OMA-Quezon, Quezon

OMA-Quezon, Quezon Provides information and updates on different programs and projects of the Local Government for the farmers and fisherfolks in the community.

19/05/2026

๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐——๐—ฅ๐—ข ๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—”๐—Ÿ, ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—š๐—จ๐— ๐—ฃ๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—ก๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—”

Matagumpay na isinagawa noong ika-15 ng Mayo 2026 ang pagdiriwang ng San Isidro Festival bilang pagpupugay kay San Isidro Labrador, ang Patron ng mga Magsasaka. Naging makabuluhan at masaya ang selebrasyon dahil sa sama-samang pakikiisa ng mga mamamayan, mga samahan, at mga indibidwal na nagbigay ng suporta para sa nasabing okasyon.

Ang taunang โ€œPabitinโ€ na isa sa pinakaaabangang bahagi ng pagdiriwang ay muling naghatid ng saya at kasiyahan, lalo na sa mga kabataan na masayang nakibahagi sa naturang aktibidad. Nagkaroon din ng Community Pantry kung saan marami ang nabigyan ng bigas, mga prutas, at iba pang pagkain na pinagsalu-saluhan ng lahat ng nakiisa.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot sa lahat ng donors at sponsors na walang sawang nagbigay ng tulong at suporta upang maging matagumpay ang pagdiriwang at makapaghatid ng biyaya sa ating mga kababayan.

Lubos po naming pinasasalamatan ang mga sumusunod na sponsors and donors.

Ms. Chelsea Oliveros
Ma'am Felcy Oliveros
Sir Rei Jerrico Herrera Badinas
Mao Mary Rose Occidental Panol
Ma'am Melyn PO
Councilor Mhabz Lamadrid
Councilor Myla Bayan
Councilor Arlyn Cariรฑo
Rolando Villapando
Lolo Imo Febrer
Cosme Clacio
Michael Platino
Joy Calvelo
Franco Capanzana
Kgwd Marilis Marapao Saringan
STAN Quezon Quezon
MSWDO - Quezon, Quezon

Sa mga pangulo at mga samahan
Airwen Nabor
Esteban Parian
Paul Joshua Escolano
Nazer Olivera
Ryan Eraula
Alexguimpol Angulo
Rey Felismena

Magsino Irrigators Inc.
Tagkawa Rice Farmers Association
Montaรฑa Rice Farmers Association
Silangang Tabyunan Irrigators Inc.
Quezon Pacific Rice Farmers Association
TINDIG ng Nagkakaisang Mangingisda ng Brgy. Poblacion 5
HAPAG Brgy. Mascariรฑa
DEMO FARM
Dem's Coffee
Sangguniang Brgy. Poblacion 6

MARAMING SALAMAT PO!! Nawaโ€™y patuloy na pagpalain ang bawat isa at manatiling buhay ang diwa ng bayanihan sa ating bayan.



15/05/2026

SAN ISIDRO FESTIVAL 2026

๐ŸŒพ๐ŸŽ‰ HALINAโ€™T MAKIISA SA MASAYANG PAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR! Buong puso po naming inaanyayahan ang ...
14/05/2026

๐ŸŒพ๐ŸŽ‰ HALINAโ€™T MAKIISA SA MASAYANG PAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN NI SAN ISIDRO LABRADOR!

Buong puso po naming inaanyayahan ang bawat isa na makiisa at makisaya sa pagdiriwang ng Kapistahan ng ating mahal na Patron ng mga Magsasaka, si San Isidro Labrador, na gaganapin bukas, MAY 15, 2026.

Bilang bahagi ng selebrasyon, muli po nating pagsasaluhan ang saya at biyaya sa pamamagitan ng ating PABITIN at COMMUNITY PANTRY, na inihanda upang makapaghatid ng kasiyahan at tulong sa ating mga kababayan.

Paalala po na magdala po kayo ng sariling eco-bag!

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sponsors, donors, samahan, at mga indibidwal na walang sawang nagpaabot ng suporta at tulong upang maisakatuparan ang mga gawaing ito at makapagbahagi ng biyaya sa marami.

