DepEd Tayo Kiling ES - Quezon

DepEd Tayo Kiling ES - Quezon Kiling Elementary School, Sariaya West District, Division of Quezon. Located at Manggalang Kiling Sar

Hunyo 11, 2026/๐—ข๐—”๐—ง๐—›-๐—ง๐—”๐—ž๐—œ๐—ก๐—š ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—˜๐— ๐—ข๐—ก๐—ฌ ๐—ข๐—™ ๐—ก๐—˜๐—ช๐—Ÿ๐—ฌ ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—˜๐—— ๐—–๐—Ÿ๐—จ๐—• ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—ฆIsang makabuluhan at makasaysayang gawain ang isinagaw...
12/06/2026

Hunyo 11, 2026/๐—ข๐—”๐—ง๐—›-๐—ง๐—”๐—ž๐—œ๐—ก๐—š ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—˜๐— ๐—ข๐—ก๐—ฌ ๐—ข๐—™ ๐—ก๐—˜๐—ช๐—Ÿ๐—ฌ ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—˜๐—— ๐—–๐—Ÿ๐—จ๐—• ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—ฆ

Isang makabuluhan at makasaysayang gawain ang isinagawa sa Kiling Elementary School sa pamamagitan ng Oath-Taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng iba't ibang samahan at organisasyon na lumahok sa naganap na School Club Fair.

Pinangunahan ni Maโ€™am Folrenda C. Arceo, School Principal, ang panunumpa sa tungkulin ng mga nahalal na opisyal. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pamumuno, pananagutan, at pagiging huwaran sa kapwa mag-aaral upang higit na mapaunlad ang mga organisasyon sa paaralan at maisulong ang kultura ng pakikilahok at paglilingkod.

Ang School Club Fair ay nagsilbing daan upang maipakilala ang iba't ibang samahan sa paaralan at mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na malinang ang kanilang mga talento, kakayahan, at pamumuno. Sa pamamagitan ng halalan at panunumpa ng mga opisyal, mas pinagtitibay ang kanilang tungkulin sa pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng buong paaralan.

Binabati ng Kiling Elementary School ang lahat ng mga bagong halal na opisyal. Nawaโ€™y maging inspirasyon kayo sa inyong mga kapwa mag-aaral at magampanan ninyo ang inyong mga tungkulin nang may integridad, dedikasyon, at malasakit.

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น! ๐ŸŽ‰๐Ÿ‘

Nakikiisa ang Kiling Elementary School sa pagdiriwang ng ika-128 na Araw ng Kalayaan.Bilang isang nagkakaisang pamayanan...
12/06/2026

Nakikiisa ang Kiling Elementary School sa pagdiriwang ng ika-128 na Araw ng Kalayaan.

Bilang isang nagkakaisang pamayanan, ating pinararangalan ang katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani na lumaban para sa kalayaang ating tinatamasa ngayon. Nawaโ€™y patuloy na magsilbing inspirasyon ang kanilang pamana upang maglingkod tayo sa ating bansa nang may integridad, pagkakaisa, at pagmamahal.

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Bayaning Pilipino! โค๏ธ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

Tingnan: Bilang bahagi ng pakikiisa sa taunang Brigada Eskwela, nagbigay ng donasyon ang Sangguniang Kabataan ng Manggal...
08/06/2026

Tingnan: Bilang bahagi ng pakikiisa sa taunang Brigada Eskwela, nagbigay ng donasyon ang Sangguniang Kabataan ng Manggalang Kiling ng mga kagamitang pampaaralan upang suportahan ang mga mag-aaral ng Kiling Elementary School sa paghahanda para sa nalalapit na pasukan.

Ang isinagawang aktibidad ay naglalayong makatulong sa mga mag-aaral, lalo na sa mga nangangailangan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bag, notebooks, ballpen, lapis, at iba pang school supplies.

Ayon sa mga SK officials, ang inisyatibong ito ay bahagi ng kanilang adhikain na mapalakas ang pakikilahok ng kabataan sa mga programang pang-edukasyon at bayanihan sa paaralan.

Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralan, mga g**o, at mag-aaral sa ibinigay na suporta na malaking tulong sa paghahanda para sa bagong taong panuruan.

Hunyo 8, 2026Tingnan: Masiglang nagsimula ang unang araw ng pasukan sa ating paaralan sa pamamagitan ng isang makabuluha...
08/06/2026

Hunyo 8, 2026

Tingnan: Masiglang nagsimula ang unang araw ng pasukan sa ating paaralan sa pamamagitan ng isang makabuluhang Flag Ceremony na dinaluhan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan.

