po ang updated guidelines ng quarantine at isolation ng mga kaso ng COVID-19 at kanilang contacts.Mapapans...
12/07/2022

Ang sumusunod po ang updated guidelines ng quarantine at isolation ng mga kaso ng COVID-19 at kanilang contacts.

Mapapansing mas maikli ang quarantine at isolation ng mga nakatanggap na ng kumpletong bakuna kumpara sa mga hindi pa ito nakumpleto. Itp ay sa kadahilanang mas mabilis ang paggaling mula sa COVID-19 dahil sa nabuong antibodies o panlaban sa sakit mula sa bakuna.

Mag-iingat po tayong lahat.

21/04/2022

Pabatid:

Nakatanggap ng isang bagong kaso ng pasyenteng nagpositibo sa Rapid Antigen Test para sa COVID-19 sa ating bayan.

Ang pasyente ay 18 taong gulang mula sa Sabang. Siya ay walang mga sintomas ngunit kinailangang maswab sapagkat kinailangan siyang dalhin sa ospital upang manganak. Napag-alamang ang pasyente ay hindi pa nakatatanggap ng bakuna laban sa COVID-19. Ang pasyente ay kasalukuyang nasa ospital.

Kasalukuyang isinasagawa ang contact-tracing. Sa paunang pag-iimbestiga, ang kanyang mga first degree contacts ay lahat kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 at walang mga sintomas.

Patuloy po abg pagmamatyag ng ating MIATF sa mga posibleng kaso ng COVID-19 sa ating bayan upang maiwasan ang mas malawak na pagkalat nito sa ating bayan.

Mag-iingat po ang lahat.

PabatidUpang maiangat ang ating antas ng restriction sa Alert Level 1, inatasan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon an...
03/03/2022

Pabatid

Upang maiangat ang ating antas ng restriction sa Alert Level 1, inatasan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang mga Bayan na mas hikayatin ang mga hindi pa nababakunaham na mapabakunahan, lalo na ang nakatatanda.

Ang ilang mga lalawigan at lungsod ay nailagay na sa Alert Level 1 o ang pinakamaluwag na mga pamantayan dahil sa dami ng nabakunahan na at sa papababang dami ng kaso sa kanilang mga pamayanan.

Ang mga bakuna ay patuloy na napapatunayang ligtas at mabisang paraan upang mabawasan ang pagkakataong magkaroon ng malalang mga sintomas mula sa COVID-19.

Ang ating vaccination team ay nagsimula na ring magbakuna ng mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang ngayong araw na ito, alinsunod sa atas ng DOH na simulan ang pagbabakuna sa grupong ito noong ika-14 ng Pebrero 2022.

Patuloy po tayong magtulungan na maibalik sa ligtas na pamumuhay ang ating pamayanan.

Maraming salamat po.

Address

Quezon
4332

Telephone

+639515382809

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon MIATF posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share