At para naman po sa mga may bukas-palad na nais pang magbigay ng donasyon para sa ating kapistahan, malugod po namin itong tatanggapin at taos-pusong ipagpapasalamat.

Sama-sama po nating ipagdiwang ang pananampalataya, pagkakaisa, at pagbibigayan sa araw ng kapistahan.

Maraming salamat po at mabuhay ang diwa ng bayanihan!๐Ÿ™

๐Ÿ“๐˜ผ๐™๐™๐™€๐™‰๐™๐™„๐™Š๐™‰ ๐™‹๐™€๐™ ๐™Š๐™’๐™‰๐™€๐™๐™Ž!!
28/04/2026

๐Ÿ“๐˜ผ๐™๐™๐™€๐™‰๐™๐™„๐™Š๐™‰ ๐™‹๐™€๐™ ๐™Š๐™’๐™‰๐™€๐™๐™Ž!!

๐Œ๐€๐‡๐ˆ๐†๐๐ˆ๐“ ๐๐€ ๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€Alinsunod sa umiiral na mga patakaran para sa kaligtasan ng ating komunidad, ipinababatid sa lahat ng...
27/04/2026

๐Œ๐€๐‡๐ˆ๐†๐๐ˆ๐“ ๐๐€ ๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€

Alinsunod sa umiiral na mga patakaran para sa kaligtasan ng ating komunidad, ipinababatid sa lahat ng ating mga kababayanโ€”lalo na sa mga uuwi para sa darating na Alumni Homecoming at Piyesta ng Bayanโ€”ang sumusunod:

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpa*ok, pagdadala, o pagbiyahe ng anumang karne ng baboy sa ating lugar, maging ito man ay luto, hilaw, o anumang produktong nagmula sa baboy. Ang ating bayan ay nananatiling ASF-Free, kayaโ€™t patuloy nating pinangangalagaan ang kalagayang ito laban sa banta ng African Swine Fever (ASF), na maaaring magdulot ng malaking pinsala sa kabuhayan ng ating mga mamamayan at sa sektor ng paghahayupan.

Ang sinumang mapapatunayang lalabag sa patakarang ito ay papatawan ng kaukulang aksyon alinsunod sa umiiral na batas at mga lokal na ordinansa.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at maging responsable upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng ating komunidad. Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.

๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐’๐„๐Œ๐€๐๐€ ๐’๐€๐๐“๐€Sa paggunita natin ng Semana Santa, inaasahan ang pagdami ng mga kababayan at mga bisitang u...
01/04/2026

๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐’๐„๐Œ๐€๐๐€ ๐’๐€๐๐“๐€

Sa paggunita natin ng Semana Santa, inaasahan ang pagdami ng mga kababayan at mga bisitang uuwi at magbabakasyon sa ating bayan. Kaugnay nito, magalang naming ipinapaalala sa lahat ng pet owners na ๐๐š๐ฅ๐ก๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฏ๐š๐œ๐œ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐œ๐š๐ซ๐ ๐š๐ญ ๐ข๐›๐š ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐๐จ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐š๐ฌ๐จ ๐š๐ญ ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐š bilang patunay na sila ay nabakunahan laban sa rabies.

๐Ÿ“Œ Kung wala pang rabies vaccine ang inyong alaga, nakaantabay sa port ang aming Inspector katuwang ang iba pang staff ng aming Tanggapan upang kayo ay i-assist.

Maraming Salamat po sa inyong pakiisa at sama-sama nating panatilihing Rabies-Free Community ang Bayan ng Quezon!

Hello Pet Owners!  Ang Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, ay magsasagawa ng Rabies ...
02/03/2026

Hello Pet Owners!

Ang Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, ay magsasagawa ng Rabies Awareness and Responsible Pet Ownership IEC Campaign sa mga paaralan at Brgy. Hall, pati na rin ng Anti-Rabies Mass Vaccination sa mga designated areas, bilang bahagi ng kampanya laban sa rabies.