Sa pag-awit ng Lupang Hinirang at pagtataas ng watawat ng Pilipinas, opisyal na binuksan ang panibagong yugto ng pagkatuto para sa bagong trimester na alinsunod sa patuloy na implementasyon ng mga programang pang-edukasyon ng Department of Education (DepEd).

Kasabay ng pagbubukas ng klase ay ang oryentasyon sa new trimester bilang bahagi ng opening block, kung saan ipinaliwanag ang mga alituntunin, iskedyul, at inaasahang gawain upang gabayan ang mga mag-aaral sa maayos at organisadong pag-aaral.

Nagbigay rin ng paalala ang mga g**o tungkol sa kahalagahan ng disiplina, aktibong partisipasyon sa klase, at positibong pag-uugali bilang susi sa matagumpay na pagkatuto.

Ipinakilala din ang mga SELG Officers na mamumuno sa kasalukuyang panuruan at inilatag ang kanilang mga programa sa pamumuno ni Queen Carla Ayesha G. Naredo.

Ang matagumpay na pagdaraos ng unang araw ng pasukan ay naging hudyat ng panibagong simula ng pag-asa, pagkakaisa, at mas pinatibay na adhikain para sa dekalidad na edukasyon.

Tingnan: Lubos ang pasasalamat ng aming paaralan sa bukas-palad na donasyon ng City Savings Bank, na nagbigay ng siyam (...
03/06/2026

Tingnan: Lubos ang pasasalamat ng aming paaralan sa bukas-palad na donasyon ng City Savings Bank, na nagbigay ng siyam (9) na wall fan upang makatulong sa pagpapabuti ng bentilasyon at kaginhawaan ng mga mag-aaral at g**o sa loob ng mga silid-aralan.

Ang nasabing donasyon ay malaking tulong lalo na sa panahon ng mainit na klima, kung saan mas nagiging maayos at komportable ang pagkatuto ng mga bata sa kanilang mga klase. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, mas napapalakas ang ating layunin na makapagbigay ng dekalidad na edukasyon sa isang ligtas at maaliwalas na kapaligiran.

Ang pamunuan, mga g**o, mag-aaral, at mga magulang ay taos-pusong nagpapasalamat sa City Savings Bank sa patuloy nitong suporta at malasakit sa sektor ng edukasyon.

Maraming salamat po sa inyong kabutihang-loob! ๐Ÿ’™T

Tingnan: Matagumpay na naisakatuparan ang Tara Basa Tutoring Program ng Department of Social Welfare and Development (DS...
03/06/2026

Tingnan: Matagumpay na naisakatuparan ang Tara Basa Tutoring Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa sampung (10) batang tutuntong sa Grade 2 sa darating na pasukan.

Nagsimula ang programa noong Mayo 4, 2026 at nagtapos noong Mayo 29, 2026, na naglalayong higit pang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa, pag-unawa, at iba pang pangunahing kasanayang akademiko. Sa loob ng apat na linggo, masigasig na nakibahagi ang mga bata sa iba't ibang gawaing pampagkatuto na nagpalawak ng kanilang kaalaman at nagpalakas ng kanilang kumpiyansa sa pag-aaral.

Bilang pagtatapos ng programa, isinagawa ang Culminating Activity noong Hunyo 2, 2026, kung saan kinilala at ipinagdiwang ang pagsisikap at pag-unlad ng mga kalahok. Tampok sa programa ang pagbibigay ng sertipiko at pagkilala sa mga batang matagumpay na nakatapos ng tutoring sessions.

Ang tagumpay ng programang ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan ng DSWD, mga tutor, mga magulang, at ng paaralan sa pagtataguyod ng kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito. Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating suportahan ang mga kabataang mag-aaral sa kanilang paglalakbay tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

June 2, 2026Tingnan: Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Brigada Eskwela 2026, matagumpay na naisagawa ang programang Libren...
03/06/2026

June 2, 2026

Tingnan: Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Brigada Eskwela 2026, matagumpay na naisagawa ang programang Libreng Gupit para sa mga mag-aaral at magulang.

Naging posible ang programang ito sa pamamagitan ng kabutihang-loob at suporta ng Lea Vida Beauty Salon, na naglaan ng kanilang oras, kasanayan, at serbisyo upang makapagbigay ng libreng gupit sa ating mga mag-aaral. Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan ng paaralan sa kanilang pakikiisa at pagbabahagi ng biyaya sa komunidad ng Kiling Elementary School. Ang kanilang malasakit ay patunay na ang pagtutulungan ng paaralan at mga katuwang sa komunidad ay mahalagang bahagi sa paghahanda para sa isang matagumpay na taong panuruan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa programang ito. Patuloy nating isabuhay ang diwa ng bayanihan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral!