Tingnan ang kalakip na larawan para sa Schedule of Activities,(petsa, oras, at lugar).

Ihanda na ang inyong mga alagang a*o at pusa para sa LIBRENG bakuna!!

Paalala:

Siguraduhing may sapat na kontrol sa inyong alaga. Nakatali o may leash, may kulungan o carrier.

๐Ÿพ MGA DAPAT TANDAAN

Bago ang pagbabakuna:
โ€ข Tatlong (3) buwan pataas ang edad
โ€ข Malusog at walang sakit
โ€ข Hindi buntis

Pagkatapos ng pagbabakuna:
โ€ข Iwasang paliguan ang inyong alaga sa loob ng 3 hanggang 5 araw
โ€ข Iwasang mapagod o ma-stress ang inyong alaga.

Makiisa upang mapanatiling ligtas at rabies-free ang ating bayan.
Para sa karagdagang impormasyon o mga katanungan, makipag-ugnayan lamang sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor.

MARAMING SALAMAT PO! ๐Ÿพ

FISHERFOLKS GENERAL ASSEMBLY 2025Ang Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor at pakikipagt...
09/12/2025

FISHERFOLKS GENERAL ASSEMBLY 2025

Ang Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor at pakikipagtulungan ng BFAR, PNP Maritime, at Philippine Coast Guard, matagumpay na isinagawa ang General Assembly ng mga Mangingisda noong Nobyembre 6, 2025.

Tinalakay dito ang mga isyu hinggil sa boat registration, illegal fishing, at mga tulong pangkabuhayan para sa mga mangingisda. Ibinahagi rin ang mga plano ng pamahalaan para sa mas maayos na koordinasyon, livelihood programs, at makatarungang pagpapatupad ng batas sa pangingisda.

Sa araw na ito ay isinagawa rin ang pagmamahagi ng mga papremyo / raffle sa ibat-ibang samahan at mga indibidwal na nakapag rehistro ng kanilang mga bangka at baklad. Idinaos din ang eleksyon para sa mga bagong opisyales na mamumuno sa pederasyon.

Salamat po sa aktibong pakikilahok ng mga samahan ng mangingisda, at partner agencies. Lubos na pasasalamat din po sa ating mga konsehal, kina Kons. Sandeeh at Kons. Arlyn, sa BFAR at lalong higit sa ating minamahal na Punong Bayan sa ipinagkaloob nilang suporta para sa mga samahan. Sama-sama nating itaguyod ang responsableng pangingisda at masaganang kabuhayan sa baybayin!

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐Š๐€๐”๐†๐๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐๐€๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€ ๐๐€๐†๐˜๐Ž๐๐† ๐”๐–๐€๐:๐‘ƒ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž ๐‘๐‘œ ๐‘ ๐‘Ž ๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘š๐‘Ž๐‘”๐‘ ๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž๐‘˜๐‘Ž ๐‘Ž๐‘ก ๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘”๐‘–๐‘ ๐‘‘๐‘Ž. Pinaaalalahanan po ang laha...
07/11/2025

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐Š๐€๐”๐†๐๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐๐€๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€ ๐๐€๐†๐˜๐Ž๐๐† ๐”๐–๐€๐:

๐‘ƒ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž ๐‘๐‘œ ๐‘ ๐‘Ž ๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘š๐‘Ž๐‘”๐‘ ๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž๐‘˜๐‘Ž ๐‘Ž๐‘ก ๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘”๐‘–๐‘ ๐‘‘๐‘Ž.