June 1-2, 2026Tingnan: Bilang pagpapakita ng diwa ng bayanihan at bolunterismo, aktibong nakiisa ang mga Club Officers n...
03/06/2026

June 1-2, 2026

Tingnan: Bilang pagpapakita ng diwa ng bayanihan at bolunterismo, aktibong nakiisa ang mga Club Officers ng Kiling Elementary School mula sa SELG , YES-O , BKD , RCYC, at YECS sa isinagawang Brigada Eskwela 2026.

Ang kanilang pakikilahok ay alinsunod sa DepEd Order No. 49, s. 2011 o โ€œMandated Programs, Projects, and Activities of the Supreme Student Government,โ€ na nagtataguyod ng aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa mga programang pangpaaralan at pangkomunidad, kabilang ang taunang Brigada Eskwela. Layunin nitong malinang ang pamumuno, pagkakaisa, pananagutan, at malasakit ng mga kabataan sa kanilang paaralan at komunidad.

Kaugnay rin ito ng DepEd Memorandum No. 27, s. 2026 na may pamagat na โ€œ2026 Brigada Eskwela Implementing Guidelines,โ€ na naglalayong mapalakas ang pakikipagtulungan ng mga mag-aaral, magulang, g**o, at iba pang stakeholders upang matiyak ang kahandaan ng paaralan para sa pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral.

Maraming salamat sa ating mga Club Officers sa kanilang oras, sipag, at walang sawang pakikiisa para sa ikabubuti ng ating paaralan!

June 3, 2026Tingnan: Muling ipinamalas ng komunidad ng Kiling Elementary School ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan ...
03/06/2026

June 3, 2026

Tingnan: Muling ipinamalas ng komunidad ng Kiling Elementary School ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2026 na may temang โ€œBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.โ€

Sa sama-samang pagkilos ng iba't ibang sektor ng komunidad, naging matagumpay ang paglilinis, pagkukumpuni, at paghahanda ng mga pasilidad ng paaralan upang matiyak ang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Kiling Elementary School sa mga 4Ps Beneficiaries, TUPAD Members, SK Officials, mga magulang, at Kiling ES Club Officers na buong pusong naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta upang maisakatuparan ang mga gawaing pang-Brigada Eskwela.

Ang inyong pakikiisa ay patunay na ang edukasyon ay hindi lamang responsibilidad ng paaralan kundi ng buong komunidad. Sa pamamagitan ng bayanihan, mas napagtitibay natin ang ating layunin na makapagbigay ng dekalidad na edukasyon sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at malasakit sa Kiling Elementary School. Nawa'y magpatuloy ang ating pagkakaisa para sa ikauunlad ng ating paaralan.

May 29, 2026Tingnan: Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng komunidad, matagum...
03/06/2026

May 29, 2026

Tingnan: Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng komunidad, matagumpay na isinagawa ang isang maikling talakayan na nakatuon sa Disaster Preparedness ng Komunidad, Kahalagahan ng Kalusugan sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral, at Kahalagahan ng Feeding Program.

Sa unang bahagi ng programa, tinalakay ang mga mahahalagang impormasyon hinggil sa paghahanda bago, habang, at pagkatapos ng sakuna. Binigyang-diin ang papel ng bawat miyembro ng komunidad sa pagpapanatili ng kaligtasan ng kanilang pamilya at kapaligiran sa panahon ng mga emergency at kalamidad.

Tinalakay rin ang malaking epekto ng mabuting kalusugan sa pagkatuto ng mga bata. Ipinaalala sa mga magulang at kalahok na ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ay mahalaga upang maging aktibo, masigla, at handang matuto ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.

Bukod dito, binigyang-pansin ang kahalagahan ng School-Based Feeding Program bilang isang epektibong paraan upang matugunan ang suliranin sa malnutrisyon. Ipinakita kung paano nakatutulong ang wastong nutrisyon sa pagpapabuti ng konsentrasyon, pagdalo sa klase, at pangkalahatang pagganap ng mga mag-aaral sa paaralan.

Taos-pusong pasasalamat sa mga tagapagsalita, mga magulang, mga stakeholder, at lahat ng nakiisa upang maging matagumpay ang gawaing ito. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, masisig**o natin ang isang ligtas, malusog, at matatag na komunidad para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Address

Quezon

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Kiling ES - Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tayo Kiling ES - Quezon:

Share