Pinaaalalahanan po ang lahat na:
1. Ilagay sa ligtas na lugar ang ating mga alagang hayop at bigyan ng sapat at malinis na pagkain at inumin.
2. Ang mga tanim, bagaman at hindi natin mai-iiwas sa bagyo ay marapat na mag ani na kung sakaling may mga pwede ng anihin upang mabawasan ng pagkalugi at paglaki ng pinsala. Kung sakaling mapinsala ang mga tanim at halaman, magreport sa aming tanggapan.
3. Sa mga mangingisda, ilagay na po ang inyong mga bangka sa ligtas na lugar, tanggalan ng paltik at katig at ilagay sa tahik kung kinakailangan upang maiwasan ang pagkasira nito.
4. Ang mga baklad, kung kaya pang itaas ang mga lambat upang makaiwas sa malaking pinsala dulot ng lakas ng alon at hangin ay isagawa.
5. Huwag na pong pumalaot. Ingatan ang buhay at kabuhayan.
6. Sa mga hindi maiiwasang pinsala dulot ng bagyo, magreport po sa aming tanggapan upang malaman ang laki o dami ng pinsala.
7. Ang mga nakaseguro na halaman, puno, bangka, at mga hayop kung mapipinsala ng bagyo ay kinakailangan ipagbigay alam agad sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng hindi lalagpas ng tatlong araw matapos ang bagyo upang makapag file ng NOTICE OF LOSS.

Muli po, mag ingat po tayong lahat.
Pag-ingatan ang buhay at ang ating kabuhayan. God bless.

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa kaligtasan ng komunidad, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lokal ng Qu...
06/11/2025

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa kaligtasan ng komunidad, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lokal ng Quezon sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor katuwang mga mga ang mga kinatawan mula sa Office of the Provincial Veterinarian, ang Training para sa Brgy. Dog Catchers noong Oktubre 28โ€“29, 2025.

Layunin ng Training na magkaroon ng kaalaman ang mga brgy. dog catchers sa tamang pamamaraan ng panghuhuli, pangangalaga, at pamamahala sa mga a*ong gala. Ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa rabies prevention at mas ligtas na pamayanan.

Palalala: Iwasan pong hayaang gumala ang inyong mga alagang a*o sa kalsada. Siguraduhing ito ay may tamang bakuna laban sa rabies. Ang simpleng disiplina sa pag-aalaga ng hayop ay malaking ambag sa kaligtasan ng buong komunidad.

MARAMING SALAMAT PO!

๐€๐๐ˆ๐Œ๐€๐‹ ๐‡๐„๐€๐‹๐“๐‡ ๐‚๐€๐‘๐€๐•๐€๐Isinagawa noong Oktubre 8โ€“10, 2025, ang ๐ด๐‘›๐‘–๐‘š๐‘Ž๐‘™ ๐ป๐‘’๐‘Ž๐‘™๐‘กโ„Ž ๐ถ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘ฃ๐‘Ž๐‘› ng Pamahalaang Lokal ng Quezon sa pam...
16/10/2025

๐€๐๐ˆ๐Œ๐€๐‹ ๐‡๐„๐€๐‹๐“๐‡ ๐‚๐€๐‘๐€๐•๐€๐

Isinagawa noong Oktubre 8โ€“10, 2025, ang ๐ด๐‘›๐‘–๐‘š๐‘Ž๐‘™ ๐ป๐‘’๐‘Ž๐‘™๐‘กโ„Ž ๐ถ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘ฃ๐‘Ž๐‘› ng Pamahalaang Lokal ng Quezon sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, katuwang ang mga kawani mula sa DA - Philippine Carabao Center ,UPLB, at Office of the Provincial Veterinarian.

Sa kabuuan, ๐Ÿ๐Ÿ“๐ŸŽ na magsasaka ang naserbisyuhan at ๐Ÿ๐Ÿ’๐Ÿ na kalabaw ang nabigyan ng ibaโ€™t ibang serbisyong pangkalusugan katulad ng mga sumusunod:
Artificial Insemination (AI): 69 kalabaw
Pagbibigay ng Bitamina: 134 kalabaw
Deworming: 112 kalabaw

Lubos na pasasalamat po sa mga kawani ng DAโ€“Philippine Carabao Center, UPLB, Office of the Provincial Veterinarian. at sa mga magsasakang nakiisa.

Address

U. Camacho Street
Quezon
4332

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639386433324

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OMA-Quezon, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to OMA-Quezon, Quezon:

Share